Chapter 15 - Crazier

2.9K 132 17
                                    

Chapter 15 – Crazier

"You should stop staring at them." Sabi ko sa babaeng nakatalikod sa akin.

Wala talaga sa plano ko na lapitan siya nung makita ko siya habang nag lalakad ako papunta sa dorm, pero nag bago ang isip ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya habang pinag mamasdan ang kaibigan kong masayang nakikipag kwentuhan sa lalaking napapabalitaang nang liligaw sa kanya.

It's been weeks since the day when Acacia told me that she's not in love with Gonzales. Sa ilang linggong lumipas ay bigla na lang lumabas ang issue na nag papaligaw na ito.

I believe her when she told me na hindi niya gusto si Gonzales. Hindi lang dahil sinabi niya pero dahil sa ramdam ko na totoo ang sinasabi ninya. Pero nitong nakalipas araw, hindi ko mapigilang mag isip kung totoo nga ba talaga iyon.

Pakiramdam ko kasi ay merong mali sa mga nangyayari.

Si Acacia yung tipo ng babaeng hindi basta basta nag papaligaw. Masyado siyang pihikan, kaya naman nagulat ako ng marinig that she's dating Kristoff – ang mayabang at babaerong member ng Football team. Knowing Acacia, the guy she's dating is totally out of her league. Hindi ang tipo ni Kristoff ang idadate niya.

"Sino ka para pag sabihan ako?" cold na pag kakasabi ni Gonzales sa akin.

Napahinga ako ng malalim sa narinig ko mula sa kanya. Dapat sanay na ganun ang pakikitungo ng team captain ng women's basketball sa akin, pero hindi pa din ako masanay sanay.

Minsan na papaisip pa din ako kung bakit sa dinami dami ng pwede kong magustuhan eh dito sa babaeng yelo. Paula Gonzales is out of my league. Wala siya ni isa sa mga characteristic na gusto ko sa isang tao, pero peste tong puso ko sa dinamu-dami ng tao eh sa kanya pa tumibok.

"Wala kang karapatan na pagsabihin ako."

Muli akong napahinga ng malalim while hiding my hurt ego and heart. " You are right." I told her dahil wala akong balak na kontrahin siya sa sinabi niya. Because what she said was right. Wala akong karapatan na pag sabihin siya sa mga bagay na dapat niyang gawin. " Wala akong karapatan na pag sabihin ka, but let me say this to you." seryoso akong tumingin sa kanya as if telling her to listen to whatever I'm going to say. I love her and that makes me care for her. Ayoko din naman siyang masaktan dahil alam kong may ibang tinitibok ang puso ni Acacia. "Kung ano man yung nararamdaman mo para kay Acacia, just keep it to yourself. Walang mangyayari dyan because she's in love with...."

Napatigil ako sa sasabihin ko when I see her smirked.

Hindi ko alam kung maiinis ako or what dahil sa nakita.

"what's wrong..."

I was cut off, again.

"You are really clueless, Pierro." Sabi nito habang nakatingin sa akin ng diretcho habang nag lalakad palapit sa akin. "Mahilig ka talagang mag assume." She stops when she's inch away from me "Just for unsolicited advice," she lean forward to my direction while her hands are on her pocket "stop playing dumb." She said those while looking straight to my eyes "dahil sa pagiging anga-anga mo nakaka sakit ka na." saka ito umayos ng tayo.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang naka kunot ang noo sa kanya dahil hindi ko naiintindihan ang pinag sasabi niya.

I should be the one giving her advice dahil sa feelings niya sa kaibigan ko and not the other way around.

"Hindi lahat ng tanong ay sinasagot, Piero. Minsan may mga tanong na masasagot mo kung bubuksan mo lang ang mga mata mo." Sabi nito saka tumalikod.

"Hindi kita naiintindihan." I told her sabay hawak sa braso nito to stop her.

"My only responsibility are my words and action." She said and look at me, "I don't have responsibility to explain it to you." saka inalis ang kamay ko sa braso niya.

She's the Phenom [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon