SIMULA

5.1K 88 0
                                    

Nang magising ako ng hapon agad kong hinanap ang aking nanay pero kahit anong libot ko hindi ko siya makita sa buong bahay ampunan

"Hillary nakita mo ba si nanay?" Tanong ko sa aking kaibigan,umiling naman ito bilang sagot "asan na ba si nanay ko?" Siguro dahil sa bata pa ako agad ako umiyak dahil gusto ko makita ang nanay ko

Si nanay ko gusto ko

Nagtatakbo na ako para lang mahanap si nanay pero wala talaga siya,saan nagpuna ang nanay na Wala ako

"Nanay" umiiyak na sigaw ko,nakita ko naman si sister Jamie natataranta na lumapit sa akin "sister si nanay po? Nasaan na po ang nanay ko? Nanay!" Naninikip ang dibdib ko dahil sa pag iyak

Gusto ko makita na si nanay pero ayaw niya magpakita

Hinawakan ni Sister Jamie ang dalawang kamay ko at pinaharap ako sa kanya "Crisha makinig ka ah? Wala na kasi ang nanay mo, umalis na siya dahil kailangan nya magtrabaho sa malayo" umiiyak na umiiling ako

"Hindi ako iiwan ni nanay" pero kahit anong iyak ko walang nanay Trisha na nagpakita para aluin at yakapin ako

Apat taon na siguro lumipas pero hindi pa rin bumabalik si nanay, sabi ni Sister Jamie umalis lang siya para magtrabaho sa malayo pero kahit isang beses hindi nya ako binalikan o dinalaw man lang

"Iniwan mo na din ako nanay" umiiyak ako ng bigkasin yon

"Wag kana umiyak bata" napatinggin naman ako sa batang lalaki na naglahad sa akin ng pamunas, tinggin ko mas matanda sya sakin "may umaway ba sayo?" Umiling naman ako "bakit ka umiiyak kung wala naman pala?" Takang Tanong nito

"Namimiss ko lang ang nanay ko"

"Wag kana malungkot babalik naman ata siya" ngumiti ako,sana nga pero kinalimutan na siguro ako ng nanay parehas lang sila ng tatay ko. Hindi siguro nila ako mahal kaya iniwan nila ako

Kapag lumipas muli ang isang pasko at hindi pa rin nagpakita si nanay,kakalimutan ko na siya kakalimutan ko na may nanay ako. Parehas sila ni tatay,magsama sila. Hindi ko sila bati

Lagi nandito ang pamilyang Monterey sila ang isa sa mayaman pamilya na madodonate dito sa bahay ampunan, naging malapit na kaibigan ko na din si Kiro simula abutan nya ako ng panyo ng minsan nakita nya ako umiiyak. Masasabi ko na nga din crush ko siya,crush pa lang naman dahil masyado pa ako bata para maging super love siya. Medyo malungkot lang ako dahil nalaman ko na crush niya ang kaibigan ko na si Hillary

Lumipas pa muli ang taon hanggang sa mag 18 na ako,dalaga na ako kung tutuusin pwede na ako umalis dito sa bahay ampunan pero hindi ko magawa dahil takot ako sa magiging buhay ko sa labas. Saka na siguro kapag nakahanap na ako ng trabaho at may matutuluyan na ako na sarili ko

Pero makalipas lang ng buwan inalok ako ng magulang ni Kiro,isang kasal sa isang anak nila. Walang iba kundi si Kiroshi, gusto ko gustong gusto ko dahil matagal ko naman na siya gusto at tinggin ko wala naman magiging problema dahil magkaibigan kami. Pero mali pala ako,nagalit siya sa akin ng malaman nya pumayag ako sa alok ng magulang nya

"For fck sake Crisha!" Sigaw nito "bakit mo tinanggap ang alok? Sana tumanggi ka" galit na salita nito

"May masama ba sa pagpayag ko?" Mahinang tanong ko

"Oo! Kami na ni Hillary at mahal ko siya, samantala ikaw hindi kaibigan lang kita" halos masakal ang puso ko dahil sa nalaman ko

"Kausapin mo muli sila mommy at umatras ka" saka ito umalis at iwan ako dito sa likod ng bahay ampunan

Napaatras naman ako ng biglang may sumampal sakin "ahas ka! Mang aagaw,bawiin mo yung sinabi mo sa parents nya" sigaw ni Hillary "kapag hindi mo ginawa mo at natuloy ang kasal. Kalimutan mo na naging magkaibigan tayo" sigaw muli nito at saka ito tumakbo paalis

Napaupo naman ako habang humagulgol

Pero huli na din pala ang lahat dahil hindi na pumayag si Tita Yolanda umatras ako,dahil nakaplano na ang lahat at na announced na nila ang kasal at malaking eskandalo daw kapag hindi natuloy

Kaya ang galit ni Hillary mas nadagdagan sakin lalo na ni Kiro,hindi lang isang kaibigan nawala sakin dalawang kaibigan ko nawala sakin na pamilya ko na

Ganito na ba talaga ang tadhana ko? Maging kasuklam suklam? Ano ba nagawa kong mali at simula bata pa lang wala na ibigay sakin kung hindi sakin at hirap?

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon