Kabanata 2

2.5K 57 0
                                    

Hi guys! Please don't forget to tap the star ⭐ THANK YOU!

--
Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Monterey sa magulang ni Kiroshi, kaninang umaga kasi tinawagan ako ni Papa Kiel para kausapin ng personal kaya dito nya ako pinapapunta

Napatayo ako ng makita ko na ang mag asawang Monterey bumababa "maganda araw po" bati ko, agad ako nilapitan ni mama Yolanda ng makababa ito at bumeso

"Hija,nice to see you again dito sa bahay. Buti nakapunta ka"masayang bati nito, "tara sa hapagkainan nakahanda na ang pagkain" yaya nito at pumunta na kami sa dinning area nila

"Kamusta na ang asawa mo?" Agad na tanong ni papa ng makaupo kami "Bakit hindi siya sumama sa pagpunta?"

"P-pasensya na po papa,may importante po kasi siya pupuntahan kaya kailangan nya unahin daw yon" magalang na sagot ko

"Baka naman babae na naman yan pinagkakaabalahan niya? Hindi paba siya magtitino?" Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa seryosong sabi ni papa "kasal na siya pero kung mambabae akala mo binata pa"

"Hon,stop nasa harap tayo ng pagkain mamaya na yan ganyan usapin" pigil ng asawa sa kanya

Nang matapos kami sa pagkain agad kami pumunta sa opisina ni papa para mag usap

"Ano po ba ang pag uusapan natin papa?" Magalang na tanong ko rito

Umupo ito sa kanyang pwesto dito sa opisina nya saka sya sumagot "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Crisha, this year I expecting grandchild from you and my son" nagulat naman ako sa gusto nito

"Pero papa Kiel hindi po madali yung hinihiling nyo,alam nyo naman po ayaw sakin ng anak niyo po"

"Alam ko, that's why you should make a move para magkaanak kayo ng anak ko"

Paano ko gagawin yon? Halik nga ayaw ng anak nya gawin sakin,pati pagyakap makipag talik pa kaya?

Demanding lang papa?

Napabuntong hininga ako "pero hindi po talaga madali ang gusto niyo na apo papa dahil alam niyo naman po gaano kagalit sakin si Kiro"

Hindi sekreto ang pagkakadigusto ni Kiroshi sakin sa magulang nya,dahil pinapakita niya talaga sa mga pamilya niya na pagkamuhi nya sa akin

Kaya di na ako nagtataka kung bakit ayaw sakin ng dalawang pinsan niya na babae, dahil para sa kanila sinira ko ang magandang pangarap ng paborito nilang pinsan

"Hindi po ako nangangako sa gusto niyo mangyare" tumango ito

"I understand Crisha,and one more thing kaya kita gusto makausap remember yung hiniling mo sakin bago kayo ikasal ng asawa mo?"

"Tito Kiel pwede po ba ako humingi ng pabor sa inyo?" Magalng na tanong ko sa ama ni Kiroshi

Sinabi ko noon wala na ako pakialam sa mga magulang ko pero mali ako, kahit siguro ano mangyare magulang ko pa rin sila at gusto ko sila makita. Gusto ko pa rin sila makita para maitanong anong mali sa akin kaya nagawa nila akong iwan nagawa nila akong saktan ng ganito

Ito kasi isa sa mabibigat sa dibdib ko, siguro kailangan ko sila mahanap at makausap,para mawala yung sakit nararamdaman ko. At tatanggapin ko ang lahat mangyayare kung tatanggapin nila ako o hindi pa din

"Gusto ko lang po sana matulungan niyo ako mahanap ang nanay ko" lagat labi na sambit ko "5 years old pa lang po ako ng iwan ako ni nanay sa bahay ampunan hindi ko po tanda na ang mukha niya pero tanda ko po pa rin ang pangalan niya Trisha,Patricia Salcedo po" tumango si tito

"Titignan ko ang makakaya ko para mahanap ang mother mo"

"Salamat tito Kiel, sana po malaman niyo din kung sino sino ang mga malalapit kay nanay bago kami mapunta dito sa bahay ampunan sa ganun po baka may malaman ako sino ang ama ko" niyakap ko ito

"Saka kana magpasalamat kapag nagawa ko na ang pabor mo, and you should call me daddy or papa what ever you want to call me. Ikakasal na din naman kayo ni Kiro sa pangalawang araw"

"May nakuha na ako impormasyon about sa nanay mo" bumilis ang tibok ng puso ko sa hatid na balita ni papa Kiel "Here,take a look" may nilapag ito na folder sa ibabaw ng mesa nya

Nanginginig na kunin ko ito at binuklat "base sa nakuha ko,naninirahan ang nanay mo sa Bataan 16 years ago na" panimula ni papa "nanjan yung address na tinirhan niya, 4months ago na walang tao jan sabi ng investigator ko dahil pumunta daw ng probinsya ang nakatira" tumango ako

"Salamat papa"

"You always welcome hija"

Matapos ko makausap si papa,nagpaalam na ako para umuwi sa bahay namin ni Kiroshi. Nasa bahay na siya ng makauwi ako

"Ano na naman ang ginawa mo pag sipsip sa magulang ko?" Masungit na tanong niya maabutan ko siya umiinom ng alak nasa lata sa sofa

"May pinag usapan lang kami imprtante ni papa Kiel"

"Tsk! Magluto kana ang tagal tagal mo kanina pa ako nagugutom"

"O-oo pasensya kana" nagmamadali ako pumunta sa kusina para maghanda ng pagkain para kay Kiro, tamang tama din kasi at oras na ng hapunan

Lumipas ang isang oras tapos ko na maluto ang ulam at sinaing kaya naman agad ko siya tinawag para kumain na

"Handa na ang hapunan"

"Pasensya kana anong oras na ako nakauwi,medyo traffic kasi" sambit ko dito makaupo ito at magsimula maghaing sa sarili

"Wala ako pake,magsasaya na sana akala ko di kana uuwi" nakaramdam ako ng sakit sa binigkas niya

Wala talaga siya pkialam kung umuwi ako o hindi

"Umalis kana at baka mawalan pa ako ng gana" pagtataboy nito

Kinabukasan naghanda na ako ng almusal at nag ayos para sa pag pasok ko sa opisina

Naalala ko ngayon araw din pala ni Kiroshi sa kumpanya na pinapasukan ko bilang siya na ang magiging President namin

Tinakpan ko na lang mga hinanda kong almusal para kay Kiroshi saka na ako umalis dahil commute lang ako at baka maabutan pa ako ng rush hour edi late ako

Hb na naman asawa ko sakin, alam ko naman kasi ayaw nung sa mga tamad na tao at laging late sa trabaho. Pero siya itong tamad na tao at late lagi pumasok, sabagay boss naman daw kasi siya

"Huy Crisha buti di ka late, early ka ng 5mins. Congratulations" pinalo ko sa braso si Kaye

"Ikaw talaga, akala ko nga malelate ako dahil may aksidente pa along the way papasok ko"

"O siya, ready kana dahil ilang minuto na lang din dadating na si Mr.Alcasid kasama yung bagong President na asawa mo"

"Wag ka masyado maingay"

Wala naman kasi masyado nakakaalam na ako ang asawa ni Kiroshi, tanging pamilya at mga kaibigan lang namin. Pero alam ng ibang tao na kasal na ang isang millionaryo na si Kiroshi sa unknown person,lakas ko naman maka celebrity

After ilang mins dumating na din dila Mr.Alcasid kasama syempre si Kiroshi at may iba pa silang kasama

"Everybody meet Kiroshi Monterey siya na ngayon ang magiging bagong President niyo dito sa kumpanya" sabay sabay namin siya binati

"And this is Trinity Buenaventura our one of investor and her father Joem Buenaventura" binati din namin sila mag ama

Grabe ang ganda naman ni Trinity halatang halata ang pagiging anak mayaman niya, napatinggin din ako sa ama niya na ngayon kausap si Mr.Alcasid at saka umalis na sila para pumasok sa loob ng opisina na ngayon ni Kiroshi

"Tara na girl back to work na" tumango ako kay Kaye at pumunta sa cubicle ko

Si Trinity kaya may something din ba sa kanila ni Kiroshi? Iba din kasi ang paghawak niya sa braso nito, at di na din ako magtataka na patulan ito ni Kiroshi

Maganda,sexy at mayaman

Naiisip ko pa lang sumasakit na ang dibdib ko

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon