Chapter 2 - No Good

4.3K 161 11
                                    

Chapter 2 – No Good

" Ano ba batchy! Bakit ba kasi tayo nag tatago dito?" maarteng sabi ni Justine kaya agad ko siyang nilingon saka tinaasan ng kilay habang nag tatago kami sa may likod ng puno.

Halos kakatatapos lang ng morning training namin at pabalik na sana kami ng dorm ng makita ko ang team captain ng women's basketball team na mag isa naka tambay at walang pakialam sa mundo.

"Pwede ba wag kang maingay? Baka marinig niya tayo." Inis na sabi ko kay Justine saka muling ibibalik ang tingin sa babaeng anti-social na nag babasa at ang masama eh yung paborito kong libro na Master of the Game ni Sydney Sheldon.

Ilang araw na ang dumaan pero hindi ko pa din makalimutan kung paano niya pinaramdaman sa akin hindi ako nag eexist. Halos isang linggo na din ang dumaan pag katapos niya akong ipahiya nung Athlete's night.

Hindi ko talaga alam kung ano ang problema nitong Gonzales na ito sa akin.

"Alam mo batchy, pwede naman natin siyang lapitan kesa mag tago tayo dito at kagatin ng mga langgam ang aking sensitive skin." I rolled my eyes as I look at Justine.

"Seriously? Sensitive talaga? Kahit nga ata ibabad ka sa ilalim ng araw wala namang effect dahil maitim ka pa din."

"Ay wow ah... ang puti mo naman." Sabi nito

"compare sayo, oo naman." Sabi ko

"Ganun ah.." saka tumayo ito ng maayos kaya napa kunot ako ng noo "Watch and learn." She said and flip her hair

"Hoy saan ka pupunta?!" Mahina pero may diin kong sabi ng nag simula itong mag lakad papunta sa direksyon babaeng hindi ko alam kung pinag lihi ba sama ng loob.

She just looks at me and smirked saka nag patuloy na mag lakad.

I see Justine approached her and surprisingly I see her smile when she glances at my batchmate. Hindi ko naman mapigilang mag taka kung bakit ganun na lang ang reaksyon nito kay Justine. Samantalang sa akin kulang na lang maging hangin ako sa paningin niya.

Kita kong sandali silang nag usap bago ako ituro ang direksyon ko ng magaling kong kaibigan. And I see how her reaction changes ng makita niya ako. At dahil mung allergic siya sa akin ay mabilis niyang inalis ang tingin niya at ibinalik kay Justine.

At kahit mukhang ayaw niya sa kung anong sinasabi ng magaling kong kaibigan ay nakita ko itong tumango.

Pag katapos ng pag uusap nila ay mabilis na nag lakad pabalik sa akin si Justine while wearing a big smile on her face.

"Okay na batchy, pwede mo na siyang puntahan."

"Sira ulo ka talaga!" inis kong sabi dito sabay hampas sa braso niya ng makalapit siya sa akin

"aray ah..." sabi nito habang nakahawak sa braso "Nakakalimutan mong spiker ka."

"Bakit mo kasi nilapitan ang isang yun? At saka, anong sinabi mo sa kanya?"

"Nilapitan ko dahil gusto ko." sabi nito "Tska, para hindi na tayo mukhang ewan kakatago dito sa likod ng puno. Tsaka gusto ko ng bumalik sa dorm dahil baka makita pa tao dito ni Acacia at akalain nanaman nun na hindi tayo pumapasok sa class natin. Ayoko ng mabato ng sapatos." Dahil sa sinabi niya ay bigla kong na alala kung paano na headshot ni Acacia sa ulo si Justine nung minsang nahuli niya kami na wala sa class at naka tambay lang.

Justine and I have the same course kaya halos lagi kaming mag kasama while Acacia is taking Veterinary medicine dahil bukod sa mahilig siya sa hayop eh meron silang farm kung saan pangarap niyang duon mag trabaho.

She's the Phenom [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon