KABANATA 2

785 169 52
                                    

Royal Blood: Vampire Academy

Kabanata 2

"Arghh nagugutom nako" I groaned, kanina pa kase sumasakit ang tiyan ko, hindi tuloy ako makapag concenrate sa klase nitong si Ma'am Garcia. Math Teacher.

Sobra kaseng namamadali si Mama kanina kaya hindi na siya nakapagluto, hindi naman ako marunong sa kusina kaya pumasok nalang ako ng walang kinakain. Biglaan din kase siyang ipinatawag ni Lolo.

Oh diba? parang natural lang sa pamilya kong maglabas masok doon sa Vampire World, Pero ni minsan hindi man lang ako sinama. T.T

"Severillia! Stand up! What's the degree of a minor arc, major arc and semi circle?" Mataray na tanong sakin ni Garcia.

Wala akong ganang sumagot dahil nga nagugutom na ako. Kaya hindi ako tumayo at umasta nalang na parang hindi ko siya narinig. Bahala ka diyan.

"Your not paying attention in my class! next question how to determine an inscribe angle?" pagtatanong ulit ni Garcia.

Gaya ng kanina ay hindi ko ulit siya pinansin, hindi niya ba nakikita na ayaw kong sagutin ang tanong niya? Nakakaasar rin 'to minsan eh kung sa bagay repapips sila na Arellano kaya di nako magtataka.

"Your such a dissapointment. Ang angas mo pa eh hindi mo naman pala kayang sagutin ang tanong ko, you don't even deserve to be on section A" Pamamahiya nito sakin.

Tsk lahat ba ng mga kaklase ko nasasagot siya ng tama? ponyeta isang beses lang akong di sumagot ganyan na siya magalit? May pa you don't even deserve to be on section A pa siya ano akala niya gusto ko dito?

Bakit ba lahat ng teacher ko eh ayaw sakin o kaya naman gusto talaga nila kong mapahiya. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi sila ganun sakin.

"Maybe you shouldn't ask me about that question, because our top 1 definitely knows it" nakangiti kong sabi sabay tingin kay Michelle.

Well ako ang madalas sumagot pero guess what? dahil may attitude problem ako, huli ako sa ranking.

Hindi naman ako magkakaroon ng attitude problem kung wala kong nakikitang mali. Psh.

"Well Miss Tolentino! You know the answer right? please stand up" magiliw nitong pag-anyaya kay Michelle.

Dahan dahang tumayo si Michelle sa pagkakaupo ng may pekeng ngiti.

"I'm sorry but i don't know the answer ma'am" pilit na tumawa si Michelle, hoping na sana ay sakyan siya ng teacher namin.

"That's okay Michelle" nakangiti pa nitong sabi kay Michelle.

Tignan mo, nung ako ang hindi nakasagot sinabihan pako ng nakakahiya at kung ano ano. Pero pag dating kay Michelle. That's okay lang?!

Buong klase good mood si Ma'am Garcia, Parang baliw na titingin sakin tapos ngingiti ng nakakaloko.

"Okay class see you tomorrow" pagpapaalam nito, sa wakas!

"Bakit hindi mo sinagot ang tanong ni Ma'am Garcia kanina? Pinahiya ka pa tuloy" Nag aalalang tanong ni Dannah.

"Gutom ako eh"

"Baliw ka talaga, bakit kase hindi ka kumain ng umagahan? Wala ba si Tita?" Pagtatanong sakin ni Dannah habang tinutulungan ako sa pagpasok ng mga gamit ko sa bag.

"Wala eh" maikli kong sabi abay sara ng bag.

"kaya pala, ano tara na? Mukhang gutom na gutom kana eh" nakangiting nyang sabi sabay hiltak sakin palabas ng classroom.

Pumunta na kami sa Cafeteria.

Diba sya yung kahapon?

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now