Kabanata 5

2.3K 58 0
                                    

Ang kanina na gusto ko pagpasok sa trabaho ay hindi natuloy

Nakita ko na lang ang sarili ko nandito ngayon nakatayo sa tapat ng isang mataas na gate

Ang bahay ampunan kung saan ako iniwan ng nanay ko, "Crisha? Ikaw nga iha" si Sister Jamie pagbukas niya ng gate

"Bakit ka nandito?" Tanong nito,niyaya na nito ako pumasok sa loob

Sa sobrang emosyonal ko niyakap ko na lang bigla si Sister at sa kanya binuhos ang lahat ng sakit nararamdaman ko

"Sister Jamie,uuwi na po ako" umiiyak na sambit ko

"Huh? Hindi kita maintindihan,kakarating mo lang aalis kana agad?" Naguguluhan na tanong nito

Agad naman ako umiling "ibig ko pong sabihin uuwi na po ako,dito po.. dito na lang po ako ulit"

Huminga ng malalim si Sister bago nito hinaplos ang pisngi ko

"Pero may tahanan kana hija" marahang na sabi nito "may asawa kana iniuwian"

"Naalala mo ba ang sinabi mo sa kasal mo? Sa hirap at ginhawa"

Pero paano? Oo mahal ko si Kiro pero hindi ko na din naiintindihan, mahal ko siya kaya kahit anong sakit nararamdaman ko mula sa kanya ayoko mawala at iwan siya pero may parte sakin na gusto ko na makawala

Ang gulo,ang gulo takbo ng isip ko

"Bakit ba? Sinasaktan kaba ni Kiroshi?" Sasabihin ko na ang totoo?

"H-hindi po" sa huli pinili ko pagtakpan siya,napayuko na lang ako

Sorry Sister Jamie

"Siguro nagkaroon kayo ng tampuhan kaya nasabi mo lang yan,lilipas din yan at kasama yan sa buhay mag asawa kahit hindi ko naman naranasan magkaroon" nakangiti nito na sabi

"Ganun nga po siguro" mahina na sambit ko,pero mas malala sa tampuhan ang meron kami

"Pasensya na po sa abala" paumanhin ko "pwede po ba dumito muna ako? Magpapalipas lang po ako" mahina na boses paalam ko

"Syempre,lagi kang welcome dito kayong mag asawa at ang pamilyang Monterey" tumango ako

Mabigat ang loob na pumunta ako sa lagi ko tambayan dito sa bahay ampunan dito sa swing

Umupo ako sa swing, simula bata ako nung iniwan ako ni nanay. Ito na ang naging saksi sa kalungkutan ko, itong swing na ito lagi kong sandalan noon sa twing nalulungkot ako

Dito kami madalas mag bonding ni nanay bago niya ako iniwan

"Kung hindi mo siguro ako iniwan,mas maayos ang buhay ko" pag usap ko sa hangin "kung hindi mi ako iniwan,hindi ako masasaktan ng ganito" umiiyak na salita ko

"S-sana hindi mo na lang ako pinanganak kung iiwan mo din ako" galit na bigkas ko sa hangin na tila ito ang nanay

Alam ko naman hindi ko dapat isisi sa nanay kong nang iwan sakin ang mga nangyayare sa buhay ko,pero may parte kasi sa puso ko siya ang sinisisi

Mag gagabi na nag desisyon ako umuwi,pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay

Si Kiroshi agad sumalubong sakin nakaupo sa sofa at masama ang tinggin

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon