Chapter 4: Why am I doing this

3.2K 149 8
                                    



Chapter 4: Why am I doing this

"Hindi ko maintindihan bakit ayaw mo." Kakatok sanana akong marinig koi yon kaya bila akong natigilan.

"Because I don't want to." Sagot ng isang pamilyar na tinig. Hindi ko hilig makinig sa usapan ng may usapan pero hindi ko nagawang gumalaw.

"This will be for charity, Paula."

"I can help sa ibang paraan pero hindi tong hinihingi ninyo. I don't want to be with her." Napakunot naman ang noo ako

"Ano bang problem mo kay Bianca?" rinig kong tanong ng head ng Office of Students Affairs (OSA) namin na si Ms. Jennifer.

Tulad ni Ms. Jen yun din ang tanong na gustong malaman. Hindi ko kasi maintindihan kung ano bang problema sa akin ng napaka hanging captain ng women's basketball team. Wala naman akong ginagawa sa kanya. If it was about the dare, hindi naman ako ang may idea nun at sa aming dalawa ako ang dapat magalit sa kanya.

"I just don't like her." Sabi nito.

I feel hurt. Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman to. Sanay naman ako na may mga taong ayaw talaga sa akin. Pero ang marinig sa kanya na ayaw niya sa akin, there is something within me that na hindi ko maintidihan kung ano. At bago pa man ako may marinig na kung ano ay muminga ako ng malalim at kumatok sa pinto.

"Come in!" rinig kong sabi mula sa loob.

"Hi Ms. Jen, Good morning po." bati ko dito ng makapasok ako saka tumingin sa babaeng nasa tapat ng mesa ni Ms. Jen at naka upo.

"Good Morning din, Bianca. Kanina ka pa ba?" tanong nito. Siguro naniniguardo itong hindi ko narinig kung ano man ang pinag uusapan nila. "Have a seat."

Umiling ako biglang tugon sa tanong niya "Hindi po Ms. Jen. Kakarating ko lang din po. Pasensya na po na late ako. Dumaan pa kasi ako ng gym." Sagot ko.

Tumango naman ito. "It's okay. Anyway, pinatawag ko kayo dahil alam niyo na man na mag re-release ang publication natin ng magazine. The theme is about women empowerment at kayo ang napili para mag cover since both of you are the best in your own field. Aside from the magazine, the student council will release a shirt and caps ng ibebenta. They were actually asking if both of you can help them." Paliwanag nito.

I just listen to other details of the project at para sa akin wala namang magiging problema lalo na at pumayag naman ang management.

"Wala naman pong problema sa akin Ms. Jen." Sabi ko "Para naman po sa charity at saka pumayag naman ang management."

"That's good to hear." Naka ngiting sabi nito sa akin saka bumaling ang tingin sa babaeng nasa harap ko.

"Hmm.. Ms. Jen.." tawag pansin ko sa head ng student's affairs dahil wala naman akong balak marinig kung ano man ang sasabihin ng captain ng WBT. "Meron pa po kasi akong class eh.. Okay lang po ba mauna na ako?" tanong ko.

"Oh.. sure, walang problema." Sabi nito "Salamat Bianca." Saka tumayo at nakipag kamay sa akin at ngumiti.

"Wala po yun Ms. Jen." Saka ngumiti din. She opened the door for me kaya't nag pasalamat ulit ako.

Huminga muna ako ng malalim saka nag simulang mag lakad paalis ng office.

"Oh ayos ka lang ba batchy?" kaya napa angat ako ng tingin at nakita ko si Justine na nasa harap ko. "Para kang wala sa sarili mo ah." Sabi nito but I smile at her in response. "May ngyari ba dun sa pag uusap ninyo sa OSA?" tanong nito

Umiling naman ako. Ayoko na ding banggitin yung narinig ko sa kanya " I'm just sleepy and tired." Sabi ko at kita kong nag taas ito ng kilay

"Sa akin ka pa talaga nag sisimungaling?"

She's the Phenom [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon