Ika-apat: Di-inaasahan.

2K 55 0
                                    

Venus's POV
----------------------------•
Napanganga ako sa nakita ko.
Pagkabukas ko palang ay bumungad na ang malaking espasyong dinisenyo para magmukhang isang ball.
Maraming mga mesang hugis bilog at mga upuang mukhang mamahalin.
Agaw pansin din ang malaking chandelier sa itaas na may disenyong mga diyamante at mga kandila.

Hindi rin mawawala ang mahinhin at nakakakalmang tugtuging gawa ng mga mahusay na mga musikero sa entablado.
Ngayon lang ako makakapunta sa ganitong lugar.

"Isara mo. Mabaho."
Nagulat ako nang biglang nagsalita si Trevor. Sinara ko naman agad ang bunganga ko at inirapan siya. Kala mo naman kung sobrang bango ng hininga. Baka nga di pa yan nagsipilyo ng ilang araw.

"Nababasa ko ang isip mo. Atsaka araw-araw ako nagsisipilyo. Di gaya mo." Sabi niya. Aba naghahanap ata 'to ng gulo. Sasapakin ko na sana siya nang pinigilan niya ang kamay ko at bumulong "Umayos ka. Tinitignan ka."

Tumingin ako sa harap at mukhang ako nga ang tinitignan.
Bigla silang tumigil sa paguusap nang ikinabitan ako ng kadena ni Trevor sa leeg. Iyon pala ang gamit ng choker na nilagay niya. Saka bat ako kakabitan? Di naman ako aso!

"Ba't mo ako lalagyan ng ganyan?! Hindi naman ako tatakas. Magpapakabait ako. Hindi ako gagawa ng masama."
Reklamo ko sakanya.

"Basta sumunod ka nalang. Lakad na."
Sagot niya.
Nagsimula siyang maglakad sa pulang daanan sa gitna habang hinihila ang kadenang nakakabit sa leeg ko.

Gusto kong magmura. Ano ako? Hayop? Hinihila-hila niya? Respeto naman saakin oh!
'Hoy bampira. Kung nababasa mo to, walang hiya ka. '

Mukhang nabasa nga niya. Lumingon siya saakin at tumingin nang masama.
Bigla niyang hinila nang malakas ang kadena dahilan para mapabilis ako ng lakad. Naiinis na ako, pag ako nakaalis dito, sasaksakin ko tong bampirang 'to.

Hanggang sa makarating kami sa upuang nasa pinakaharap, kami padin ang tinitignan. Hindi ko alam kung naaawa ba sila o nagagandahan lang saakin.

Tumayo ako ng maayos at inayos ang damit ko bago umupo. Pagkadating ko sa mesa ay napansin kong hindi lang pala kaming dalawa ang uupo doon.

May dalawang Bampirang sumunod na naglakad sa pulang daanan sa gitna. Ang Bampirang iyon ay may kasama ding babaeng nakakadena.
Ano 'to? Showcase ng alaga nila? Bat kailangan pa ikadena?

Pagkarating nila sa upuan namin ay binati nila ang isa't isa. Ang Bampirang iyon ay mukhang mas bata kaysa kay Trevor. Hula ko ay 17 o 18 pa lamang. At mukhang kasing edad niya ang kasama niyang babae.

"Nate, bantayan mo muna ang alagad ko. Kailangan kong pumunta sa stage. Parusahan mo kung magulo." Sabi ni Trevor sa Bampira bago umalis.

Iniyuko ko nalang ang ulo ko at hindi siya pinansin. Ayokong gumawa ng gulo. Saka ako gagawa ng paraan kapag mag-isa ni Trevor. Sisiguraduhin kong mamamatay siya.

"Fellow Vampires, consider this day as the start of our plan. We've been waiting to do this for 2 years. Simula sa araw na 'to, ipakikita natin sa mga Hunter na hindi tayo nagpapatalo.
Ipaghihiganti natin ang nangyari noong Krestia. Ang mga alagad niyo ang tutulong sainyo, sa kahit anong paraan. Maari niyo silang parusahan, kunan ng dugo, o saktan. Dahil simula ngayon, tayo ang masusunod. Uubusin natin ang mga Hunter at sasakupin natin ang Wysteria. Nang malaman nilang ang mga Bampira ay hindi basta basta nagpapatalo!"
Sabi ni Trevor .
Nagpalakpakan ang mga Bampira.

Papatayin nila ang mga kalahi ko?
Sasakupin nila ang Wysteria?

Kailangan ko nang umalis dito. Babalaan ko ang mga kasama ko at maghahanda kami.

Pero paano? Nakakadena na ako ngayon. Saan ba niya iniwan ang susi sa kadenang 'to?
Kailangan ko na talagang umalis.
Ako ang tumatayong kaakibat ng lider namin dahil ako nalang ang natitirang Cassiopeia.

Hindi ko inaasahang may pinaplano silang ganoon.
Iyon pala ang layunin nila sa paghuli saakin. Ginawa nila akong bait.

Bumalik na si Trevor sa upuan niya. Tumingin siya sakin pero umiwas ako. Siguradong pula ang kulay ng mga mata ko ngayon at ayokong makita niya iyon dahil masisira ang plano ko.

Hindi ito oras ng pakikipaglokohan.
Kailangan kong magseryoso.
Pagkatapos nitong pagtitipon na 'to,
Gagawa agad ako ng paraan. Walang pipigil saakin.

Kung kinakailangang pumatay, papatay ako. Hindi ko hahayaang sakupin ng mga Bampira ang Wysteria.
--------------:(---------):---------------

A Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon