Kabanata 3

2.3K 56 1
                                    

"Girl pinapatawag ka ni Ma'am Ina sa cubicle nya" si Ma'am Ina ay Team Leader namin dito sa department namin,tumayo naman ako agad at pinuntahan ang cubicle ni Ma'am

"Yes ma'am? Pinapatawag niyo daw po ako"

"Yes Ms.Salcedo, ito yung mga dapat mong gawin then after that ipunta mo sa opisina ng President para ma approve" tumango naman ako at kinuha na ang mga dokumento pinapagawa at bumalik na sa cubicle ko

Matapos ko gawin ang mga pinagawa sakin huminga na ako ng malalim at nagsimula pumunta sa tapat ng opisina ni Kiro

Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, "Ano sadya mo kay Mr.President?" Bungad na tanong ng lalaking secretary ni Kiroshi

"May ipapa approve lang ako" magalang na sagot ko, tumango naman ito

"Sige wait lang" maya maya bumalik ulit ito at sinabi pwede na ako pumasok

Pagpasok ko pa lang sa opisina niya nadudurog na naman ang puso ko sa nasaksihan ko,akala ko nakaalis na ito? Bakit nandito pa din si Ma'am Trinity? Masaya ito nakikipag usap kay Kiro sa asawa ko

"I think I need to go for now" biglang paalam nito sa asawa ko ng makita ako,tumayo na ito at kinuha ang bag "Thanks for today Kiroshi,maybe see you later at dinner?" Tumayo na din si Kiro at nilapitan siya

"Okay,see you later Trinity" mas masakit pala, mas masakit pala kapag nakita mo siya may kahalikan iba

Nang maghiwalay ang mga labi nila duon na tuluyan nagpaalam ang babae

"What do you need?" Malamig na tanong nito at bumalik sa pagkakaupo, hindi ako makatinggin ng maayos sa kanya dahil sa nasaksihan

Mas masakit pala na makita harap harapan yung pambabae niya

"A-ahh.. uhm.. ano, pinapa approve ni Ma'am Ina" nauutal at natataranta na sabi ko at lapit sa kanya para maibigay ang mga folder "na revised ko na lahat yan kaya pwede mo icheck bago mo aprubahan"

Binasa niya ito at kita ko ang pagtaas ng kilay niya,pahagis na binalik niya ito sa mesa "ulitin mo"

"Huh?"

"Do I need repeat myself?" Umiling agad ako "ulitin mo dahil ang panget ng konsepto mo"

"Ganun ba? S-sige,uulitin ko na lang"
Kinuha ko ang folder at bahagya niyakap ito sa dibdib ko

"Sige Ki--Sir, babalik na lang po ako ulit" tumalikod na ako para lumabas pero napahinto ng may naalala kaya hinarap ko ulit siya

"Ahh.. uuwi kaba mamaya? Para alam ko kung ihahanda kita agad ng hapunan" napataas ang kilay nito kasabay ng pag ngisi niya

"Narinig mo naman siguro? Hindi ka naman bingi kanina para hindi marinig may Dinner ako kasama si Trinity"

"Oo nga pala,sige pasensya na" nagmamadali na ako umalis sa opisina niya at bumalik sa pwesto ko

"Bat namumutla ka girl?" Puna ni Kaye ng makita niya ako,agad naman ako umiling "wala,mainit lang siguro" sagot ko

"Charot ka lamig lamig ng opisina,may ginawa na naman asawa mo sayo noh?" Mapanghusga na sabi niya

"W-wala,sige na may pinapaulit pa siya sakin"

"Jusko naman,pahirap na nga sa bahay niyo pati ba naman dito" iling na sabi niya saka siya bumalik sa pwesto

Sumapit ang uwian agad na ako nag ayos ng mga gamit ko para makauwi na agad, wala na din si Kiroshi nauna na umalis pero nasa pwesto pa din ang secretary niya kaya iniwan ko na lang dito ang ipapa approve ko na dokumento

Palabas pa lang ako may humarap agad sa daanan ko

"Hi Ganda" napaikot agad ako ng mata sa taong humarang sa daanan ko

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon