KABANATA 11

438 64 26
                                    

His Blood: Vampire Academy

Kabanata 11

Madaming nagulat sa nasaksihan nila, isang babae ang nakahandusay ngayon sa simento at walang malay. 

Dumating si Miss Bella na hapos na hapos, mukhang nagmamadali itong pumunta dito para pigilan ang nangyayari ngunit mukhang huli na siya, namataan niya sa di kalayuan ang babaeng nakahandusay sa sahig.

"BESTIEEE!" Agarang pinuntahan ni Ellary ang kaibigan na ngayon ay walang malay. Namumutla ang mukha ni Mia at pawis na pawis.

Agad na hinanap ni Miss Bella ang anak na nakaupo sa sulok at tila hindi makapagsalita dahil sa nagawa niya. Galit na galit si Miss Bella sa anak dahil hindi niya akalaing magagawa nito ang bagay na'yon, Kinabahan din siya sa maaring mangyari kay Mia, hindi maaring masaktan ang anak ng pinakamataas na hari at reyna.

"What did you do Laire?"kalmado ngunit may halong awtoridad sa boses nito.

" She started it kaya, that bitch!" Inis nitong sabi sabay duro doon sa babaeng nakahandusay sa sahig, pilit pinalalakas ni Laire ang kaniyang loob kahit pa ang totoo ay natatakot na siya sa kaniyang ina.

"Be careful with your words Laire! What did you do?" Tanong nito sa anak.

"M-Mom... I was just p-protecting myself-" nangangatog nitong sabi, natatakot siya sa ina niya ngayon, Dahil makikita mo mula sa mga mata nito na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.

Hindi na siya pinatapos magsalita ng ina, dahil hindi ito ang sagot na gusto nitong malaman.

"I've said what did you do?!" mabagal at may diin ang bawat salitang pinakakawalan nito.

"I-Im s-sorry Mom, It wasn't my intention to h-hurt her" paliwanag nito, pagaakala na maari pa siya nitong panigan.

Gaya ng dati ay may mga nasasaktan naring istudyante si Laire dahil sa pag-gamit niya ng kaniyang kapangyarihan, pero ang pinagtataka niya ay ni minsan ay hindi niya nakitang ganito kagalit ang kaniyang ina at umabot pa sa puntong pinahihiya na siya.

"Laire, don't make me say your name again, hindi mo magugustuhan ang mangyayari. Now I asked you again what did you do?" 

"I-I u-used the sealed one" 

"What?! How did you-? No. Who teach you that?" Tanong nito sa anak, "Bring Mia to the Clinic NOW!" Miss Bella almost shouted saying those words.

Lumapit si Caleb kay Mia at binuhat ito ng parang pangkasal. "Ako ng magdadala sa kaniya sa Clinic"

Sumama naman kay Caleb ang nagaalang kaibigan na si Ellary, naiwan ang mag-ina sa cafeteria na tila pinagbubulungan.

"Everyone go to classes now!" sabi dito ni Miss Bella.

"And you young Lady, come to my office" sabi nito sa anak..

Agad na nagsi-alisan ang mga istudyante sa cafeteria, tanging si Miss Bella, Laire, Cyden, Kyan at Adam lang ang natira.

Sumama silang lahat papunta sa office, tahimik lang ang lahat habang naglalakad. Tila walang gustong magsalita o magkwento.

Pagpasok na pagpasok sa Office ay agad na tinanong ni Miss Bella ang dahilan kung bakit nito sinugod si Mia.

"But Mom she started it first!" nang-gagalaiting sabi ni Laire.

"Mabait si Mia anak hindi niya magagawa yun"

"Your on her side now?! Great!" Sarcastic nitong sabi sa Ina.

"Hindi sa ganun anak, Alam naman ng lahat ang ugali mo kaya Hindi ko alam kung kanino ako kakampi." Paliwanag ng ina.

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now