Hello, Aliana Latorre, ito na po! 😊
----
IT'S Sunday. Family day. Veliganio and Cabral family members were gathered in Veliganio's house. Mula nang ikasal sila ni Alford ay ilang beses na lang siyang nakasama sa salu-salo ng pamilya.
Minsan kasi ay nagpupunta sila ng bahay ng magulang ni Alford at sa sama na rin ng loob sa mommy at daddy niya dahil sa pagpilit sa kanyang ipakasal kay Alford kaya hindi muna siya nagpupunta kahit inimbitahan sila. Pakonsensiya ba at baka sakaling bawiin na siya ng magulang niya.
Ang kanyang Tita Tanya, Tito Seg at si Tres ay naririto rin.
"Wala pang laman ang tiyan mo, Lyca?" Nag-angat ng mukha si Lyca mula sa pagkakayuko sa kanyang pamangkin na sinusubuan niya. Nakaupo sa tabi niya ang tatlong taong gulang na anak na babae ng kanyang Ate Leila. Kasalukuyan silang nasa hapag kainang at nagsasalo-salo sa pananghalian.
"Meron. Itong kinakain natin." Inikutan siya ng mata ng kapatid na nakaupo sa tabi ng sariling anak. Nasa kaliwang bahagi nito ang asawa at panganay na anak habang ang bunso ay nasa yaya.
Limang taon ang panganay na anak ng kanyang kapatid, isang lalaki at ang bunso ay isang taong gulang naman, lalaki rin.
"Oo nga naman, Lyca, wala pa ba?" Senigundahan ng kanyang inang si Sara ang tanong.
"Mi, si Kuya Jufred po muna ang kulitin niyo sa bagay na 'yan. I'm just turning twenty-one next month. Thirty is my ideal age to have babies." Biglang naubo si Alford na katabi niya. Agad nitong kinuha ang baso ng tubig at uminom.
Nagpunas ito ng bibig gamit ang cloth napkin.
"Sobra naman yata 'yon. I'm already forty by that time. Magmumukha na akong lolo ng magiging anak natin niyan, eh." Alford reaction generated laughs from everyone.
"A hot grandpa!" Lyca giggled.
Alford displayed his poker face.
"Huwag naman ganyan," reklamo nito."Okay, twenty-five."
"Next month," ungot nito habang may pilyong ngiti sa labi. Mabilis siyang umiling.
"Ayaw pa!" Muli niyang ibinaling ang atensiyon sa pamangkin at pinagpatuloy ang pagpapakain dito. She heard Alford released an audible sigh.
"Lyca, I guess--" agad niyang pinutol ang sasabihin ng ina at iniliko ang usapan sa iba.
"You know what, Mi, kuya Jufred sent me his picture last night. May kasama siyang magandang babae. I think she was his flavor of the month. But she is so pretty. Her name is Mhelanie." Ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa anak. She's not ready!
"Can I see that picture?" Si Falcon na nasa kabilang bahagi ng mesa katabi ang ama nito. Nakakunot ang noo ng pinsan na para bang may nasabi siyang hindi maganda.
"Okay. Later."
"That bastard! Hinihingan ko ng latest picture ni MM kagabi wala pa raw." Iritadong usal ni Falcon saka ipinagpatuloy ang pagkain. Muling tumingin sa kanya ang pinsan habang ngumunguya.
BINABASA MO ANG
Fatal Attraction 1: Down And Dirty (Published Under Red Room)
General FictionLYCA fucked up Alford's reputation, and Alford did the same to her life. It's too late when she realised that she messed with the wrong person. Malay ba niyang gaganti ang lalaki sa ginawa niyang kalokohan dito...