Chapter Eight

1.6K 24 0
                                    




Alam niyo yung nakakainis!? Yung feeling na, ayun na e! Kinakausap na niya ako, tinitingnan na niya ako, pinahiram na niya ako ng payong, hinatid pa niya ako sa bahay. Tapos.. Tapos... bigla na naman niya akong hindi papansinin na parang hangin!

Paasa e, paasa! Umaasa na ako e! Huhuhu. Tanga tanga mo, rofe e! Sobraaa!

"Hoy babae, ano na naman yang mukha mong yan? Lalo kang pumapangit e!" sita sa akin ni Akiks.

"E kasi si kuya mo! Hindi na naman ako pinapansin! Huhuhu" reklamo ko sa kanya.

"E kelan ka ba niya pinansin?" tanong pa niya.

Isa pa din eto eh! Yung feeling na kwinento ko sa kanya yung mga sweet moments namin ni Victor, tapos, tapos, tapos.. hindi sa akin naniwala! Huhuhuhu. Masakit! Mukha ba akong nananaginip lang nun? Hindi naman ah, totoo yun!

"Maniwala ka na nga sa akin Akiks! Pinapansin na nga ako ni kuya mo!" pilit ko sa kanya.

"Oo na. Oo na. Gutom lang yan, tara kain na tayo sa canteen." aya niya sa akin at sumunod na lang ako sa kanya habang nakasimangot.

Hays. Nakakainis!

"Osige, mag-busangot ka lang jan. Ayan si kuyo oh, makakasalubong natin. Ang pangit mo!" sabi niya sa akin kaya dumiretso ako ng tingin.

At oo nga, makakasalubong namin si Victor!

"Victor..." tawag ko sa kanya nung magkatapat na kami.

Pero, pusang gala! Hindi ako pinansin! Waaaah! Loko yun ah! Matapos niya akong pakiligin, hindi na niya ako papansinin? Huhuhu.

Narinig ko na lang si Akiks na tumatawa. Epal itong magkapatid na ito ah!

Dahil sa sobrang inis ko, hinabol ko si Victor.

"Hoy Victor!" sigaw ko sa kanya dahil medyo nakalayo na siya.

Pero putspa! Hindi ata ako narinig?

"Victor, wait!" sigaw ko pa.

Napapatingin na din sa akin yung ibang mga estudyante.

Mukha akong naghahabol sa taong walang pakialam sa akin.

"Wala nga kasi talaga sayo yang pakialam." biglang sabi ni Akiks.

Inismiran ko na lang siya at hinabol ulit si Victor.

"Hoy Victor! Ano ba, pansinin mo ako!" sigaw ko ulit.

Pusang gala talaga oh! Bingi ba yung lalaki na yun? Di ako pinapansin!

"Tara na nga, Rofe. Baliw ka na sa lalaking yan! Hindi ka naman papansinin niyan! Wala yang pakialam sa paligid niyan!" asik sa akin ni Akiks.

Nakakainis!!! Sobraaaa! Huhuhu.

Sinimangutan ko lang siya at sumunod sa kanyang maglakad pabalik ng canteen. Pagkarating namin, nag-order agad siya at sumunod naman ako.

Nakakapagod maghabol ha!

"May nagustuhan na ba si kuya mo? Niligawan or what so ever?" tanong ko sa kanya.

"Hmm, wala pa sa pagkakaalam ko." sagot niya.

"Pwes, magkaka-meron na. Liligawan ko siya!" seryosong sabi ko sa kanya dahil seryoso ako dun.

Bigla naman siyang napatingin sa akin.

"Baliw ka na talaga." giit niya.

"I know. Baliw na baliw na ako sa kuya mong walang pakialam sa mundo." depensa ko.

"Tss. Hay nako, susuko ka din."

"No. Liligawan ko siya. I'm gonna chase him. Magiging kami rin." sabi ko sa kanya with full of assurance.

Nagkibit balikat lang siya.

Confidence ako sa gagawin ko. Baliw na kung baliw, tanga na kung tanga.

Mamahalin mo din ako Victor...

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon