Chapter 24

314K 7.5K 1.5K
                                    

Hello, Olive Roxas, happy birthday! Smile always! I❤U

----

MALAYANG napagmasdan ni Lyca ang mukha ng lalaki habang nakasakay siya sa matikas nitong kabayo. Patagilid siyang nakaupo sa harapan nito. Nakayakap ang isang braso niya sa matipunong katawan ng lalaki  habang ang isang kamay ay sa braso nito nakahawak. Nakadikit ang gilid ng mukha niya sa hubad nitong dibdib. His hairy  chest tickled  her cheek.

Naiilang siya pero wala siyang magawa. Sa tuwing gagalaw kasi siya kumikiskis ang hita niyang may sugat sa saddle at nasasaktan siya. Ang tulin din ng takbo ng kabayo. Hindi na sana niya gustong  maghatid pero matigas ang ulo ng lalaki.  Basta na lang siya nitong pinangko at isinakay sa kabayo.

His face seemed familiar. Parang may katulad ang  feature ng mukha nito.

The man looked down  at her and a wolfish grin pulled  the corner of his lips
 

"Nandito na tayo, miss. Sarap na sarap ka, ah?" nanglaki ang mata niya at itinulak ito pero siya naman ang kamuntikan mahulog. Mabuti at maagap ito. Agad siyang nahawakan. Nasa tapat na pala sila ng mansiyon at nakahinto na ang kabayo. Bumaba ang lalaki saka inalalayan siyang bumaba. Hindi siya nito hinayaang makababa ng tuluyan sa lupa. Nanatili siyang buhat nito -- one arm under her legs and the other supporting her back like a groom carrying his bride.

"Ibaba mo na ako rito, King Hambog!"  Tumaas lang ang sulok ng labi nito saka humakbang papasok ng mansiyon.  Boses agad ni Mira ang sumalubong sa kanila.

"Hala, ano ang nangyari sa 'yo, Ma'am? Kanina pa nag-aalala sa 'yo si Sir Alford. Hinahanap ka na! Bakit kayo magkasama--"

"Kumuha ka ng first aid kit, Mira," King Hambog cut Mira off. Kilala nito si Mira. Hindi naman iyon kataka-taka dahil taga rito lang din naman ito pero ang presko talagang magsalita. Kung makapag-utos akala mo siya ang boss. Dinala siya nito sa salas at inihiga sa mahabang sofa.

"Charles?" Boses iyon ni Senyora Celestia na pababa ng hagdan. 

"Mabuti't naparito kang bata ka-- Lyca, ano ang nangyari sa 'yo at ganyan ang itsura mo?" gulat na tanong ng senyora nang mapansin siya sa sofa na mukhang basang sisiw. 

"Nahulog siya sa batis. Kasalanan ko." Si King Hambog ang sumagot.

Hinawi ng lalaking tinawag na Charles ni Senyora ang polong nakatakip sa hita niya. Suminghap ang matanda nang lumantad ang malaking sugat ni Lyca. Iniiwasan niyang makita iyon dahil nanginginig ang buong katawan niya sa takot.

"Kanina ka pa hinahanap ng asawa mo. Marahil sa puntong ito ay hinahalughog na ang buong hacienda kasama ang mga bodyguards  at iba pang  tauhan. Diyos ko! Muntik na niyang pagsusuntukin ang mga bodyguards  mo sa galit."

Umungol siya nang makaramdam ng kirot. Nagmamadaling bumalik sa salas si Mira dala ang first aid kit at inilapag iyon sa center table. 

Binuksan iyon ni King Hambog at kinuha ang  alcohol. Sumasal ang tibok ng puso niya nang makita ang alcohol. Alcohol. Ito ang dahilan kung bakit siya na-trauma sa sugat. Nag-squat si Charles sa gilid ng sofa at mas hinawi ang polo dahilan para lumatad ang kanang pigi niya.

"Hoy, ano ang gagawin mo. Ayaw ko ng alcohol. Agua Oxigenada  is better than that!" She panicked as she covered the deep scrapes  with her palm.

"Mas mabuti kung ito ang ilalagay para matuyo agad ang sugat."

"Pero--- ahhhh! Malakas na sigaw ni Lyca ang umalingawngaw sa buong mansiyon na ikinasinghap ni Mira at Senyora Celestia. Ngumiwi naman si Charles. Bigla na lang nitong binuhusan ng alcohol  ang sugat niya.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon