Chapter Seven

1.7K 23 1
                                    




Uwian na namin at andito ako ngayon sa harap ng classroom nila Victor. May meeting kasi kami sa Computer Lab bago umuwi at naalala ko yun payong niya kaya idadaan ko muna sa kanya para isoli.

Nung lumabas na yung mga kaklase niya ay inabangan ko na siya.

Siya ang pang-huling lumabas.

"Ah, hmm. Victor." tawag ko sa kanya at humarap siya sa akin.

"Isosoli ko lang sayo 'tong payong mo." I said sabay pakita sa kanya nung payong.

Inabot niya ito ng walang sinasabi.

"Thanks!" sabi ko at tumalikod na ng bigla siyang magsalita.

"San ka pupunta? Dito ang daan papuntang gate." tanong niya nung napansin niyang humiwalay ako ng daan sa kanya, e kasi nga pupunta ako ng Computer Lab.

"Uhm, sa Computer Lab. May meeting kami e." sagot ko.

"Okay." sagot niya at tinanguan lang ako.

"Sige, bye." paalam ko at dumiretso na ako sa computer lab.

Late na natapos ang meeting namin dahil ang dami pa naming inayos for our school stuffs.

Tumingin ako sa wrist watch ko at 6:28 na.

Hays, gabi na naman ako uuwi.

Nagtricycle na ako papuntang terminal dahil wala na din naman akong kasabay. Pagdating ko sa terminal ay sumakay na ako ng van at nilagay ang headset sa aking tainga. Sobrang pagod.

Nakaidlip ako dahil sa sobrang pagod. Buti na lang hindi ako nakalagpas.

Pagbaba ko, kaunti na lang ang mga nakikita kong tao na nasa labas.

Ma-7:30 na din pala. Almost one hour din kasi ang byahe ko, malayo kasi ang school namin, pero keri lang, maganda naman e.

Palakad na sana ako ng bigla kong namataan na may tao sa gilid ko. Jusko, killer ba to? Rapist? Holdaper? Kidnapper? Huhuhu.

Kahit kinakabahan ay naglakad pa din ako. Gusto kong tumakbo kaso, ugh! Feeling ko ang bigat bigat ng paa ko!

Napatigil ako sa paglalakad dahil sobrang dilim sa dadaanan ko, sira pa ata yung ilaw sa poste. Jusko naman talaga!

Bumalik na lang ako sa maliwanag na lugar, mas safe dun. Tiningnan ko yung pwesto kung nasaan may nakatayong lalaki kanina pero wala na ito. Hay, thank God!

Huhuhu, sana may makasabay ako papasok. Sana. Sana. Sana...

"Hatid na kita sa inyo." halos magulat ako sa nagsalita sa likod ko.

At pagharap ko, (O.O) totoo ba to? Am I dreaming or what? What is he doing here?

Si Victor...

"A-ahh, uhmm." nahihiyang sambit ko.

"Halika na, hatid na kita." ulit pa niya pero para akong tanga na naestatwa sa harap niya.

Naniniwala na ako sa milagro.

Nauna siyang maglakad tapos sumunod ako. Shocks, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi ako makapaniwala.

Si Victor, kinausap ako at ihahatid daw ako? Ohmyghaaad! Is this really happening?

Si Victor na snob, cold, walang pakialam sa mundo at super crush na crush for the long time. Ihahatid ako? Kyaaaaaah!

Binagalan ko ang lakad ko para naman masulit ko na kasama siya, kaso ang bilis niya maglakad! Huhuhu.

Nagulat ako nung biglang may kumaluskos sa likuran ko. Napatakbo ako papunta sa tabi niya ng wala sa oras. Buti na lang hinatid niya ako. Ano bang nakain nito at hinatid ko? Hmmm. May gusto kaya sa akin ito? Bwahahahaha.

Sige, umasa ka lang, Rofe. Tumahimik ka na nga lang, assuming e!

"Hmm. Sige, okay na ako dito. Salamat." paalam ko nung nasa labas na ako ng bahay namin.

Tinanguan lang niya ako.

"Sige na, ingat ka pabalik." sabi ko pa pero tinanguan lang niya ulit ako.

Ugh! Nice talking huh?

"Hmm, sige na. Lakad ka na, tanawin kita dito." sabi ko sa kanya.

Gusto ko kasing masigurado na safe siya, baka mamaya biglang may mang-hablot sa kanya at gawan siya ng masama e. Nawalan ako ng future boyfriend!

Nagkibit-balikat lang siya at naglakad na.

Nung hindi ko na siya matanaw ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay namin.

Waaaaaah! Super kinikilig talaga ako. Anong meaning nun? Bakit niya ako hinatid? Crush niya rin ba ako? Gusto niya ako? Or mahal na niya ako? Kyaaaaaaah!

I love you too, Victor!

Chasing HimWhere stories live. Discover now