Chapter Seventeen

1.3K 40 1
                                    

Akiks. Punta na ako jan.

Text ko kay Akiks bago lumabas ng bahay at pumunta na sa kanila.

"Akiks!" tawag ko nung nasa labas na ako ng bahay nila.

"Pasok ka na." rinig kong sabi ni Victor kaya pumasok na ako.

"Asan si Akiks?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya." sagot niya at tutok pa rin sa computer.

"Sige, puntahan ko lang." sabi ko at pumunta na sa kwarto ni Akiks.

Perp bago tuluyang pumasok ay tiningnan ko ulot siya.

Nakatutok pa rin sa computer ang abnormal. May bagong kanta na naman ata itong pinagkaka-abalahan. Tsk tsk.

"O, ano na?" tanong ko nung nakapasok na ako sa kwarto ni Akiks.

"Ano?" tanong niya rin.

"Ano ng gagawin natin?" tanong ko.

"Review. Hays, ang sakit na sa utak!" reklamo niya.

"Ganyan talaga, estudyante tayo e." sgaot ko at kinuha na ang libro niya.

Wala pala akong dalang gamit. Ang epal ko. Hahaha!

Nag-review lang kami para sa exam namin sa first day at nagtanungan para mas matandaan namin.

"Prior to the submission of a project proposal, proponents are requested to submit a summary of what the project is all about..." tanong niya sa akin.

"Concept Paper." sagot ko.

"Okay, next. It is a tool to gather data on a specific topic of interest." sunod na tanong niya.

"Research Instrument." sagot ko.

"Uh-uhm.Presents the writer's stand or viewpoint on a particular issue." tanong niya ulit.

"Position Paper." sagot ko.

"Ako naman matanong sa iyo." sabi ko. "Concept Paper is a blank for a proposal." tanong ko.

"Preliminary Document." sagot niya at tumango ako dahil tama.

"This instrument allows the description of behavior in a naturalistic or laboratory setting."

"Observation."

"Is a procedure undertaken scientifically and systematically."

"Experiment." sagot niya. "Waaaah! Ayoko na! Lugaw na utak ko!" reklamo niya.

"Gawa ka ng snack besh. Pleash?" paawang sabi niya.

"Psh. Oo na! Saglit lang." irap ko sa kanya.

Abnormal na naman itong babaeng ito.

Lumabas na ako ng kwarto niya para magawa ng snack.

Pag tingin ko sa sala, andun pa din si Victor sa harap ng computer niya. Aba, aba! Walang sawa ito ah?

"Hoy!" gulat ko sa kanya, pero epic. Di man lang nagulat!

Tiningnan niya lang naman ako at tinaasan ng kilay.

Sungit. May PMS si kuya?

"Nag-aano ka? Kanina ka pa ha." tanong ko.

"Wala ang ganda nung kanta ni Ed Sheeran na Perfect e. Matagal na ito pero ngayon lang sumikat. Sobrang ganda." sabi pa niya.

"Ahhh." sagot ko, clueless sa sinabi niya.

"Eto o, pakinggan mo." sabi niya at tinapan sa tainga ko yung headset.

Cause we we're just kids when we fell in love.
Not knowing what it was.
I will not give you up this time.
Darling just kiss me slow.
Your heart is all I own.
And in your eyes you're holding mine.

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na ito yung lyrics, parang mag something e.

Ugh! Assuming ka, Rofe.

Hindi ako nakagalaw agad, ang awkward. Bakit parang bigla akong nahiya? Ugh!

"A-ahh, u-uhm. A-ang ganda." naiilang na ngumiti ako sa kanya.

Pagtingin ko, nakatitig lang siya sa akin. My gosh! What's happening?

Yung titig niya parang may sinasabi. Ay ano ba, Rofe! Tumigil ka nga.

Pakshet, kinikilig ako sa titig niya! Argh!

"Ahhh, ano. G-gawa lang ako ng snack. G-gusto mo?" naiilang na tanong ko sa kanya.

"Sige." tugon niya at binaling ulit ang tingin sa computer.

Umalis na ako s atabi niya at pumunta sa kitchen.

Habang gumagawa ng lettuce sandwich ay tumitingin ako sa kanya.

Nakangiti lamang siya. Parang baliw. Sobrang abnormal. Tsk tsk.

Yung taong takot sa tao, ang cold ng expression at sobrang tahimik na nakilala ko. Ganito pala ang ugali? Haha! I can't believe it. Naniniwala na ako sa himala!

Pagkatapos ko magawa ng sandwich ay gumawa na rin ako ng juice para sa amin tatlo.

Wait, asan nga pala si Michi at J? Di ko pa nakikita simula kanina ah.

"Asan si Michi at J?" tanong ko kay Victor sabay bigay sa kanya nung pagkain na para sa kanya.

"May ginagawa raw sa school e." sagot niya at kinuha yung binigay kong pagkain.

"Ahh, okay." sagot ko. "Balik na ako sa kwarto ni Akiks. Kain ka lang d'yan. Enjoy sa pinapakinggan mo." dugtong ko pa.

"Sige." naka-ngiting sagot niya.

Tinalikuran ko na siya at pumunta sa kwarto ni Akiks.

"Ang tagal mo. Anong ginawa niyo ni kuya, ha?" panunukso niya.

"Ewan ko sayo." sagot ko at binigay yung pagkain niya.

Tinanggap naman niya ito at sinimulang kainin na.

Kumain na rin ako at pagkatapos nun, nag-review na ulit kami.

* * *

Happy 1.13k reads! Maraming maraming maraming salamat sa sumusuporta! Hmua. Hmua. Hmua! :*

Chasing HimWhere stories live. Discover now