Chapter Nineteen

1.3K 26 0
                                    

"Ano ba, Victor! Ang lagkit ko na! Kadiri." reklamo ko.

"Hahaha, cute kaya!" halata nga na natutuwa siya. Psh.

"Sige, isa pa! Lagot ka sa akin!" singhal ko nung lalahidan na naman niya ako ng ice cream.

Kanina pa kami dito. Naubos na namin yung mga chichiriya.

At eto, halos matunaw na yung ice cream.

Tapos ang papansin pa, sabi susubuan ako. Pero sa pisngi ko sinubo! Ginantihan ko naman! Tapos nilagyan ulit ako sa ilong.

At dahil trip niya ang lahidan ng ice cream. Halos maubos yung ice cream sa mukha namin. Hahaha! Ang lagkit na tuloy ng mukha ko. Nag-isip bata na naman si Victor.

"Hahaha. Hindi na, eto na talaga. Say aaahh..." sabi niya habang tinatapat sa bibig ko yung kutsara na may ice cream.

Ngumanga naman ako at sinubo niya sa akin yung ice cream.

Buti naman hindi na nagloko itong lalaking ito.

"Ikaw naman, say aaahh..." sabay tapat ko nung kutsara na may ice cream sa bibig niya.

Ngumanga naman siya kaya sinubo ko na sa kanya yung ice cream.

"Halika dito, lapit ka." aniya nung na-ubos namin nung ice cream.

Lumapit naman ako sa kanya.

Yung kunti lang, baka marinig niya yung malakas na tibok ng puso ko e. Alam kong hindi ko na ma-itago ang kilig sa mukha ko.

Napa-iling siya na tila ba kulang ang paglapit ko. Kaya naman siya na ang mas lumapit pa at hinaplos ang mukha ko.

"Ang amos mo..." reklamo niya.

"Aba... aba... Ikaw kaya 'tong nagpara-lahid ng ice cream sa mukha ko." naiilang na sambit ko.

Jusko talaga, dapat masanay ako na ganito ang pakikitungo ni Victor, na ganito siya ka-sweet at ka-maalaga. Pano na lang kung kami na diba? Edi grabe na ang kilig ko!

"Sorry na, ang cute e." natatawang depensa niya habang pinupunasan pa rin ang mukha ko.

Gaano ba ako ka-amos? E siya nga itong walang bahid ng ice cream sa mukha e.

"Ayan, wala na..." aniya, akala ko bibitawan na niya ang mukha ko, pero hindi. Nanatili ang kamay niya sa mukha ko, unti-unting humahaplos.

Nakatingin lamang siya sa mga mata ko at feeling ko matutunaw ako sa mga titig niya.

Hindi ko magawang umiwas dahil gusto ko rin ito. Itong ganitong sitwasyon namin, gustong-gusto ko.

Bumuka ng kaunti ang bibig niya, parang may sasabihin siya pero hindi niya masabi kaya tinikom niya ulit para hindi na makapag-salita.

"Gusto mo mag-seesaw tayo?" tanong niya sabay alis ng kamay niyang naka-hawak sa mukha ko.

Tumango naman ako sumunod nung tumayo na siya.

Pumunta kami sa seesaw, "siguradong nakataas ka lang buong oras na nasa seesaw tayo." banat niya.

Aba aba. Nang-aasar ba ito? Hindi porke lalaki siya hindi ko na siya kayang itaas.

"Sus, tingnan natin. Maitataas din kita." panigurado ko pero tinawanan lang niya ako.

Umupo na kami sa seesaw, sa kabila siya, bale magkatapatan na kami.

"Victor naman e! Ibaba mo na ako! Di ka ba nangangalay? Kanina ka pa jan, tapos kanina pa rin ako dito sa ere! Ang ngalay na!" reklamo ko.

Napasubo ako nung sinabi kong maitataas ko siya. Kasi pagkasakay pa lang niya, dumiretso na ako sa ere! Grabe ang lakas at bigat niya!

"Hahaha. O ano? Kaya mo akong itaas?" pang-aasar niya.

"Oo! Kaya kitang itaas basta magpa-gaan ka!" banat ko na tinawanan lang ulit niya.

"Sige na, try lang! Itataas kita."

"Talaga?"

"Oo, talagang-talaga! Try ko lang, shige na plish!" pagpupumilit ko pa.

"Oo na, siguraduhin mong maitataas mo ako ng mahabang oras ha!" panghahamon niya pa.

Unti-unti siyang umangat habang unti-unti naman akong bumababa hanggang magkapantay na ang balanse nami.

"Magpa-gaan ka ha!"

Binigay ko ang buong lakas at pwersa ko para maitaas siya. "Ang bigat mo! Jusko!" sigaw ko habang pinipilit pa rin siyang itaas.

Tinawanan niya lang naman ako.

Nung nasa ere na siya at naka-upo na ako sa semento ay nagpahinga muna ako ng kaunting oras habang naka-upo sa semento. Grabe, pinagpapawisan na ako!

"Ibaba na kita, ang bigat mo!" reklamo ko nung hindi ko na kaya at nauubusan na ako ng lakas.

Unti-unti ay siya na mismo ang nagpababa sa sarili niya mula sa ere. "yan, sabi ko naman sayo e, di mo ako kaya."

Nung nasa tamang balanse na kami ay umalis na siya sa pagkaka-upo sa seesaw at lumapit sa akin.

Halos nagulat ako nung pinunasan niya ang noo ko papuntang pisnge at leeg gamit ang kanyang mga kamay.

"Napagod ka tuloy ng ganun lang, pahinga muna tayo sa swing." habang pinupunasan pa rin ang mukha ko gamit ang kamay.

Feeling ko tuloy mas lalo akong pinagpapawisan dahil sa haplos niya.

Inalalayan niya ako papunta sa swing at naupo ako roon habang pumwesto naman siya sa likod ko para itulak ako at makapag-relax.

Chasing HimWhere stories live. Discover now