Chapter Three

1.9K 35 0
                                    




Nagmamadali na akong magayak dahil late na ako, jusko naman kasi! Inistalk ko pa si crush, nagulat na lang ako nung finollow niya ako sa IG. Edi nagkaroon ako ng chance na i-stalk siya.

Ang cute pati ng mga post niyang picture, sobrang kulit! Kainlove deeply, hahahaha! Lol

"Ma, alis na ako. Late na ako!" paalam ko kay mama.

"Sige 'nak, ingat!"

Nagmamadali na talaga ko, halos tinakbo ko na palabas sa amin. Super late na ako, patay! Baka di na ako papasukin nito sa first subject.

Mabilis naman akong nakarating sa school, kaso jusko! Ang haba pa ng lalakarin ko. Bakit ba naman kasi sobrang laki ng school namin e?

Tinakbo ko na simula gate hanggang building namin, jusko. Haggard iz real!

Paliko na ako ng may nakabungguan ako. "S-sorry po...." shet! Nanlaki ang mata ko kung sino yung nakabungguan ko. Si Victor...

"Mag-ingat sa susunod ha?" cold na sabi niya at umalis na.

Wala ako sa wisyo hanggang sa nakarating sa room. Jusko naman kasi talaga yung mukha niya! Sobrang lapit namin, ugh!

"Hoy! Tulala ka jan." sabi ni Akiks after ng second subject namin.

"H-ha? A-ah ano, si kuya mo." nauutal kong sabi.

"O, anong meron kay kuya?" kuryosong tanong niya.

"Nakabungguan ko kanina."

Nangunot ang nuo niya sa sinabi ko na tila ba hindi niya na-gets. "Ano naman yun?" tanong niya.

"Galit ata e. Para akong sinasaksak nung mga tingin niya." paliwanag ko.

"Ano ka ba! Ganun naman talaga yun, alam mo na, singkit kasi." paliwanag niya.

Oh yes, may lahi nga pala sila. 1/4 Korean sila kaya ang ganda ng lahi. Kainggit e!

"Tara na, recess tayo." aya niya.

Pumunta na kami sa canteen at nag-order. The usual na kinakain namin, spaghetti at nature's spring flavored water lang.

"Pwede maki-share? Wala ng bakante e."

Halos mabulunan ako sa nagsalita. Gosh! Makiki-share siya? Means, makakasama ko siya! Ohmy! Sana naman kausapin niya ako.

'sige rofe, managinip ka lang ng gising.' bulong ng utak ko.

"Sige na." sagot ni Akiks at tumabi ito sa kanya.

Alangan naman sakin tumabi diba? Asa, rofe! ASA. Lol

Ang awkward! Jusko. Walang nagsasalita sa amin.

Tumikhim si Akiks dahil sa awkward atmosphere na namumuo sa amin.

"Hmm, rofe? Free ka ba mamaya? Sa bahay ka ulit mag-dinner, ikaw ulit magluto." pagbabasag ni Akiks ng katahimikan.

"Ay sorry. Di ako pwede e, may meeting kaming mga Student Council hanggang 6. Next time na lang." paliwanag ko.

"Aww. Sigesige." sabi niya ng nakanguso.

Tumingin ako sa katabi niya at nakita kong titig na titig ito sa akin. Napa-inom na lang ako ng tubig at nag-iwas ng tingin. Feeling ko sobrang pula ko.



Chasing HimDove le storie prendono vita. Scoprilo ora