kabanata 1

5.2K 98 0
                                    

"Crisha!" Napatakbo agad ako paakyat ng marinig ko sigaw ng aking asawa "Crisha!" Sigaw pa muli nito pero mas malakas

"K-kiro? Bakit?" Hingal na tanong ko pagdating ko sa silid kung nasaan sya,pero napahawak na lang ako sa pisngi ko ng sampalin ako nito

"How many times did I tell you? Huh?! Wag na wag mo papakialam ang buhay ko" sigaw nito, nagtataka na tumingin ako sa kanya

"Hindi ko maintindihan" ngumisi ito at hinawakan ako sa braso na kinadadaing ko

"Hindi mo alam? Diba nag sumbong ka sa magulang ko pakikipagkita ko sa Hotel?" Alam ko nmn ang pakikipagtagpuan nya sa hotel kasama ang isa sa mga babae nya

Alam nya ikakasakit ko ang pagdala at pakikipagkita nya sa ibang babae kaya ginagawa nya

Umiling ako "Hindi Kiroshi,maniwala ka" sinampal lang ako nito muli

"Sinungaling!" Padabog nya ako tinulak na kinaupo ko sa lapag at pumasok na ito sa banyo

Tahimik na umiiyak na lamang ako, napakahirap nya mahalin. Mabigat man sa dibdib hindi ko magawa iwan o umalis sa puder sya dahil mahal na mahal ko siya at sya na lng meron ako

Kaysa magmukmok tinuloy ko ginagawa sa kusina gawan sya ng agahan, ito lang kasi kahit papaano nakakagaan sa loob ko dahil galit man sya sakin,kinakain nya ang mga hinahanda ko basta pagkakain siya wala ang presensya ko sa hapagkainan

Nang matapos ako sa paghahanda ako,pumasok na ako sa silid ko para mag ayos para pumasok sa trabaho. Empleyado ako sa isang kumpanya na isa din ang pamilyang Monterey ang may ari, gusto sana ni mama Yolanda na kumpanya talaga nila ako mag trabaho pero ayoko dahil sobra sobra na ang naibigay nila sakin saka alam ko naman magagalit lalo sakin si Kiroshi dahil siya ngayon ang president ng Monterey's Empire, dito pa nga lang sa bahay ayaw na ako nakikita sa company pa kaya nila? Mas mabuti na sa iba na lng ako mag trabaho kaysa mas lalo pa mainis sa mukha ko si Kiro

Sobrang ganda ko siguro kaya ayaw nya masyado nakikita mukha ko

Nang makapasok ako dumiretso na ako sa cubicle ko, pero di pa nag iinit ang pwet ko sa upuan may lumapit na agad sa akin

"Maaga pa Kaye para sa chismis" humagikhik naman ito at mahina ako pinalo sa braso
"Ikaw naman ghorl chismis agad pag lumapit ako?" Pabiro ito umirap "hindi ba muna mag good morning ako sayo?"

"Never ka bumati sa umaga sakin ng ganyan,chismis lagi bati mo sa umaga at may pabaon ka pa sa uwian" ngumisi ako sa kanya

"You know me talaga" "so ayun na nga chismis talaga lapit ko hehe,ang chismis natin for today is bago na ang president nitong ALM company" napatinggin ako ng banggitin nya yon

"Hindi na si Mr.Alcasid ang magiging President natin?" Gulat na tanong ko,tumango ito "uh-ah,yes girl" sagot nito

"Ang chismis pamangkin nya na ang mamahala nitong kumpanya" anito, tumingin tinggin si Kaye sa palgid bago siya lumapit sakin "isa pang pasabog na chismis,ang husband mo lNg namn daw na pamangkin nya na ang papalit sa pwesto" mahina na sabi  ni Kaye

Napatayo naman ako sa gulat sa binalita nya,paano nangyare si Kiroshi? Siya ang president ngayon ng kumpanya mismo nila?

"Kung nagtataka ka,marami ako chismis" ngumiti ito na mukhang proud pa dahil marami siyang alam na chismis "Inalis sa pwesto si Mr.Monterey sa Empire dahil sa kagaguhan ginawa nya,at si Hiro Monterey ang pumalit sa kanya ang kuya niya"

Anong kagaguhan sinasabi ni Kaye?

"Nahuli kasi ng parents in law mo ang asawa mo sa hotel may katagpuan,kaya nalaman ko dahil may mga nakakita nagtatalo ang mag ama dahil sa babae ng asawa mo. Pero dahil siguro sa kapangyarihan nila hindi na kumalat ang balita pagtatalo ng ama at kumalat sa iba lalo na sa media" mahaba na paliwanag nito

"Pero hindi ko alam bakit si Kiro ang papalit kay Mr.Alcasid" tumango na lang ako sa mga nalaman ko

Si Mr.Alfred Alcasid ay tito nila Kiroshi na kapatid ni tita Yolanda, wala itong anak dahil matandang binata na babaero

Sa tinggin ko sa tito nagmana si Kiroshi lalo na ang bunso pa nilang kapatid na lalaki, dahil si papa Kiel naman ang seryosong tao at hindi babaero tulad ng mga anak

Nang matapos ang trabaho ko,dumiretso na ako sa pag uwi dahil hindi pwede mauna si Kiroshi makauwi dahil mayayare na naman ako sa kanya,kailangan kasi pag nakauwi siya may mga nakahanda na pagkain

Nakahinga ako ng maluwag ng makauwi ako wala pang tao at naunahan ko si Kiro

Mailapag ko sa sofa mga gamit ko hindi na ako nag aksaya ng oras oara maghanda ng hapunan,matapos ako sa paghanda sa hapunan, umakyat na ako sa kanyang silid para ayusin at ihanda ang susuotin nya na pamahay

Bumaba na ako ng marinig ko ang busina ng kanyang sasakyan,dumiretso ako sa kusina para mabilis mag timpla ng kape nya
Dahil mahilig siya magkape pagkabihis galing sa pag uwi nya

Nang maramdam ko nasa pinto na siya lumapit na ako para salubingin siya,pero mali ata na salubungin siya dahil galit ang pasalubong nya sa akin

"Ano masaya kana?" Sigaw nya

"Nasasaktan ako Kiro" daing ko ng hawakan nya ng mahigpit ang braso ko "please Kiro bitawan mo ako nasasaktan ako"

"Talagang masasaktan ka sakin! Wala kana ibang binigay sakin kung hindi pahirap" patuloy na pag sigaw nito sakin "tangna naman Crisha, hindi ka paba masaya napaghiwalay mo kami ni Hilarry? Ngayon ang Empire nawala dahil na naman sayo?!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo Kiro,maniwala ka hindi ako nagsumbong sa magulang mo"

"Hindi ako naniniwala sayo, magaling ka na sinungaling kaya bakit ako maniniwala sayo?" Ngumisi ito at this time panga ko na ang hinawakan nitong mahigpit "tutal magkakasama na tayo sa iisang kumpanya, be ready Crisha dahil hindi pa dito sa bahay na ito ang paninirahan mo sa impyerno" madiin na sabi ni Kiro bago nya ako bitawan

Nang makaakyat siya saka ko naman naibuhos ang naiipon na luha sa aking mga mata

Hindi ko naman ginusto mangyare lahat ng ito...

His WifeWhere stories live. Discover now