Chapter Nine

1.5K 28 0
                                    

"Akiks, punta ako sa inyo mamaya ha?" sabi ko kay Akiks nung lunch break namin.

"Mag-aano ka naman dun?" mataray na tanong niya sa akin.

"Liligawan ko si kuya mo!" masayang sagot ko.

"Tch. Ewan ko sayo!" sagot niya.

"Joke lang, dun ako ma-dinner. Ipagluluto ko kayo." sabi ko. "Simula na ng panliligaw ko kay kuya mo." dugtong ko pa.

Inirapan lang naman niya ako.

Sabay na kami ni Akiks umuwi tapos dun na kami dumiretso sa kanila. Dumiretso siya sa kwarto niya at ako naman ay sumalampak sa sofa at hinubad ang sapatos ko. Hay buhay! Feel at home ako ah? Hahaha

"Akiks, maluto na ako ha?" sigaw ko para marinig niya ako.

Pumunta na ako sa kusina at naghanda. Hm? Ano kaya lulutuin ko? Pag adobo naman, yun na naman? Baka magsawa pa sila.

Wala naman silang ibang pagkain e, puro canned goods. Aha! Alam ko na, corned beef na lang. Special na corned beef, mwehehe.

Kinuha ko na yung limang malalaking corned beef. Naglabas na din ako ng patatas, sibuyas. And hmm, lettuce. Buti na lang meron sila nito.

Naghiwa na ako ng maraming sibuyas habang iniinit yung kawali na may langis. Dinamihan ko talaga ng sibuyas kasi mas masarap yun.

Habang nagluluto ako nahagip ng mata ko na pumasok si Victor, pero dirediretso lang siya papasok ng kwarto niya. Aba, ano yun? Hindi ako napansin? E nangangamoy nga itong niluluto ko e, sobrang bango. Ang sarap ng amoy.

Pagkatapos kong igisa ang corned beef. Nilagay ko na ito sa plato. Naghiwa naman ako ng malalaking white onions para sa plating ko. Oh diba, ang sosyal. May pa-plating ako.

Well, para saan pa at Home Economics ang pinag-aaralan ko. Hahaha!

Pagkatapos ko sa plating ng corned beef, inayos ko na yung mga lettuce at sauce. Naglagay din ako ng kaunting lettuce sa corned beef para mas bongga ang plating. Yan ang special corned beef ko.

Habang nag-aayos ako ng mesa, dumating naman sina Michi at J.

"Wow ate, you're here! Akala ko hindi ka na babalik dito e." sabi ni Michi habang papalapit sa pwesto ko.

"Wow, mukhang ang sarap naman niyan ate." sabi naman ni J.

"Oo, special corned beef ko yan. Wala kasi kayong perishable foods e. Kaya yan na lang. Osige na, magbihis na kayo tapos kakain na tayo." sabi ko sa kanila.

"Sige ate. Excited na ulit akong makakain ng luto mo." puri ni J tapos pumunta na sila sa kwarto nila.

Pagkatapos ko mag-ayos ay pinuntahan ko naman si Akiks sa kwarto niya. Ano kayang ginagawa nung babaeng yun at hindi ako nilabas?

Pagkapasok ko ay nakita kong nasa harap ito ng computer niya. Sinilip ko ito at ayun, busy sa pag-iedit si ate mo.

"Hoy! Ano yan?" tanong ko.

"Wala, trip ko lang. Naisipan ko kanina mag-edit ng ganitong style e." sagot niya.

Actually, nagtataka talaga ako sa babaeng ito e. Pag-iedit ang hilig niya pero Home Economics ang kinuha niya, may Animation naman e. Edi sana yun na lang ang kinuha niya. Baliw diba?

"Ay sige. Tara na, kain na tayo." aya ko sa kanya.

"Sigesige." sabi niya at lumabas na kami ng kwarto niya.

"Tawagin mo na si Victor. Tawagin ko lang sila Michi at J." utos niya sa akin.

At syempre, sumunod na lang ako. Manliligaw ako diba? Bwahahahaha.

"Victor." tawag ko sa kanya sabay katok sa pinto niya.

Kaso parang wala akong tinawag na tao sa loob. Wala man lang response.

"Victor, kakain na." tawag ko ulit. Pero, no response ulit. Baka tulog.

"Hoy Victor!" tawag ko at tinoktok ng malakas ang pinto niya.

"Hoy Victor, makain na!" tawag ko ulit. Jusko, tulog ba ito o bingi? Walang response! Di naman siya lumabas e.

Bubuksan ko na sana yung pinto pero bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang napaka-gwapong nilalang. Ang gwapo ni Victor with messy hair. Koreanong-koreano! Kainlove, hay.

"A-ahh, h-hmm. Kakain na." nauutal na sabi ko.

Pero jusko, di man lang ako pinansin at nagdiretso na sa kusina. May sapi na naman yun.

Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina at andun na din sila Akiks, Michi at J.

Kumain na lang kami lahat at nagkwentuhan.

After namin kumain ay nilantakan na nila agad yung lettuce.

"Ate, dito ka na lang lagi tapos ipagluto mo kami. Ang sarap talaga ng luto mo." sabi ni Michi.

"Sigesige, promise araw-araw ko na kayo ipagluluto.

"Yeeeey! Sabi mo yan ate ah? Hihintayin ka namin lagi." sabu naman ni J.

"Sige ba." sagot ko.

Napatingin ako kay Victor nung bigla itong tumayo at dumiretso na sa kwarto niya.

Aba aba. Pinanindigan ng loko ang hindi pagpansin sa akin. Bwisit talaga!

"Ano? Kaya mong ligawan yung alien na yun?" biglang tanong ni Akiks.

"Oo naman. Easy lang yun." sagot ko.

"Aysus. Sige, support kita kunware. Hahaha!" pang-aasar niya sa akin.

Ugh! Kasura ka Victor! Matapos mong pakiligin ako ng bongga hindi mo na ako papansinin? Wala kang paninindigan! Huhuhu.

Chasing HimWhere stories live. Discover now