Kabanata 6

2.3K 53 0
                                    

Masasabi ko napakasaya ko, isang linggo na simula ng umpisa namin ni Kiroshi ang set up na ito

Sa Dalawang taon namin pagsasama bilang asawa ngayon lang ako nakapag pahinga sa pananakit niya sakin

Hindi niya na ako sinasaktan kahit mainit ulo niya dahil sa trabaho, nung hindi pa nmin inuumpisahan ito kapag mainit ulo niya o may kagalit siya sakin niya binubuntong ang lahat

Hindi niya na din ako sinisigawan pero masungit pa din siya

Okay na yung ganito atleast alam ko nmn siguro sinusubukan niya talaga maayos kung ano meron samin

Isa sa pinakamasaya sakin sabay na din kami kumakain, sa pag uwi sabay na din kami pero wala pa din dapat makaalam tungkol samin sa kumpanya

"Nakaayos kana pala" pansin ko s akanya ng makita ko siya pababa na ng hagdaan at ptungo dito "tara kain na tayo bago umalis"

"May importante ako meeting,mauna na ako sayo" nagmamadali nito na sabi pero bakas pa rin sa mukha nito ang normal na seryosong mukha niya

"Ganun ba? Sige" malungkot man pero wala ako magagawa dahil meeting yon at importante

Makapasok ako ng opisina si Kaye agad ang sumalubong sakin na palagi naman "Good Morning" nakangiti na bati nito

"Kamusta? Any improvement?" Mahinang tanong nito sinundan pa ako nito sa pag upo ko sa pwesto ko

Dahil si Kaye ang kaibigan ko siya lang din tanging nasasabihan ko ng lahat

"Oo?" Hindi sigurado na sagot ko "siguro" buntong hininga na dagdag ko

"Di ka sigurado?" Taas kilay na tanong nito

"Ganun pa rin naman siya eh.. nabawas lng yung pagiging mainit ng ulo niya,pag sigaw at pananakit pero yung treatment niya ganun pa din tahimik" napailing ito sa sagot ko

"Tsk!" "Nasaan siya ngayon? Ikaw pinauna bago siya? Diba sa one week na pagsabay niya sayo siya mauuna bago ikaw makarating?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kaye

"Hindi pa siya pumapasok?" Takang tanong ko

Umiling ito "bakit? Nauna ba siya sayo?" Tumango ako

"Nauna siya dahil may meeting siya"

Agad naman ako tumayo at pumunta sa opisina ni Kiro,naabutan ko dun ang sekretary niya na lalaki

"Excuse me? Nanjan ba si Mr.Monterey?" Magalang na tanong ko rito,nagpaalam naman ito sa kausap sa telepono bago ako harapin

"Good Morning,as of now wala pa si Mr.Monterey late ata siya makakapasok" nakangiti na sagot nito,kaya kumunot ang noo ko sa taka

"Ganun ba? Pwede ba matanong kung may meeting siya ngayon araw" nagtataka man na tinggin binigay nito sakin sinagot pa rin naman ako

"Actually yes meron dapat kaso cancelled ang meeting with Mr.Alton,kaya no schedule meeting today si Mr.Monterey" sagot nito "may tanong ka paba?" Umiling ako saka nagpasalamat

Kung wala siyang meeting bakit sinabi niya sakin may importante siya na lakad at meeting ito?

Napangisi na lang ako ng mapait ng mapagtantu ko na kahit inaayos namin kung ano meron samin ngayon,may mga bagay pa rin siya hindi sasabihin sakin

Hindi pa rin asawa ang tinggin niya sakin,pero okay lang isang linggo pa lang naman ito set up namin. Magbabago pa naman siguro at maayos namin ito

Pero kailan?

Gabi na at nandito na ako sa bahay hinihintay si Kiroshi,tapos na ako magluto ng hapunan pero hindi pa din siya umuuwi. Hindi nga din siya pumasok sa opisina

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon