Kabanata 7

2.2K 50 2
                                    

Hillary bigkas ng utak ko sa pangalan ng babae na ngayon kasama ng asawa ko sa kanyang silid

Bakit? Bakit siya ang naghatid kay Kiroshi na lasing na lasing? Bakit magkasama sila?

Kailan pa?

Sunod sunod na tanong sa isipan ko, tumayo na ako para sundan sila ni Kiroshi pero tangka ko pa lng na pag akyat ay natigilan na ng pababa na ng hagdan si Hillary

Maganda ang postura nito, ibang iba sa Hillary na simple lang noon

Ngumisi naman ito ng makita ako "Nandito na pala ang mabutihing asawa ni Kiro" ngising sabi nito,tuluyan na ito nakababa at mataray ako na tinignan

"Masaya ba Crisha buhay mo? Masaya kaba dahil naagaw mo si Kiro sakin?" Tanong nito

"Bakit magkasama kayo?" Imbes na sagutin tinanong ko ito

Natawa naman ito sa tanong ko na para sa kanya ay napakalaking biro na tanong

"Tinatanong paba yan Crisha? Obviously magkasama kami kasi alam mo bakit? Dahil isang tawag ko lang sa sinasabi mo na asawa para na itong aso nauulol para puntahan ako agad" nakangisi muli na sabi nito "anong akala mo? Porket pinakasalan ka niya mamahalin ka niya? Well news for you Crisha ako ang mahal ni Kiro kasal man kayo ako ang mahal niya at hindi mo mababago yon" dinuro pa ako nito sa balikat at sintido

"Isaksak mo sa kukute mo,pinakasalan ka lang niya dahil sa magulang niya at dahil mang aagaw ka. Pero ako pa rin ang mahal niya" saka ito umalis at binangga ako nito sa balikat

Nakatalikod pa din ako kay Hillary ng maramdaman ko huminto ito sa paglalakad palabas ng bahay

"Let me remind you Crisha or maybe babalaan na lang kita" kaya hinarap ko ito "kung ako sayo iready mo ang sarili mo? Alam mo bakit? Dahil hindi matatapos ang buwan na ito iiwan ka ni Kiro at makikipag kalas na siya sa walang kwentang kasal niyo" hindi pa din nawawala ang ngisi nito at tuluyan na ito tumalikod para umalis

Pabagsak na napaupo ako sa sahig at humagulgol

Alam ko naman hindi ako mahal ni Kiro,pero masakit talaga kapag pinagmumukha ito sayo lalo ng ibang tao pero mas masakit na talaga siguro kapag yung mismong tao na magsabi sayo

Kinabukasan kahit masakit at maga ang mata ko s apag iyak maaga pa din ako gumising para ipaghanda si Kiroshi ng agahan

"Good morning" agad na bati ko ng pumasok na ito dito sa dinning "magkape ka muna,para mawala hungover mo" nakangiti na alok ko,agad ko naman ito pinag sandukan ng kanin at ulam

"Let me,kaya ko na"

"Hindi ako na bahala,hayaan mo na ako" iling na sabi ko dito at tuloy sa pag asikaso sa kanya

"Papasok kaba today? Or dito ka na lng magwork sa bahay?" Tanong ko rito

"Papasok ako sa company" tumango naman ako sa sagot nito, nailang naman ako sa pagtitig nito sakin "I have something important to tell you" seryoso sabi nito after ng ilang minutong katahimikan

Nakaramdam naman ako ng kaba,kaya naman agad ako umiwas ng tinggin sa kanya

"Ahm.. sige mamaya na lang,ipaghahanda ko na susuotin mo sa trabaho" utal at hindi mapakali na sabi ko,handa na ako lumabas ng hapag ng pigilan ako nito sa paghawak sa kamay ko

"Let's talk Crisha, kailangan natin mag usap ng masinsinan" napakagat labi naman ako at binawi ang kamay ko

"Mamaya na lang,sige asikasuhin ko na susuotin mo sa work at magaasikaso na din ako ng sarili ko" nagmamadali na lumbas na ako at umakyat

Pagakyat ko napaupo ako sa huling baitang ng hagdaan dahil sa paghihina

Hindi ko kaya marinig ang sasabihin ni Kiroshi,lalo na kung tungkol sa paghihiwalay ito

His WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang