Kabanata 8

2.1K 54 1
                                    

Tanghali na pero di ko pa din magawa kumilos para pumasok sa trabaho ko, pati pag asikaso kay Kiroshi hindi ko na nagawa

Patuloy pa din ako sa pagmukmok sa silid ko, ni pagsagot sa telepono ko hindi ko magawa

Gusto ko mapag isa muna,ayoko muna makipag usap kahit kanino man. Kahit sa asawa ko ayoko,dahil natatakot ako sa pwede niya sabihin sakin.

Muli tumunog ang cellphone ko nasa tabi ko pero kahit anong ingay ng tunog nito hindi ko magawa sagutin,hinayaan ko lamang ito mapapagod din ang tumatawag sakin

Namatay ito at muli nag ingay kaya wala na ako nagawa kung hindi sagutin ito kahit Wala ako kagana gana

"Shutakels ka babaita ka! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo" sigaw sa kabilang linya, si Kaye "bakit wala kapa dito sa opisina? Hinahanap ka ni Ma'am" ang team leader ang tinutukoy nito

"P-pasensya na kamo, masama kasi pakiramdam ko" mahina na sabi ko

"Okay ka lang ba? Gusto mo puntahan kita?" Nag iba ang tono ni Kaye, nag aalala na ang boses nito "pumasok asawa mo kaya alam ko wala nag aalaga sayo wala nmn kayo kasambahay para may makasama ka" dagdag pa nito

Buti pa si Kiroshi,nagawa pumasok sabagay ano aasahan ko? Hindi ito nalulungkot dahil nga siya ang may kagustuhan hindi naman ako

"Okay lang ako Kaye,wag ka mag alala." Nakangiti na sabi ko kahit hindi niya nakikita ang ngiti ko "inom ko lang ito ng gamot,magaling na ako"

"O siya,magpagaling ka ah? Ipapaalam ko na lang sa tl natin, gin kalamansi inumin mo panigurado magaling ka agad kahit ubo mo" sabi nito may kasamang biro

"Ikaw talaga,salamat"

Sumapit ang gabi pero nandito pa din ako sa aking silid nagkukulong,walang kain kahit pagligo hindi ko nagawa

Napapitlag naman ako may malakas na kumatok at marahas binuksan ang aking pinto

Kiroshi

"Stop this Drama Crisha" galit na sabi nito "hindi pwede maging ganito ka na lng!" Sigaw nito "tanggapin mo na lang ang katotohanan"

Lumapit ito at may hinagis sakin na browm envelope"sign that divorce paper,sa ganun makapag simula tayo pareho at makasama ko na si Hillary"

Madali lang mawalan bisa ang kasal namin kung tutuusin,dahil hindi naman kami dito kinasal sa pilipinas kung hindi sa Canada.

"Bahala kana sa buhay mo,pero wag kang mag alala may makukuha ka naman pera kapag naghiwalay tayo 3 million" seryoso na sabi nito "if that's not enough just tell me the price you want"

Nanginginig na binuksan ko ang envelope at kinuha ang laman nito,napaluha na lang ako muli ng makita ko may pirma niya na ito

"K-kiro please pag usapan muna natin ito" pakiusap ko pero bingi lang ito at umiling sakin

"Wala na tayo ibang paguusapan kung hindi pirmahan mo yan,at mawala kana sa buhay ko" at umalis na ito sa aking silid

Umiiyak na niyakap ko na lang ang divorce paper

Hindi ko kaya,hindi ko kaya mawala si Kiroshi

Ganito ba talaga magmahal? Masakit?
Ang gusto ko lang naman mahalin niya ako,bakit sa dalawang taon wala sa buhay namin si Hillary hindi niya ito makalimutan at nagawa ako mahalin? Bakit? Ginawa ko naman lahat

Kahit masakit sakin hinayaan ko maging alipin ako dahil mahal ko siya, hinayaan ko gawin lahat ng gusto niya kahit labag yon sa loob ko at nakakababa ng pagkatao ko, pero bakit? Bakit hindi niya ako nagawa mahalin

Bakit si Hillary pa rin!?

Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko

Tangna puso ito

Kinabukasan pinilit ko ipaghanda si Kiroshi ng agahan,pero hindi na tulad ng dati kahit kimumuhian niya ako kinakain niya ang hinahanda kong pagkain at iniinom ang kape na hinahanda ko

Ngayon wala ito lingon lingon na umalis na lamang

Kaya naman mabigat sa loob na niligpit ko na lamang ang mga hinanda ko at inayos na ang sarili para makapasok sa opisina

Bago ako lumabas ng aking silid napatinggin ako sa envelope nasa side table ng kama ko, kahit anong mangyare hindi ko pipirmahan ang papel na pwede makapaghiwalay samin ni Kiroshi

Tanga na kung tanga o baliw na kung baliw pero sa kin lang si Kiroshi

I'm His Wife kaya gagawin ko lahat para mahalin niya lang ako at makalimutan si Hillary

Akin lang si Kiroshi kaya gagawin ko lahat para sa kanya,hindi ko sasayangin ang dalawang taon sinakripisyo ko para sa kanya

Nababaliw na ata talaga ako pero mahal ko lang talaga si Kiro kaya hindi ko kaya mawala siya sakin

Iniwan na ako ni nanay,wala akong tatay na kinilala wala akong kapatid o pamilya na kilala. Tanging si Kiroshi na lang ang meron ako kaya hindi ako papayag mawala siya sakin

Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya tulad ng sabi ni nanay sa sulat, hindi ako magpapakaduwag ipaglalaban ko si Kiroshi

Sumama man ang tinggin sakin ng lahat wala na ako pakialam,mas magalit man siya hindi ko na papansinin yon dahil ano ba bago? Matagal naman na siyang galit sakin,masama ba magmahal?

Masama ba ipapaglaban ko ang nararamdaman ko?

I will do everything to make him fall in love with me, because I'm his wife

Pumasok na ako at usual si Kaye agad ang unang sumalubong sakin

"Buti naman nakapasok kana girl" sinundan pa ako pagpunta ko ng cubicle "okay kana ba?' tanong nito

Tumango naman ako

"Oo sabi sayo iinom ko lang ito ng gamot gagaling na ako"

"Echos ka sana kahapon mo ginawa para nakapasok ka" irap nito "huli ka tuloy sa balita"

"Ano ba baon na balita mo?" Tanong ko rito

"Well may iba lang naman kasama asawa mo" napaupo naman ako ng tuwid dahil sa sinabi nito "hindi ito si madam Trinity"

"Sino? Sino kasama ni Kiro?" Mahinang tanong ko

Tumingin ito at bumuntong hininga "si Hillary ang kasama ng asawa ko kahapon,matagal ito nag stay sa loob ng opisina dahil sabay din sila umalis" nadurog ang puso ko sa balita nalaman ko

Wala paba mas sasakit pa?

"Bumalik na pala yung dati mong kaibigan,at mukhang nagkabalikan sila ni Kiro" mahina na sabi nito

"Hiwalayan mo na kaya si--" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng pahintuin ko ang sinasabi niya

"Bumalik kana sa pwesto mo" taboy ko rito "madami ako naiwan na trabaho sige na busy na ako"

"Crisha gus--"

"Hindi mangyayare ang gusto mo sabihin, akin lang si Kiro ako lang asawa nya" inikot ko ang upuan ko para di ko na makaharap si Kaye

Alam ko gusto nito sabihin,pero tulad ng sabi ko gagawin ko lahat hindi lang matuloy ang paghihiwalay namin ni Kiro

---
Sorry lame and iksi ng update,bawi na lang ako next chap..

His WifeWhere stories live. Discover now