KABANATA 5

617 140 31
                                    

Royal Blood: Vampire Academy

Kabanata 5.

Napaka bilis ng araw, tatlong araw na ang nakakaraan simula ng makarating kami dito sa Vampire World. Nakapag ikot ikot narin kami sa mga lugar dito ng patago.

Kasalukuyan kaming nag aayos ni Ellary dahil lunes na ngayon at ito ang unang araw ng klase namin.

"Good morning my two lovely Princess!" Pagbati samin ni Mama ng makababa na kami.

Halos nakatingin samin lahat ng mga kasambahay kaya medyo akward pero masasanay din siguro kami.

"Today's your first day of school! " masiglang sabi naman ni Papa.

"Uhm Ellary anak? nakausap ko na ang papa mo, kaaalis niya lang kagabi at pinangako niya na bibisitahin ka niya sa eskwelahan niyo" sabi ni papa kay Ellary. Tumango tango naman ito.

"Ganun po ba? sige po pakisabi ay hihintayin ko siya" sabi nito habang nakangiti.

"Uhmm. Tita about po dun sa school na papasukan namin, can you share even just a little bit info about that school po? I'm just curious" Dagdag ni Ellary.

That's right mabuti ng may kaunti kaming alam sa school nayun lalo na't puro bampira ang makakasalamuha namin doon.

"Well katulad ng ibang school basically may mga subjects kayo pero mas lalamang yung mga self defense, rankings at pagiimprove ng Powers" sabi ni Mama. Well ano pa ba ieexpect mo it's a vampire School.

"Rankings? What's with that?" tanong ko.

"Your dean will explain it to you later baby" sabi naman ni mama.

"Okay then" sabi ko naman.

"And that school is divided into 4 categories. Royals, Empires, Erudite and commoners" Dagdag pa ni mama.

"Bakit po may rankings yung mga istudyante doon Tita?" Tanong ni Ellary. Yeah bakit nga ba?

"Well nakasanayan narin, saka isa itong paraan para malaman kung sino ang malakas at kung sino ang mahina" naeexcite naman si mama sa mga sinasabi niya. At ako? Ayun waley lang.

Medyo nakaramdam naman ako pang mamaliit sa rankings.

"Uhm Ma, anong category kami?" Tanong ko.

"Since we are Royals same as Ellary's parents, ilalagay na agad kayo sa pinakamataas na rank which is the Royal Blood. Kayo ang may pinakamahihirap na traning since kayo ang mga may kapangyarihan" sabi ni mama sabay ngiti.

"Ma, can i ask you a favor?" tanong ko naman

"What is it Baby?" tanong din ni mama.

"Can we just go in the Commoners rank" Sabi ko.

"Pardon baby?" Tanong ni mama.

"Ayoko po sa Royal Blood, gusto ko po sana na sa Commoners niyo po ako ilagay" paguulit ko ng may kalinawan.

"Pero bakit?" Tanong ni mama, she's frustrated.

"Ma? You know how much I hate attention right? Saka hindi po fair na ilalagay niyo kami sa pinakamataas na rank just because anak niyo kami, saka hindi rin naman tayo sure kung may kapangyarihan ako or wala. Mapapahiya lang kayo " Sabi ko naman.

"Mia that's not true! May kapangyarihan ka man or wala, ipinagmamalaki ka namin" sabi nito, sabya yakap sakin.

"That's right Cousin, saka kahit saan ka magpunta kasama mo ko" sabi ni Ellary.

"Ma? Please pagbigyan mo nako, gusto ko lang din malaman kung ano ang pakiramdam ng isang Commoner bago ako maging isang Royal Blood" ani ko.

"Hon, pagbigyan mo na ang anak natin, she's frustrated and i think magiging maganda yun para malaman niya rin ang pamumuhay ng nasa ibaba at nasa itaas" sabi ni papa. Kahit kailan talaga ay napaka galing mangumbinsi ni Papa.

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now