Kabanata 15

1K 28 0
                                    

Lumabas na ito mula sa loob ng elevator at kaya naman bahagya ako napaatras

"Crisha" sambit nito sa pangalan ko

Pinakiramdam ko ang sarili ko sa narinig na pagtawag nito sakin,pero wala ako naramdam kahit ano

Hindi tulad noon nakakaramdam agad ako ng takot kapag tinatawag nito ang pangalan ko at konting kilig dahil kahit galit ito sinasambit ang pangalan ko

How pathetic I am right? Pero hindi na ngayon

Kaysa pansinin siya agad ko hinarang ang pinto ng elevator na papasara kaya bumukas muli ito at agad ako pumasok

"Crisha" tawag muli nito pero nagbingi bingihan ako at pinindot ang button ng close door

"Let's talk" nasabi nito bago tuluyan nagsarado ang pinto at hindi na nakahabol palapit sakin

Gusto niya ako kausapin? Para saan pa? Hindi na namin kailangan mag usap

At ano naman pag uusapan namin? Ayaw niya nga ako nakakausap noon

Hinayaan ko na lang yung at binalewala ang mga tumatakbo sa isip ko

Umuwi naman ako ng pinas para sa anak ko Hindi para sa kanya,at ilang taon ko na din sya hindi naiisip

Dahil siguro nakamove on na ako

Si Miracle na lang ngayon ang pinaka importante sa buhay ko wala ng iba

Apat na araw simula makabalik ako rito sa Pilipinas at masasabi ko na masaya ako lalo na kasama ko ang anak ko

Dahil nandito ako sa Pilipinas na dito na ako naghanap ng trabaho kailangan ng isang tulad ko

Nag apply ako sa iba't ibang company na kailangan ng isang Architect

Masaya naman ako dahil may tumanggap din sakin

Big One Company

Isa itong kumpanya nangangailangan ng mga ilang architect para sa bagong Proyekto nila

Sa lunes pa ang simula ko at makilala ko din ang magiging boss ko at ilang architect sala mga engineer

Nilubos ko muna ang araw ko kasama si Miracle bago ako kumayod muli para sa amin dalawa

Sumapit ang lunes, iniwan ko muli ang anak ko sa mag asawa

Bago ako tuluyan umalis nagpaalam muli ako sa anak ko

"Aalis muna si mama ah? Pero this time lagi na ako babalik mag work lang ako para sa atin" tumango tango naman ang bata sa akin

"Okie pow" bibo na sagot nito,hinalikan ko muna ito sa noo bago sumakay ng sasakyan

Makarating ako sa kumpanya saan alo mag trabaho agad ko naman tinanong sa guard saan ang floor para sa mga architect at engineer

"Sa 8th floor miss,bilisan mo na lang dahil kakarating lang din ni Boss. Ayaw pa naman nun sa mga late"

Nakaramdam ako ng kaba pero hindi naman ako late kaya bakit ako kakabahan?

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon