Chapter 5 - It scares me

2.9K 122 3
                                    

Chapter 5 - It scares me

" Pwede ba tigilan ninyo ang pag haharutan ninyo sa harapan ko!" inis kong sabi sa dalawang taong andito ngayon dahil wala na silang ibang ginawa mula kanina kung hindi mag kilitian na akala mo walang bukas at walang ibang tao sa paligid nila.

" Wala kaya kami sa harap mo" pilosopong sabi ni Justine " Nasa gilid mo kaya kami!" with her as a matter of fact tone.

"Pag sabihan mo yan Acacia ah.. baka hindi ako makapag pigil masapak ko siya bigla!" sabi ko sa babaeng katabi ko ngayon.

Pero bago pa man makapag salita itong katabi ko ay agad ng nag salita si Justine.

" Eto naman.. di ka na mabiro" rinig kong sabi ni Justine " Bakit ba kasi ang init nanaman ng ulo mo? Parang lagi kang meron. "

"Wala kang pake!" sagot ko saka uminom na lang sa hawak kong water jag.

Sa totoo lang hindi ko din maintindihan kung bakit mainit ang ulo ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa kakabantay kay Gonzales o dahil bigla na lang akong tinakasan ng babaeng yelo na iyon kaninang umaga.

Halos ma baliw ako kakahanap sa kanya dahil alam kong nilalagnat pa ito. Kung hindi ko pa naka salubong yung staff na nag assist sa amin kagabi at nakita siyang umalis sa hotel ay hindi ko malalaman na tinakasan na niya ako.

"Get rest pag uwi natin sa dorm." Sabi ni Acacia "Next time kasi wag mong dalhin sa hotel kung may sakit yung tao kung hindi sa hospital." Kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Okay na eh, yun pala mang aasar lang din pala ang isang to. Nag sisisi talaga ako na tinawagan ko sila kaninang umaga at ipahanap si Gonzales sa dorm kung umuwi na ba ito.

At bilang kamag-anak ata nitong si Acacia si Detective Conan ay hindi ako tinigilan kung hindi ko sasabihin sa kanya kung bakit pinapahanap ko ang mortal-enemy ko.

"Nawala na nga kasi sa isip ko. Tska malakas yung ulan kahapon." Hindi ko alam kung ilang beses ko ng naulit ang linyang iyon mula pa kaninang umaga.

"Baka naman ni-rape mo yun ah.." pabulong na sabi ni Justine enough lang para marinig naming tatlo saka inilapit pa ang mukha sa amin "Masarap ba?"

"Ang manyak mo!" sabi ko saka itinulak ang mukha niya gamit ang palad ko "Wag mo akong itulad sayo!"

I heard her laugh while Acacia chuckled.

"Tigilan niyo na nga yan." Sabi Acacia saka inayos ang kneepad niya "Tara na mga batchy at start na ulit ng training." Saka tumayo at nag simulang mag lakad palayo sa amin.

"Alam mo batchy, I wouldn't mind if you will confess na sinilipan mo ang super yummy na si Paula." sabi ni Justine na may pag taas baba pa ng kilay.

Dahil sa sinabi niya ay bigla ko naman na alala yung ginawa kong pag papalit ng damit nung babaeng yelo na yun. Geez.. pakiramdam ko nililiyaban ako dahil sobrang init.

Na-iimagine ko kasi yung... oh my gosh..

"Oh ano? Totoo ba batchy?" rinig kong sabi ni Justine

"ewan ko sayo, manyak!" sabi ko saka tumayo na din at sinundan si Acacia.

Rinig ko namang tumawa ng malakas si Justine "No need to say anything batchy! I know you did!" sigaw pa nito na feeling ko nag init ang pisngi ko.

Peste! Bakit nga ba kasi hindi sa hospital ko dinala ang babaeng yelo na yun?! Inis na sabi ko sa sarili ko.

"Ayos ka lang Ate Biancs?" tanong ni Nathalie "Namumula ka kasi."

"Ayos lang... " naka ngiti kong sabi sa kanya "Dahil lang to sa training." then tap her head saka kumuha ng bola.

She's the Phenom [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon