Ikawalo: Paghihirap

1.7K 40 0
                                    

~~FLASHBACK PT. 1~~
•••---•••---•••---•••---•••---•••---•••
Trevor's POV

"Kylie, hindi pwede. Sinong kasama mo doon? Hindi kita mababantayan. Baka kung anong mangyari sayo."

Umiling siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Kuya. Ayos lang ako doon. Kasama ko naman si Zeus. Siya ang magbabantay sakin."

Bakit ba ang laki ng tiwala ng kapatid ko sa Zeus na 'yun? Hindi pa nga niya pinapakilala sakin yung lalaking yun.

"Ipakilala mo muna saakin yang Zeus na yan bago kayo umalis ng Wysteria." Sabi ko sakanya.

"Sige, kuya. I'll invite him to come over for dinner tonight. Sigurado akong magugustuhan mo siya."

"Hmm, okay. Pero you can't leave until he has my approval."

Nginitian niya ako at tumango. "Oo. Thanks kuya."
Sabi niya saakin at niyakap ako.
---•••---•••---•••---•••---•••---•••---•••
Zeus's POV

Lumapit saakin si Kylie at inayos ang necktie kong pinili niyang isuot ko sa dinner namin kasama ang pamilya niya.

"Ayan. You're ready to go, Z."
Sabi niya saakin at ngumiti sa inayos niyang outfit.
Kinuha niya ang mga kamay ko at dinala ako sa Dining Area nila.

As expected. Andito ang kuya niya. Ngumisi ako ng patago at inisip ang pagkasunod-sunod ng mga inaasahan kong mangyayari.
Napakadaling lokohin ni Kylie.

I can't wait to reveal that it's all just an act.

"Good evening, Trevor. I've heard so much about you from Kylie."
Iniabot ko ang mga kamay ko at nakipag hand-shake.

"You must be Zeus. Take a seat."

Lumapit sakin si Kylie at pinaupo sa tabi niya. Katapat ko si Trevor. Mukhang mapapasubok ang acting ko sakanya. Mahirap siyang lapitan.

"So, Zeus. Habang inaantay natin ang pagkain, Bakit hindi ka magkwento.. tungkol sa pamilya mo."

Easy.

"Im Zeus Veill. Im sure na narinig mo na ang tungkol sa angkan namin. There's not really much to say. Sa Flavia ako pinanganak, lumipat dito sa Wysteria 10 years ago. Honestly, my life is boring. Until I met Kylie."
Tumingin ako kay Kylie at inilagay ang mga kamay ko sa bewang niya.

"Siya ang nagbigay saya sa buhay ko. Ive never met a girl like her before. At handa akong isakripisyo ang buhay ko para sakanya. Kaya sana, ipagkatiwala mo siya saakin. Because I'll love her all my life. Forever."
At tinapos ko ang sinabi ko sa paghalik kay Kylie sa pisngi niya.
Napansin ko namang ngumiti si Kylie at isinandal ang ulo sa balikat ko.

Tinignan kami ni Trevor na para bang sinisigurado kung totoo ba ang mga sinasabi ko.
Di pa maniwala. Ang ganda na nga ng mga sinabi ko. Pero hindi ko ipinakita ang inis ko at ngumiti nang maamo sakanya.

Bumuntong-hininga si Trevor at umayos ng upo.
"Fine. Papayagan kong umalis si Kylie kasama ka. Pero ito ang tatandaan mo, Trevor. Sa oras na malaman kong may ginawa kang masama sa kapatid ko, you're dead meat."

Good. Time for action.
---•••---•••---•••---•••---•••---•••---•••

Third Person POV

Pagkatapos umalis nina Kylie at Zeus upang magsimula ng bagong buhay sa Flavia, araw-araw nagpadala ng sulat si Kylie kay Trevor.
Pero nang lumipas ang ilang taon, unti-unting tumigil si Kylie sa pagpapadala ng sulat at dumating sa puntong tuluyan nang walang natanggap na sulat si Trevor mula sakanya.

Nagtaka si Trevor pero inisip niya na baka napagod lang si Kylie at tinamad na. Tinignan ulit ni Trevor ang mga huling sulat ni Kylie at napansing iba ang handwriting at istilo ng pagsusulat.
Napansin niya din ang mga pulang tuldok na nagkalat sa papel.

Inamoy niya ito at napag alamang dugo yun. Bigla siyang kinabahan at nagutos ng sampung Bampirang magimbestiga at hanapin kung saan nakatira sina Kylie sa Flavia.

Pagkatapos ng ilang buwan, bumalik ang isang Bampira na inutusan niya. Sugatan ito at nanghihina. Ipinaalam ng Bampira kay Trevor ang mga pangyayari sa bahay nina Zeus. Kung gaano siya kalupit, at kung ano ang mga ginagawa niya kay Kylie.

"Pinapahirapan niya si Kylie, Sa ilang buwang pagiimbestiga namin doon, ilang beses niyang pinagsamantalahan si Kylie. Kinulong niya ang kapatid mo sa masikip na kwarto at isang beses lang pinapakain. Ginagawa niya din siyang utusan at pinaparusahan tuwing nagkakamali si Kylie. Sinubukan namin siyang pigilan noong binuhusan niya ng mainit na mantika si Kylie sa paa, pero sobrang lakas niya. Pinatay niya ang mga kasama ko. Ako lang ang nakatakas."

Hingal na hingal ang Bampira at mabilis na nagsalita.
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Bampira ay umuusbong ang galit ni Trevor. Hindi niya inaasahan ang ganitong mga pangyayari.

'Walang hiya ka, Zeus. Gago ka. Antayin mo ako at gagawin ko lahat ng ginawa mo sa kapatid ko sayo. Hindi ka makakatakas saakin.'
Sabi ni Trevor sa isip niya.

"Saan sila nakatira sa Flavia? Sabihin mo ang eksaktong lugar. Papatayin ko ang gagong 'yun."
Sabi ni Trevor nang nanginginig sa galit. Unti unting lumabas ang mga pangil niya at naging pula ang mga mata. Hudyat na hindi na siya nagpipigil ng lakas.

"Sa Drexan, Trevor. Ang pinakaliblib na lugar sa Flavia. Mapanganib doon. Kailangan mo ng kasama."

Sinubukang pigilan ng Bampira si Zeus pero hindi niya nagawa. Tumakbo agad si Trevor at nagtungo sa Flavia.
Punong puno ng galit-- at awa para sa kapatid niya.

"Papatayin kita, Zeus."
Iyan ang mga huling salitang ibinigkas ni Trevor bago pumunta sa Flavia at tumakbo sa hindi kapanipaniwalang bilis at galit.

Sa loob ng 2 araw, narating niya na ang Flavia. Sa mga oras na iyon, hindi nagdalawang isip si Trevor na pumatay para may makain, at hindi na rin niya inisip ang kapakanan ng ibang tao. Sa mga oras na iyon, ang tanging nasa isip niya ay ang kapatid niya-- si Kylie, na pwedeng patayin ni Zeus sa ano mang oras.

Tumayo siya sa tapat ng bahay ni Zeus. Hindi niya na makontrol ang galit niya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng kapatid niya.
Hindi na siya nagdalawang isip at pumasok sa bahay nila. Tinadyakan ang pader at sumugod sa lugar kung saan nanggagaling ang mga boses.

Doon, nakita niya si Kylie, sa sahig habang nakatali. May hawak na sinturong matibay si Zeus at pinagpapalo siya hanggang sa magdurugo ang katawan niya.

Muling nakaramdam si Trevor ng galit na hindi pa niya nararamdaman noon.
It's now or never. Sabi niya sa sarili at inihanda ang sarili sa isang madugong laban.

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now