KABANATA 7

554 107 10
                                    

His Blood: Vampire Academy

Kabanata 7.

Pagkatapos kumain ay agad din naman na nagpaalam si Lily dahil magsisimula na daw ang klase nila.

"Ayoko pa sanang umalis ngunit magsisimula na ang klase namin" Malungkot nitong sabi.

"Hayaan mo Holly sigurado namang magkikita ulit tayo" ani Ellary. Bumungtong hininga naman ito na tila hindi gusto ang pagpapaalam niya. 

"Sige na nga, kinagagalak ko ulit na makilala ang mga tulad ninyo" at tuluyan na nga itong umalis, kaya't kami na lamang ni Ellary ang natira. Doon ko lang din na realize na hindi pala Lily ang pangalan niya kundi Holly, ayon narin sa itinawag sa kaniya ni Ellary.

Ngayon ko lamang ulit napansin ang mga bampirang nakatingin samin ngayon, tila papatayin na kami sa mga titig.

"Sino kayo?" Biglang may nagsalitang boses sa likuran namin. Ng lingunin ko ito ay isang babaeng naka asul na uniporme ang nakita ko.

"Hindi ba dapat kami ang nagtatanong niyan?"sagot naman ni Ellary dito. Tumaas naman ang kilay ng babae saka kami parehas tinignan mula ulo hanggang paa na tila ba'y naghahanap ng malalait, goodluck nalang kung may mahanap siya.

"Walang lugar ang pagpapa inosente dito, alam ko ang pakay ninyo" sambit nito.

"Anong ibig mong sabihin? Baka nagkakamali ka Miss?" tanong ni Ellary.

"Mukhang mga baguhan, kung ganun binabalaan ko kayo lumayo kayo. Hindi porket nakausap ninyo siya ay may mapapala kayo" sanasabi nito, teka? tinutukoy niya ba si Holly? Sino ba 'to? ate niya? o baka naman isa sa barkada ng kuya nito?

"Hindi ka namin maintindihan ngunit susundin namin ang sinabi mo"sabi ko nalang para tumigil na siya at makapunta na kami sa Dorm.

"Kung ganun aasahan kong hindi ko na muli kayo makikitang lumalapit sa kaniya, hindi ninyo alam ang maaring mangyari sa inyo" pagkayari nitong magsalita ay gumilid ito upang makadaan kami, tinanguan naman namin ito saka umalis.

Hindi naman ganun kalayo ang Dorm mula sa kinatatayuan namin kanina, siguro'y inabot lang kami ng 15 minuto sa paglalakad. Ang mga Dorm dito ay kada Rank din, ang alam ko ay magkasama kami ni Ellary sa kwarto.

Nasa tapat na kami ng Dorm ng nagturuan pa kami kung sino ang magbubukas ng pintuan. Pero wala ring nagawa si Ellary dahil nasa kaniya yung susi.

"Kadaya mo talaga Mia" inis nitong sabi.

"Mas matanda ka naman kasi" sabi ko dito at sinimangutan ako.

Pagbukas namin ay tatlong kama ang bumungad samin, bawat isang kama ay may katabing dalawang kabinet at study table. Mukhang namang malinis dito at komportable.

"Teka? Bakit tatlo yung kama? Ibig sabihin may kasama tayo?" Tanong ni Ellary.

"Mukhang ganun na nga" sagot ko naman. Ang akala kasi namin ay dalawang tao lang kada kwarto pero sa sitwasyon ngayon napakalaki ng kwarto at pwede pa nga ang apat na tao.

Nakita kong may iilang gamit na dito sa loob ibig sabihin nandito na  yung kasama namin, ngunit mukhang lumabas ito dahil wala namang tao sa loob. Kaya naman pumasok na kami ng tuluyan.

Royal Blood: Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon