Ika-anim: Pagiging Bampira

2K 50 0
                                    

"Trevor, Gawin mo akong Bampira."
Sabi ko sakanya habang nakahawak sa kamay niya.

Nagulat ata siya sa sinabi ko. Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
"Bakit mo naman gugustuhing maging Bampira?"

Pinigilan ko ang sarili ko na magisip ng kahit anong bagay na magbibigay sakanya ng hint kung ano man ang gusto ko talagang gawin.
Bat pa kasi nakakabasa ng isip? Pati ba naman sa isip ko wala akong privacy.

"Uhh, kasi ano-- interesado ako sa lahi niyo." Sagot ko. Eh. Wala akong maisip na irarason.

Itinuon niya ang mga mata niya saakin.
"Venus. Alam ko na hindi yan ang rason."

Paano niya naman malalaman? Di niya naman alam kung ano ang ugali ko. Malay mo may obsession ako sa mga Bampira diba?

"Ah, basta. Gawin mo akong Bampira. I changed my mind. Tutulungan ko na kayo. Na-realize ko na wala na akong magagawa at mas magandang kumampi sainyo." Sabi ko sakanya sa pinakaseryosong pagaarte.
Nagkukunwari lang ako. Of course, hindi ko ta-traydorin ang lahi ko.

Tinignan niya ako na para bang may hinahanap. Ayaw pa maniwala. Daming alam.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Nginitian ko siya nang matamis.
"Sige na, Trevor. Please?"

"Hindi, Venus. Saka ilang beses ko bang sasabihin sayong nababasa ko ang isip mo? Alam mo ba kung ano-anong naririnig ko na pinagiisip mo tungkol sakin?"

Pinagsasabi neto? Wala naman akong iniisip na masama tungkol sakanya.

"Pfft. Wag kang magdeny, Venus." Ngumiti siya at nagsimulang naglakad palayo.

Ayun nanaman. Yung ngiti niya. Di ko alam kung bakit di siya pala-ngiti. Ang cute kaya. Tumatak sa isip ko ang mga ngiti niya. Di ko namalayan napapangiti na din ako.

"Venus. Anong ginagawa mo? Bat di ka sumusunod?" Sigaw niya sakin kasi medyo malayo na ang nalakad niya.

Wala naman siyang sinabing sumunod ako.
"Saglit. Antayin mo ako." Sagot ko at humabol sakanya.

"Ang bagal mo maglakad."
Inirapan ko siya. Malamang, Bampira ka, mas mabilis ka sakin. Psh.

"Diba sabi mo gusto mong maging Bampira?"

Tumango ako. "Ano naman kung gusto ko? Ayaw mo naman."

"Sino ba nagsabing ayaw ko? Ikaw lang naman. Saka, actually, may Hunter dito."

Ha? Hunter? Hindi ba Castle Vampa to? Bakit may Hunter dito bukod sakin?

"Dali, nandito ang kwarto niya."
Hinila niya ako sa malapit na kwarto. Sa may tabi lang ng kwarto niya.

Sino kaya ang Hunter na 'yun?

Binuksan niya ang pintuan at bumungad saakin ang lalaking napapalibutan ng tatlong babae sa kama. Oo. Hubad.

"What the--" Tinakpan ko agad ang mukha ko at pumunta sa likod ni Trevor. 'Di ba siya nandidiri?

Ah. Lalake nga pala.
"Kalma, Venus. Babae lang yan, di halimaw." Sabi niya habang tumatawa.

Bwisit to. Sinuntok ko nang mahina ang likod niya.

"Dylan, paalisin mo muna yang mga pokpok mo."
Ang pangit naman ng pinili niyang word. Bakit pokpok pa?

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now