KABANATA 10

462 74 7
                                    

Royal Blood: Vampire Academy.

Kabanata 10

Cyden's POV.

"Arghh, nakakarami kana ah!" Bulyaw ko kay Caleb, Kasalukuyan kaming nasa ensayo para sa nalalapit na Vampire Competition ngayon taon, nakakainis itong si Caleb kanina pa ako sinasaktan, porket mas magaling lang siya eh. Huhuhu.

"What do you expect Cyden, walang kaibi-kaibigan sa competition" nakangisi nitong sabi.

Masyadong competitive talaga itong si Caleb, ayaw niyang natatalo siya. kahit minsan hindi ako nanalo diyan, ayaw man lang akong palusutin. Parehas na parehas talaga sila ni Tim.

Kung sa bagay isa lang naman sa kanilang dalawa ang maaring maging susunod na Hari dito sa Vampire world kaya ganun nalang din sila kainis sa isa't isa. Dahil parehas nilang gusto ang posisyon. Minsan ko lang sila makitang naguusap kapag importante lang talaga.

"Ayoko na! Talo naman lagi eh" giit ko saka binagsak ang sarili ko sa flooring.

"Konting practice pa" sabi nito. "Wag kang mawawala mamiya may dinner meeting tayo kasama sila Mommy" sabi nito sakin, saka tumalikod upang tanggalin ang suot niyang proteksyon sa katawan.

Ayokong pumupunta sa mga dinner meeting nayan dahil paniguradong aasarin lang ako doon nila Tita. Sa aming magkakaibigan kase ako ang pinaka bini-baby ni mommy.

"Ayoko bro, dito nalang ako" sabi ko naman.

"Bahala ka, I've heard may big announcement na mangyayari after that" parinig ni Caleb.

"What announcement?" Tanong ko naman agad.

"I don't know? Maybe mangyayari na ang kinatatakutan natin pare-parehas" inosenteng sabi nito.

"No way! Ayoko pang makasal bro!" Angal ko rito.

Lahat kaming magkakaibigan ay yan ang kinatatakutan, tradisyon na ng pamilya namin ang arrange marriage sa kapwa dugong maharlika, para maingatan at maipasa ang lahi ng mga royal blood.

Ang kinababahala ko lang ay anim lang kaming royal blood dito, dalawang babae at apat na lalaki. Wait! Ibig sabihin may dalawang lalaking matitira! Shit! Don't tell me?!

"I'm scared bro, ayokong makasal sayo" sabi ko saka pinagtutulak si Caleb palayo sakin. Nandidiri ako yuck!

"What the fuck dude?! Kilabutan ka nga!" Bulyaw sakin ni Caleb.

Bigla namang may pumasok na masamang aura, kilala na namin kung sino agad iyon. Nagdere-deretso ito sa kusina at kumuha ng tubig.

"Saan ka galing?" Tanong ni Caleb.

"Somewhere" maikling sabi nito.

Minsan talaga magandang kausap 'to. May sense eh nakakaproud.

"Forgot to tell you bro, may meeting mamiya" paalala ni Caleb.

Hindi naman 'to kumibo. "Bayaan mo na namimiss siguro yung babaeng crush niya dun sa human world" sabi ko naman.

Kagagaling lang niya sa human world, punishment niya yun mula sa kaniyang ama dahil sa nangyari dati, kung hindi ako nagkakamali ay tumagal din siya ng tatlong taon doon. Kararating niya nga lang nung nakaraang linggo.

"Tell me bro, maganda ba sa human world? Mababait yung mga tao?" Tanong ko naman.

Tumingin ito sakin,"It's beautiful mababait din ang mga tao, sadyang wala lang akong naging kaibigan dahil kusa akong umiiwas" sabi naman nito. Namangha naman ako, ngayon ko lang ulit siya narinig na magsalita ng ganun kadaming words as in.

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now