Chapter Five

1.7K 25 0
                                    


"Sige na rofe, dali na!" tulak pa sa akin ni Riza.

Like omg! Hindi ko alam gagawin ko. Pero kahit ganun, kailangan ko pa din sumunod. Hays, bakit kasi ako pa ang nautusan?

Pinagpapawisan ako at halos nanginginig ako habang lumalapit. Waaaah! Pwese bang tumakbo pauwi? Huhuhu. Mag-isa lang siyang naka-upo sa bleachers sa gym kaya mas lalo akong kinabahan. Baka snob-in na naman ako. Huhuhu!

Bahala na! Fighting, para sa ikauunlad ng Student Council, lolols.

"A-aah... Uh-uhmm... Ano..." di ko maituloy ang sasabihin ko.

Tiningnan niya lang ako ng diretso at naghihintay sa sasabihin ko.

"P-pwede patingin ng bag mo?" shet rofe! Para kang awan sa harap ng crush mo! Huhuhu.

This time, kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng what-look. Ay jusko talaga!

"Hehehe, ano kasi... May nagsabi sa akin na may drugs daw jan sa bag mo. Pwede ko bang icheck?" awkward na sabi ko.

Hindi niya ako sinagot pero siya mismo nag-check sa bag niya. Ang suplado talaga!

"Eto ba?" tanong niya tapos pakita sa akin nung plastic na may tawas, kunware droga.

"Hmm.. Oo, hehehe." sabi ko, mukha talaga akong tanga sa harap niya, for sure! God! "So, pwede ka bang maimbitahan sa Jail Booth? Dahil isa ka sa mga nabiktima ng droga." sabi ko, yan ang speech namin pag may huhulihin kami.

Di niya ako sinagot pero tumayo na siya at naunang maglakad. Myghad! Wala talaga akong mapapala sa supladong ito!

"Riza, eto na yung nahuli ko." sabi ko.

"Sige, ipasok mo na yan. Si vice na bahala jan." sabi niya.

"Hmm.. Pasok kana, hanapin ko lang yung kapatid mo para mapiyansahan ka." sabi ko kay Victor at tinanguan lang ako.

Hays.

Hinanap ko na si Akiks, pero shocks! Asan lupalop ba yun ng Earth at hindi ko mahanap? Ang laki laki pa naman ng school namin.

Halos nalibot ko na ang buong Senior High Campus pero di ko pa din nahahanap kaya bumalik na ako sa Booth namin. Ako na lang muna ang mapiyansa, tutal crush ko naman siya e! Hihihi. Sisingilin ko na lanh si Akiks mamaya. Lol

"Ate Gee, ito yung piyansa kay Victor oh!" sabi ko tapos bigay ng limang piso.

"Osige. Laya na si Victor." sabi ni Ate Gee sa nagbabantay at pinalabas na si Victor.

Hindi ko na siya tiningnan dahil nahihiya akong tumingin. Pumunta na lang ako kay Riza para manghingi ng droga at mantatanim din ako.


Chasing HimWhere stories live. Discover now