Chapter 8 - She's gay

3.3K 135 7
                                    


Chapter 8 - She's gay

Papunta ako ng student council office ng mapadaan ako sa library. But I stop ng may napansin akong babaeng pasilip silip sa may bintana ng library na akala mo member ng isang gang na may inaabangan.

"Hoy, anong ginagawa mo dyan!" sabi ko sabay pala ng hawak kong folder sa ulo nito

"Aray naman batchy, ang sakit nun!" Justine whined habang hawak nito ang ulo.

Kahit kelan talaga may pag ka OA din tong babaeng to

"Wag kang OA dahil hindi naman yun masakit." Sabi ko dito saka sumilip sa may bintana "Sino ba kasi ang tinitignan mo?" tanong ko habang iginagala ang mata ko. Then my eyes spotted Acacia seating alone sa corner "Andun si Acacia sa loob." Saka tumingin sa katabi ko.

"Yun na nga eh, andyan siya sa loob." Sabi nito kaya napakunot ang noo ko "Hey..hey..hey.. wala akong ginawa ah.." depensa agad nito kahit wala pa naman talaga akong sinasabi. Pero sa totoo lang yun naman ang iniisip ko. Ano ang ginawa niya at hindi siya makalapit sa kaibigan namin.

"Bakit hindi ka pumasok duon at samaha siya?" tanong ko dahil madalas kung hindi ako ang kasama nito ay si Acacia. Especially if it's the latter's vacant.

"I was with her a while ago." She said "Pero nung iaabot ko sa kanya yung flowers..."

"flowers? Why will you give her flowers?" I cut her off kasabay ng pag kunot ng noo ko. Ano nanaman ang pumasok sa utak nitong isang to.

" yes, flowers..."

"Bakit nga?" tanong ko ulit

"Pwede ba patapusin mo muna ako?" inis nitong sabi

"fine." I said

"Yun nga nga, Iaabot ko kasi yung bulaklak sa kanya" She stop and glared at me as if telling me not to comment "It wasn't for her nor for me para yun sayo."

"Sa akin?" tanong ko

Tumango ito "Pero imbis na hawakan niya yung bulaklak eh hinampas niya sa akin." sabi nito na tila ba nag susumbong din sa akin dahil sa ginawa ng kaibigan namin sa kanya " saka sinabihan akong wag mag dala ng kung ano ano sa dorm galing sa isang jerk kung hindi di-dissect niya ako." I chucked sa huling sinabi niya lumabas kasi ang pagiging beterinaryo ni Acacia.

"Kanino ba kasi galing yun?" tanong ko

"Kay Greg." Simpleng sagot niya at dahil sa narinig ko ay agad ko siyang hinampas ulit ng folder.

"Kaya naman pala!" sabi ko "Sinong matinong tao ang ipapahawak yung bulaklak galing sa ex niya na ibibigay sa kaibigan niya?!" kulang na lang talaga sakalin ko tong si Justine. Matalino naman to pero hindi ko alam kung saan naiwan ang utak ngayon.

Nakita ko naman itong napakamot ng ulo

"Don't tell me sinuhulan ka ng g@gong yun ng mga chocolates kaya ginawa mo yung pinapagawa niya?"

Nakita ko naman itong tumango kaya hinampas ko siya ulit.

"Ayan batchy ah nakakarami ka na!" sabi nito

"Inuna mo nanaman kasi yang pagiging PG mo kesa mag isip!" sabi ko dito "You know Greg is her ex tapos ipapahawak mo sa kanya yung bulaklak na ipinabibigay sa akin?!"

"You said it yourself... ex na. kaya dapat wala na! At ang tagal tagal na nilang wala batchy." Sabi nito

"But still it doesn't count." Sagot ko "You owe her an apology."

She's the Phenom [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon