Chapter Eighteen

1.4K 26 3
                                    

Sem-break feels. Sobrang boring, ugh!

And the usual, nakatutok lang ako sa internet buong araw.

Basa ng wattpad, tweet sa twitter, mang-stalk sa IG at magbasa ng random post and memes sa facebook.

Hay. Bat ang boring ng sem-break? Wala naman ako mapuntahan. Hindi rin kami ma-travel. Tsk.

What are you doing?

Biglang chat ni Victor. Na-miss ata ako nitong lalaking ito. Hahaha!

I type my reply.

Nah. Boring nga e, u?
                         delivered.

Nag-reply ulit siya.

Same. Wanna go out?

Napa-isip naman ako, san naman kami pupunta?

Sure. Wer r we going?
                        delivered.

Uhm? Dun sa playground malapit dito.

Basa ko sa reply niya.

Wow. Alam niya pala yun? Nakapunta na kaya siya dun?

Okay, sure. Wait, palabas na ako.
I replied.

Okay. Wait u here.
He replied.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang sarili sa salamin.

I'm just wearing a V neck dark blue tshirt and maong short. Hindi na ako nagbihis kasi maayos naman ito, kakaligo ko lang tsaka sa labasan lang kami.

Lumabas na ako ng bahay at laking gulat ko nung nakita ko si Victor sa labas.

Kanina pa ba siya jan? My G!

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong ko, gulat pa rin.

"Hindi naman, kakarating ko lang din." sagot niya.

Tumango naman ako, "okay."

"Tara na." aya niya at naglakad na kami papunta sa playground.

"Bili muna tayo ng pagkain, baka mapahaba ang tambay natin dun." sabi niya habang naglalakad kami.

"Sigesige. Gusto ko yan! Baka biglang magutom tayo e." sabi ko at nginitian siya.

Tumawa naman siya. Kaya naniniwala na ako sa himala e, tumatawa na siya pag kasama ako.

Wala siyang hiya, to be exact. Hahaha

Dumaan muna kami sa isang convenient store malapit sa playground.

Kumuha siya ng dalawang softdrink na nasa plastic bottle, Mr. Chips, Pringles at Moby na chocolate.

"Tama na siguro ito sa ating dalawa no?" baling niya sa akin.

"Oo, sakto na yan." sagot ko.

"Gusto mong ice cream?" tanong niya at bigla akong natakam.

Para naman akong batang tumango-tango.

Pumunta siya sa ice cream section at sumunod naman ako.

Kumuha siya ng dalawa, isang Rocky Road Double Dutch.

Shookt. Alam ba niya na Double Dutch ang favorite kong flavor ng Ice Cream? Pano?

And sa pagkaka-alam ko, Rocky Road ang favorite niyang flavor ng Ice Cream.

"Tara na." sabi niya at pumunta na sa counter.

Nakita kong nag-abot siys ng pera. Bigla naman akong nahiya, siya ang nagbayad.

Gusto ko sanang ako na magbayad nung ice cream kaso alam kong hindi siya papayag.

Pagkatapos niya magbayad at dumiretso na kami sa playground.

Naupo kami sa isang bench dun na may lamesa. Pinatong niya sa lamesa yung mga pagkain.

Grabe. Date ba namin ito? Gosh, kinikilig ako sa naisip ko.

Pero wag assuming. Baka bored lang siya. Well yes, bored nga siya, kaya nga inakit niya ako diba? Hays.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako nakiki-halubilo sa mga tao?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa swing.

"Hindi, bakit nga ba?" kuryosong tanong ko.

Mag-oopen ba siya sa akin kung bakit parang sobrang hirap niyang kausapin?

Well, gusto ko rin naman malaman. Baka may madilim na past siya, may masamang bagay siyang naranasan. Baka, hindi naman siya ganito dati. Baka makulit talaga siya dati, tapos na-trauma kaya biglang natakot sa mga tao.

Tapos baka...

"Wala lang, trip ko lang." naputol ang pag-iisip ko sa mga posibleng dahilan nung sumagot siya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, "Seriously?" tanong ko.

"Oo, hahaha! Basta yun, mas feel ko ang maging ganun." natatawa pero seryosong sabi niya.

Abnormal talaga, inaataki na naman ng sakit niya.

Oo may sakit siya, Abnormality disease, stage 4. Hahahaha! De jk lang.

Wala e, ang abnormal kasi talaga. Yung akala mo sobrang tahimik na halos hindi mo na makausap at sobrang takot sa tao.

Well, ganun nga siya pag hindi niya kilala at pag trip niya.

Pero pag nakilala mo, sobrang abnormal. Grabe ang sapak.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon