KABANATA 8

514 92 13
                                    

Royal Blood: Vampire Academy.

Kabanata 8

Sa wakas ay natapos narin ang dalawa naming subject na pang-umaga, buti nalang talaga at kaklase namin si Helena kung hindi ay paniguradong maliligaw nanaman kami, wala namang nangyaring espesyal sa klase kanina. Normal lang ito na parang katulad ng sa mundo ng mga tao.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria, medyo kabisado naman na namin yung papuntang cafeteria dahil sa kahapon.

Hindi na nakasama samin si Helena dahil may aasikasuhin pa ito sa Teacher's Office. Hindi naman nito nakwento kung anong gagawin niya doon.

Ang daming tao dito sa canteen ngayon, masyadong crowded ang paligid. Habang iniikot ko ang mga mata ko sa paligid ay ngayon ko lang napansin na may color coding pala ang mga lamesa dito.

Apat na kulay lang naman. Blue, Red, Green at Yellow. Sa entrance ng Cafeteria ay matatagpuan ang Yellow tables, at susunod dito ang Green at ang Red. Pinakahuli ang Iilang Blue table na matatagpuan sa pinaka gitna ng Cafeteria.

Napansin Kong yung mga kaklase namin kanina eh sa Yellow table ang punta.

"Arghhh! What the heck!" Biglang may sumigaw na babae malapit sakin.

At doon nakita ko ang isang babae na halatang nabasa ng tubig yung side ng palda niya.

"Sorry Hindi ko naman sinasadya" paghingi ng tawad ni Ellary. Napaka careless niya talaga hayss.

Akmang pupunasan na ni Ellary yung palda nung babae ng bigla siya nitong tinulak, napa saldak tuloy ito sa sahig.

"Anong hindi sinasadya? Tanga kaba?!" Inis nitong tanong nung babae na may pagka sarcastic.

Agad namang tumayo si Ellary sa pagkakasaldak niya sa sahig, lumapit siya sa babae at tinitigan ito ng masama.

"Nag sorry na nga ko Miss bakit naman nanulak kapa?" 

May lumapit sa kaniyang babae at mukhang may binulong na mas lalong nakapag pangiti doon sa babaeng natapunan ni Ellary ng tubig.

"New comer huh?" nakangisi nitong sabi.

"Eh ano naman ngayon sayo?" pabalang na sagot ni Ellary.

"Ang lakas ng loob mong sumagot sakin, kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" sabi nito, in a sarcastic way.

Katagal namang mag away ng dalawang ito, nauuhaw nako eh. Hindi naman ako makaalis dito dahil napaka daming istudyante ang nakapalibot samin at nakiki osyoso sa nangyayari.

"Hindi ko naman na kailangang malaman kung sino ka dahil sa way palang ng pagsasalita mo sakin napagkamalan na kitang Commoners" nakangisi ngunit sarcastic na saad ni Ellary.

"What the- how dare you?!" gulat na gulat yung babae sa sinabi sa kaniya. At dahil sa sobrang galit nitong ay akmang sasampalin ninya si Ellary pero agad namang nasapo nito yung kamay nung babae, at tinulak ninya ito gaya ng ginawa nito sa kaniya kanina.

Now quits na sila.

"Opps! sinasadya" pagpipigil ni Ellary sa tawa ninya, at halos puputok na sa galit yung babaeng nakasaldak ngayon sa sahig.

bulungan everywhere! whoooo!

Ang lakas ng loob nung girl!

first time nangyari yan ate!

Bakit di ginamit ni Laire yung powers ninya?

Bawal parin manakit ng isudyante ang mga royals ano ba!

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now