Chapter 25

360K 7.1K 968
                                    

"NAGKAROON ng relasyon si Papa at Monica."

"God!" Lyca's eyes still wander on the paper she was holding. Nasa mukha ang matinding pagkabigla. Kahit naman sino ganyan ang magiging reaksiyon dahil katulad niya ay sobra rin siyang nagulat nang sabihin ito sa kanya ng kanyang ama.

"How?"

"Me, Monica and Charles were bestfriends. Bata palang kami ni Monica hindi na niya itinago ang matinding paghanga kay papa. Monica wanted a man like him. Iyon ang lagi nitong sinasabi. Kung magkakaroon siya ng asawa ay lalaking katulad ni papa ang gusto niya. Hindi ko naman akalain na lalalim ng gan'on ang paghanga nito kay Papa. I thought it was an admiration of a daughter for a father. My father has all good qualities of a great father, and a husband, lalo na pagdating sa mga kapatid kung babae. He treated my sisters like real princesses. He does everything in his power to keep the family safe. He shows love and respect and lived totally faithful to my mother. At iyon ang kinaiingit ni Monica. Lumaki kasi si Monica na may amang lasenggero, sugarol, babaero at sinasaktan pa sila ng nanay niya. There was an incident na iniligtas ni papa ang mag-ina mula sa matinding pananakit ng ama at ipinakulong ang ama ni Monica. My family helped Monica and her mother but her mother died due to colon cancer. Namatay naman sa riot ang ama ni Monica."

Alford suddenly felt the rush of sadness at the memories. Awang-awa siya kay Monica nang mga panahon na iyon. Wala itong kamag-anak sa Sta. Barbara dahil hindi naman talagang tagarito ang pamilya ni Monica. Dayo lang ang mga ito sa bayan ng Sta. Barabara. Tinulungan ng pamilya niya na makapag-aral si Monica. Katulong noon sa mansiyon ang nanay ni Monica.

"Six years ago, Monica went to Manila and stayed in our house for a vacation. One night papa came home in his drunken stupor, only Monica was in our house with maids. I don't know where I am that time, but my mother and my grandparents were on vacation that time. Monica took care papa and. . . Ayon may nangyari sa dalawa. Her feelings for my father deepened when she lost her virginity to him. Nagpatuloy ang secret affair ng dalawa hanggang sa mabuntis si Monica. Si Monica na mismo ang lumayo at hindi alam ni papa na nagdalang tao ito. She was about to tell papa about the child pero minsang magpunta si Monica sa bahay at si mama ang nakausap, at noon raw siya tinamaan ng konsensiya. Noon niya na-realize kung gaano kabuting tao ang niloloko niya at sasaktan. Umalis siya at wala na sanang balak bumalik pa, hanggang sa magkasakit nga siya."

"I was shocked when papa called me the night we were fighting, and told me everything. I wanted to beat the shit out of him that night. Lalo na nang sabihin niyang kung maaaring akuin ko ang bata. Hindi ako pumayag dahil unang-una ikaw ang inisip ko. Kaya nagpasya muna akong dalhin ang mag-ina rito. Pero habang nakakasama ko si Fenix. Nakaramdam ako ng awa para sa bata, sa sarili kong kapatid. He doesn't deserve to suffer from his parents' mistake. Lalo na si mama. It will be the death of her. Buong buhay niya akala niya perpekto si papa. Iyon ang taas noo niyang ipinagmamalaki sa mga tao. Papa was a perfect and ideal man in her eyes. This secret will tear her apart, it will tear our family apart. And I can't stand to see my mother broken."

Her mother is one of the most important things in his life, at hindi niya kakayaning makita itong nasasaktan.

"Yeah. Mama Deanna is one of the most wonderful persons I've ever met. She's kind-hearted. God, she doesn't deserve to be betrayed like this. This is too much!" Inabot ni Alford ang pisngi ni Lyca at pinahid ang bigla na lang pumatak na luha.

"What's is your plan?" Inabot ni Alford ang kamay ni Lyca at pinisil ang kamay nito.

"Papayag ka bang akuin ko si Fenix bilang anak ko?"

Marahang tumango si Lyca. "Kung iyon ang makakabuti para sa lahat."

"Paano ang sasabihin ng ibang tao?"

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon