Ikasiyam:Pag-alis

1.5K 36 0
                                    

~~FLASHBACK PT.2~~

Third Person POV

Sinugod ni Trevor si Zeus at ibinalibag sa pader nang malakas, dahilan upang mahulog niya ang hawak niyang sinturon.
Sasakalin na sana niya si Zeus nang biglang sinipa siya sa tuhod.

Hingal na hingal si Trevor dahil sa galit at inilapat niya ang kanang kamao niya sa mukha ni Zeus. Nagtamo ng sugat si Zeus sa ilalim ng mga mata niya at
napaupo siya sa sakit.

Hindi na sinayang ni Trevor ang pagkakataon at sinabihan ang kapatid niya.
"Kylie, tumakas kana!"
Sigaw niya pero hindi gumalaw si Kylie.
"Anong ginagawa mo? Dalian mo! Umalis kana dito!"
Sabi niya nang nagmamadali.

Tumayo na ulit si Zeus at natawa.
"Trevor. Tanga kaba? Patay na siya."

Napatigil si Trevor at nanigas ang buong katawan niya.
Dinampot niya ang kamay ni Zeus at pinaikot ito. Sa sobrang higpit ng hawak ni Trevor, nagiwan ng mga marka ang mga kamay niya.
Pero hindi padin gumagalaw sa kinatatayuan niya si Zeus.

"Come on, Trevor. You gotta be stronger than that." Sabi ni Zeus nang kalmado na tila walang sakit na naramdaman.

"Pinagkatiwalaan kita, Zeus. " Sabj ni Trevor sakanya at tinulak siya sa pader, nagkacrack ang mga pader sa lakas ng tulak niya. Sinakal niya si Zeus, binuhat pataas at binalibag sa sahig.

"Better." Sabi ni Zeus at sinuntok si Trevor sa tiyan. May tumulong dugo mula sa mga labi niya at pansamantalang di nakahinga. Bumawi siya kay Zeus. Sinipa niya siya sa tiyan, at hinagis.

Inapakan niya si Zeus na nakahilata sa sahig at naglabas ng kutsilyo mula sa bulsa niya.

Humawak si Zeus sa paa ni Trevor, hinila siya pababa hanggang sa siya naman ang nakahilata sa sahig.
Kinuha niya ang kutsilyo na naihagis ni Trevor at tinutok yun sa puso niya.

Pinunasan ni Trevor ang dugo sa bunganga niya gamit ang kamay niya at hinayaan niyang itusok ni Zeus ang kutsilyo sa puso niya. Nang napansin niyang kampante na si Zeus at akalang susuko siya, agad niyang tinulak si Zeus at binaliktad, kinuha niya ang kutsilyo galing sa kamay niya at pinaikot ang braso niya.

Napasigaw si Zeus sa sakit. Tinutok ni Trevor ang kutsilyo sa batok ni Zeus. Alam niyang ito ang pinakamasakit na parte ng katawan ng Bampira kapag sinugatan.

Dahan dahang idiniin ni Trevor ang kutsilyo sa batok niya hanggang sa dumugo ito, umukit siya ng X sa batok niya at hindi tumigil si Zeus sa pagsigaw. Hindi maigalaw ni Zeus ang katawan niya dahil binaliktad siya ni Trevor at hawak hawak niya ang mga kamay niya sa likod.

Nagtaka si Trevor nang biglang sumigaw pa ng mas malakas si Zeus at may tinawag na pangalan.
"ARRYN!"

Hinila ni Trevor ang ulo niya para tumigil si Zeus sa pagtawag ng pangalan.

Hindi nagtagal may aninong nakita si Trevor sa likod niya. Lilingon na sana siya nang may maramdaman siyang malakas na tira sa ulo niya. Napahiga siya at nakaramdam ng pagkahilo.

Binuka niya ang mga mata niya at nakakita ng pulang buhok, pero iyon lang ang nakita niya dahil pinagsusuntok siya ni Zeus at ng lalaking tumira sakanya kanina.
Inapak-apakan nila siya. Babawi na sana si Trevor nang may matigas na parang metal na hinagis sa ulo niya. Nagdurugo ang ulo niya at nagkaroon ng maraming bukol at pasa sa katawan.

Tinadtad nila ang katawan niya ng mga malalakas na tira, gamit ang mga mabibigat at matatalim na bagay.
Hindi na nakayanan ni Trevor ang sakit.

Pinipilit niyang lumaban pero mukhang wala na siyang lakas. Unti unting pumikit ang mga mata niya ng kusa at nilamon na siya ng kadiliman.
--------••••••••••-----------••••••••••••---

Trevor's POV

Nagising ako nang may naramdaman akong basa.
Binuka ka ang mga mata ko at napansing umuulan.

Nandito padin ako sa bahay nina Zeus.
Ang tanga ko. Hinayaan ko siyang makatakas. Wala akong kwentang kapatid. Ako ang may kasalanan nitong lahat. Kung hindi ko pinayagang umalis si Kylie hindi sana to mangyayari.

Kylie. Si kylie. Asaan na siya?
Hinanap ko siya sa kwarto pero wala siya. Tanging tuyong dugo niya ang natira dito.
Pinigilan ko ang sarili ko na mapaluha.
Hindi ko naprotektahan ang kapatid ko. I'm useless.

Napatigil ako nang may makitang salamin.
Ang dami kong pasa at sugat. Tuyo na din ang dugo mula sa ulo ko at umaamoy na.
Ikaw. Ikaw ang may kasalanan.
Wala kang nagawa. Hindi mo siya nailigtas. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo.

Napahawak ako sa ulo ko at sumigaw.
Tumakbo ako palabas at hinanap kung nasaan ang katawan ni Kylie.
Kahit isang beses nalang. Please, I just want to see my sister.

Lumabas ako ng bahay nila at nakita siya... sa gate. Nakabitin ang damit niya sa matulis na parte ng gate.
Walang awa. Gago ka talaga, Zeus.

Napaupo ako nang makita ang itsura niya. Hindi ko alam kung anong kagaguhan ang ginawa ni Zeus sakanya, pero halos kakaunting parte nalang ng mukha niya ang walang pasa.

Napaiyak ako sa mga nangyayari. Wala akong pakialam kung may makarinig. Sa ngayon, kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko.
Kinuha ko ang katawan ni Kylie mula sa gate.

Suot-suot niya ang damit na binigay ko sakanya noong Birthday niya.
Napakabait na bata ni Kylie. Ni minsan hindi siya nagtanim ng sama ng loob sakin.

Niyakap ko siya at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Ang kapatid ko, na masayahin at mabait. Wala na.

"Kylie... Im sorry.. im so sorry hindi kita naprotektahan. Im really, really sorry." Sabi ko at patuloy na umiyak. Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang kapatid ko.
Wala na akong pamilya.

Akala ko hindi mawawala saakin si Kylie. Lahat nawala na. Akala ko hindi niya ako iiwan, akala ko magkakasama kami at makikita ko siyang magkaroon ng pamilya at maging masaya sa buhay niya.

Pero dahil sa simpleng pagpayag ko sakanyang umalis ng Wysteria, nangyari itong lahat.
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa mga nagawa ko sa pamilya ko.

Lalo na kay Kylie. Napakamanhid ko. Hindi ko manlang napansin agad na nahihirapan na siya?
Ang tanga ko.

My mom and dad died, because of me.
Tapos ngayon, ang kapatid ko?

I don't deserve to live.

--END OF FLASHBACK--

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now