Kabanata 11

2K 56 3
                                    

Nagising ako tila pasan ko ang buong daigdig,hindi ko maigalaw ang buong katawan ko ng maayos.

Everything feel so heavy

Kaya naman inikot ko ang paningin ko,nasa isang puro puting kulay ng silid ako at tila amoy alcohol ang buong paligid

Napagtanto ko nasa isang hospital ako ng makita ko ang swero nakakabit sakin

Anong nangyare? Malaking tanong ko sa sarili ko

Bakit ako Nandito?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napantingin ako kung sino ang taong pumasok

Kita ko ang gulat sa mukha nito ng makita ako gising

"Finally you're awake" bulaslas nito at lumabas pagbalik nito may kasama na itong doctor at nurse

Inalalayan ako ng dalawang nurse makaupo bahagya at saka ako chineck ng lalaking doctor

"Can you move your finger?" Tanong nito kaya naman sinubukan ko pagalawin ang daliri ko

Naigalaw ko naman ito at sunod ginawa nito nagtapat ito ng maliit na flashlight para siguro kung nakakaaninag ako ng mabuti

"Okay naman na ang pasyente,Mrs.Monterey" sabi nito kay mama na siyang pumasok dito kanina "normal lang na mabigat pa ang mararamdaman dahil sa natamo niyang aksidente"

Aksidente? Kailan?

Nag usap pa ang doctor at si mama bago ito tuluyan umalis saka kami naiwan dalawa

"Buti naman gising kana hija,I was so damn worried" emosyonal na sambit nito

"Pasensya na po ma" umiling ito at hinaplos ang pisngi ko at niyakap ako

"Sa susunod mag iingat ka,wag kang magmamaneho ng lasing" sabi nito kaya naman naalala ko yung gabi na nasa bar kami

Napangisi ako ng mapait naalala ko yon

"Buti na lang minor injury lang natamo at buti nagising kana after 2 days" dalawang araw akong tulog?

"But i have bad news to you hija,hindi ko pa ito nasasabi kay Kiro dahil di oa siya pumupunta dito simula naaksidente ka" kinabahan naman ako sa gusto iparating na balita ni mama Yolanda

At nasaktan ako ng malaman ko hindi pa dumadalaw ang asawa ko,ano aasahan ko wala naman ito pakialam sakin

Huminga ng malalim si mama saka hinawakan ang dalawang kamay ko "sorry hija but you got miscarriage"

Kung kinasakit ng dibdib ko ang hindi pagdalaw ni Kiroshi sakin may mas ikakasakit pala

At mas gugunaw sa pagkatao ko

Hindi na ako nakasagot sa balita ni mama tanging nagawa ko na lang humagulgol

"I'm sorry hija,ilang week pa lang kasi ang bata kaya mahina pa ang kapit nito kaya hindi na nailigtas pa" paliwanag pa ni mama

"Bakit?" Tanong ko sa sarili

Hindi paba kayo tapos sa pagbigay sakin ng sakit? Pati ba naman maging isang isa pinagkait niyo sakin?

Kwesyon ko sa itaas

Nagsimula na ako magwala kaya naman nagtawag muli si mama ng nurse kaya nakatulog ako ng may iturok sakin

Nang magising ako si Kaye na ang nandito kasama ko

"Umalis muna saglit si tita Yolanda para bumili ng makakain,yung father in law mo nmn on the way na daw"

Sabi nito pero hindi ko nagawa tumingin sa kanya at diretso lang ang tinggin ko sa kisame

"Y-yung asawa mo naman hindi ma kontak kaya hindi niya pa alam nangyare sayo at nangyare sa baby niyo" rinig ko sabi nito "sorry Crisha sana di na lang kita pinilit sumama sakin sa bar,hindi sana mangyayare sayo ito" lumandas naman ang luha ko sa sinabi ng kaibigan ko

Kaya naman dahan dahan ako umupo mula s pagkakahiga,na inalalayan naman ako

Tumingin ako kay Kaye "ang sakit sakit na" iyak na sumbong ko rito,niyakap naman niya ako agad

"Nandito lang ako sa tabi,tatagan mo lang sarili mo nandito lang ako"

Umiiyak na humarap ako dito "p-pwede ba ako makisuyo sayo?" Tanong ko

"Oo naman kahit ano" sagot nito kaya naman agad ko sinabi ang gusto ko ipasuyo

Maya maya pa dumating na si mama kasama na si papa,kaya nagpaalam muna si Kaye na aalis at babalik muli

Kinabukasan ng magising ako nagulat ako ng makita ko si Kiroshi nandito na,tumayo ito ng makita gising na ako saka ako nilapitan

"Kung hindi pa ako umuwi di ko malalaman nangyare sayo" ibig sabihin sa ilang araw hindi siya makontak hindi siya umuuwi ng bahay?

"H-hindi ka naman daw matawagan" tanging sagot ko na lamang

"Ano na naman ba katangahan ito ginawa mo? Wala kana ba ibang ginawa kung hindi sakit sa ulo?" Napayuko ako sa sinabi nito at lumandas na naman mga luha sa mga mata ko

Lagi naman eh.. lagi na lang ako umiiyak dahil lang sa isang tao,kay Kiroshi sa asawa ko

Pinisil pisil ko muna mga palad ko bago ko siya hinarap

"P-pasensya kana ah? Kung sa nakalipas na dalawang taon mag asawa tao wala ako ibang binigay sayo kung hindi kamalasan at sakit ng ulo" simula ko "pasensya kana kung tinali kita sa kasal na ito na hindi ka naman sang ayon na hindi ko gusto"

"Pasensya kana kung mahal kita kahit hindi mo ako mahal" umiiyak na sabi ko rito,saka tinignan siya sa mga mata "wala ako iba masabi sayo kung hindi pasensya kung sakal na sakal ko sa pagsasama natin,kung pinilit ko pa sarili ko sayo" dagdag ko "pero mahal lang talaga kita Kiroshi,kaya kahit anong sakit natanggap ko sayo physical at emotionally buong puso ko tinanggap yon kasi mahal kita kahit nakakababa ng buong pagkatao at pagkababae ko kasi mahal kita"

"Sorry kung hindi ko pinansin yung nararamdaman mo,kasi sarili ko lang nararamdaman yung pinakikinggan ko kasi ganun ako katanga pagdating sayo. Nakakalimutan ko lahat pati mahalin sarili ko" yumuko na ako dahil hindi ko na kaya titigan pa siya

"Simula bata ako gusto ko lang naman maramdaman mahalin mula sa tao na mahal ko"

Napangiti na lang ako "kaya this time itatama ko na yung katangahan at mali ko" hinarap ko ito at ngumiti kahit pilit "tama ka dapat talaga bitawan na kita,simula sa araw na ito malaya kana" kinuha ko ang envelope naglalaman ng divorce paper namin dito sa drawer nasa side ng higaan ko

"Pinasuyo ko yan kagabe kunin ni Kaye sa bahay simula ngayon bahay mo na lang,para mapirmahan ko na" pilit na ngiti na sabi ko at inabot sa kanya

"Yung pera na sinasabi mo kapag naghiwalay tayo,wag kana mag abala baka isipin mo pera mo lang din ang habol ko kaya okay lang kahit wala ako makuha mula sayo" sambit ko pa rito

Ikaw lang naman ang gusto ko pero hindi ko makuha

"S-sige na,magpapahinga na ako" magsasalita pa ito sana pero pinigilan ko at tinaboy na siya

Humiga na muli ako at tumalikod na sa kanya

Ito na yung huling iyak ko ng dahil lang kay Kiroshi, siguro tama na itong ginaw ako itigil ang kabaliwan ko

Kasi kahit anong naman gawin ko Wala din kung may mahal siyang iba

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto

Kaya naman dahan dahan ako humarap at wala na ito

Mas naglandas ang mga luha ko,at napahawak ako sa tyan

"Ang duga mo,iniwan mo din ako. Hindi mo din ba ako mahal?" Kausap ko sa hangin

Alam ko Wala itong alam sa nangyare pa sakin,kasi hindi niya naman ako sinumbatan duon

Bago umuwi ang magulang niya kagabe,nakiusap ako sa kanila na ilihim na lang kay Kiroshi nangyare sa baby

At sa tinggin ko pinagbigyan nila ako sa hiling ko na yon

Napatitig naman ako sa kisame

Ngayon ako na lang ulit mag isa,pero para sakin hindi na bago yon....

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon