Chapter Fifteen

1.5K 29 2
                                    



One week had past so fast. At masasabi kong, may nagbago.

Well, hindi naman nagbago sa mundo.

What I mean is, maraming nagbago sa relasyon namin ni Victor.

But still, wala pa rin kaming relasyon. Hahaha!

Ang gulo ko ba?

Simula kasi nung nag-overnight ako sa kanila, naging close na kami. Mas nakakasama ko pa nga siya pag free time kaysa kay Akiks e.

Tulad nung last monday to wednesday, sabay kaming nag-recess and lunch. Nung friday naman, sabay kaming umuwi.

O diba? Umaangat ang relasyon namin.

Hindi na rin siya yung tahimik na Victor na nakilala ko pag magkasama kami. Siya na yung Victor na may sapak.

Grabe ang kulit niya. As in, grabe!

"Woi. Tara, sabay tayo uwi."

Guess who was that? Hmm. It's Victor.

At eto pa, hindi pa niya ako tinatawag sa pangalan ko.

'Woi' lang talaga tawag niya sa akin. Abnormal, psh.

"Sige, may gagawin ka pa ba?" tanong ko.

"Wala na. Ikaw?"

"Hm, wala na rin."

"Okay, let's go." aya niya at lumabas na kami ng school.

Pag dating namin sa terminal, magkatabi kami sa van. At umandar na naman ang kadaldalan niya.

Kwento siya ng kwento about sa favorite niyang anime. Buong byahe siyang dumaldal, samantalang nakikinig lang ako at walang maintindihan sa sinasabi niya. Di ko naman kasi hilig ang anime e.

"And oh! Binilhan ako ni mommy nung bagong album ng Coldplay!" tuwang-tuwang sabi niya.

One thing about him din, sobrang hilig niya sa music. Halos lahat ng international band and performers, idol niya.

At tuwing may bagong music na ini-rerelease, nakatutok siya sa Spotify. Sobrang abnormal 'no?

"Oh? Kelan naman yun ipapadala?" tanong ko.

"Next month daw, mapadala rin sila ng package." sagot niya.

Tumango naman ako.

"Diba mahilig ka sa books?" tanong niya.

"Yes, pero wattpad books lang. Pag hindi wattpad book, ayoko!" sagot ko.

Napa-"oh" lang naman siya.

"E sa chocolates? Favorite mo yun diba?" tanong ulit niya.

"Yep. Lalo na yung Twix." sagot ko.

"Osige, sabihan ko si mommy na bumili ng maraming Twix para sayo." masayang sabi niya.

Nagulat naman ako dun. Like, for real? OMG.

"Oy hala, nakakahiya kay tita." sabi ko kasi nakakahiya talaga.

"Ano ka ba, hindi yun. Okay lang."

Pagkatapos ng usapang yun, natahimik na lang kami parehas.

"Kuya, tabi lang po." para ni Victor.

Di ko namalayan na nakarating na pala kami.

Bumaba na kami sa van at tulad nung nangyari no'ng friday na sabay kaming umuwi, hinatid niya ako.

Imbes na lumiko na siya para umuwi sa bahay nila, sumabay siya sa akin.

"Aba, dun ang bahay niyo. Ma-saan ka?" pa-inosenteng tanong ko.

"Ihahatid kita." diretsong sagog niya.

Di na lang ako nagsalita at hinayaan siya.

Another characteristics of him, he's so thoughtful.

Sa one week na naging close na kami, sobrang maalaga at maalalahanin niya.

And i'm falling so deeply inlove with him.

Naglakad na kami papunta sa bahay namin.

Siguro ganito talaga ang ugali niya. And i'm so happy na ganito na ang relasyon namin.

And about sa panliligaw ko thingy sa kanya, hindi niya nababanggit. At hindi ko rin binabanggit.

Baka kasi magbago palikitungo niya sa akin pag binanggit ko e.

But i'm wondering kung anong nararamdaman niya para sa akin. Hays. I hope nag-improve din yung feeling niya for me tulad ng pag-improve ng relasyon namin.

"Sige, dito na ako. Salamat, ingat ka." paalam ko nung nakarating na kami sa bahay.

Tumango lang siya at nginitian ako.

Tumalikod na siya at hinintay kong mawala siya sa paningin ko.

Assuring that he's going home safe.

Nang di ko na siya matanaw, pumasok na din ako at dumiretso sa bahay.

I heard my phone poped.

When I saw who chatted, my lips formed to a smile.

I'm home.

It's from Victor...

Chasing HimWhere stories live. Discover now