Kabanata 12

1.2K 38 4
                                    

Dalawang araw na lumipas simula nakalabas ako s hospital, hindi ko na muli nakita si Kiroshi pero okay lang baka kasi pag nakita ko siya bawiin ko lahat ng sinabi ko

Si Kaye lang ang tanging sinabihan ko tungkol sa naging desisyon ko,alam ko naman mapagkakatiwalaan ko siya at masaya ito sa naging desisyon ko

"Aksidente lang pala solusyon para matauhan ka"

Naalala ko pa sabi nito ng ipaalam ko na pinirmahan ko na ang divorce paper namin ni Kiro

Hindi na ako nakapag paalam sa magulang ni Kiroshi,paglabas ko pa lang ng hospital agad ako umuwi lang sa dating tinatawag ko na tahanan ko

Kinuha ko lang ang mga importante na gamit ko saka na ako umalis

Nagpapasalamat pa ako wala siya duon sa bahay

Huminga ako ng malalim at hinaplos muli ang puntod nasa harap ko

Patricia N. Salcedo

Sana masaya ka para sakin nay,
Sana nandito kapa para nayakap man kita.

Ilang minuto pa ako nag stay bago nagpaalam sa puntod ni nanay

"Babalik ulit ako sa susunod nay"

Dahil nandito nakalibing si nanay sa Bataan kaya bumaye pa ako makapunta lang dito

Dumaan muna ulit ako sa bahay ng kaibigan ni nanay na si tita Lea bago ako luluwas ng Manila

"Merienda ka muna" alok nito at naglapag ng makakain sa mini table nasa harap ko

"Dito ka na muna magpalipas ng araw,bukas kana umuwi tiyak pagod ka sa byahe" dahil sa nararamdaman pagod pumayag ako

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy"

"Wala yon,anak ka ni Trisha kaya di kana iba sakin"

Habang papunta ako dito naisip ko bakit hindi ko tanungin ang kaibigan ni nanay tungkol sa tatay ko

Kaibigan siya ng nanay kaya panigurado may alam ito

At panahon na din siguro para hanapin ko yung sarili ko,I mean hanapin yung totoong pagkatao ko

Kung sino ba talaga ako at sino ang tatay ko

Hindi ko kasi mabubuo ang sarili ko kung marami pang kulang sa pagkatao ko,isa na dun yung sa sariling tatay ko kung sino ba siya

"Tita pwede po ba ako magtanong?" Humarap naman ito

"Nagtatanong kana pero sige ano ba itatanong mo?"

"Kilala niyo po ba kung sino ang ama ko? Ang tatay ko?" Nakita ko natigilan ito at umiwas ng tinggin sakin

Kaya naman hinawakan ko sa kamay si Tita Lea

"Sana po magsabi kayo sakin ng totoo,kaibigan kayo ni nanay kaya panigurado alam niyo po sino ang tatay ko" aniya ko rito. "Nabasa ko na ang sulat ni nanay para sakin pero wala siyang binanggit tungkol sa totoong tatay ko"

Tumingin ito sakin kaya naman nakiusap muli ako "please po sabihin niyo po sakin kung kilala niyo,hindi ko po mabubuo sarili ko kung kulang ang pagkatao ko. Sino siya at kung buhay paba siya"

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon