KABANATA 12

484 58 14
                                    

His Blood: Vampire Academy

Kabanata 12

Tim's POV.

"Fuck it, I've said I'm okay. Bakit ba ang kukulit ninyo ha?!" Inis kong sabi doon sa mga nurse at doktor. Kanina pa ako naiinis dito dahil okay naman na ako pero ayaw pa akong pauwiin.

"We're very sorry Prince Grayson pero kailangan ninyo pa po ng further test para maka sure po tayo na okay na po talaga kayo" panghihingi ng dispensa nung doktor.

"More test? Nabato lang ako ng libro Hindi ako nabagok! I want to go home!" Bulyaw ko dito.

"I'm really sorry Prince, pero kagustuhan rin po ito ng Mahal na reyna"

Nakakainis! Pati si Mommy nag oover acting na.  Pero kung kagustuhan nga ito ni Mommy ay wala na akong magagawa kundi pagtiisan itong hospital na'to. Kasalanan talaga ito nung babaeng yun, pag ako talaga nakalabas dito siya agad hahanapin ko at ipaparamdam ko sa kaniya na namali siya ng binangga. I will turn her life into hell.

Agad-agad kong kinuha yung cellphone ko at tinext si Holly.

What's happening? Mom's being paranoid again! Ayaw na akong palabasin dito! Do something Holly.

Sent.

"Go out, I don't want further test. Kakausapin ko si Mommy para palayasin kayo lahat sa trabaho ninyo!" Inis kong sabi sa mga ito.

Lumabas na ang mga nurse at doktor na nandito kanina kaya ako nalang mag-isa. Nakakabagot! Imbis na nag papakasaya ako ngayon sa pagcacar racing ay Hindi ko magawa. Nakakainis talaga yung babaeng yun!

Ilang minuto pa ang lumipas, pero sadyang nababagot nako. Naiisip ko nanaman yung babaeng bumato sakin kaya kumukulo ang dugo ko.

"Nakakainis talaga yung babaeng yun, makita niya lang pag ako nakalabas dito pahihirapan ko siya" inis kong sabi sa sarili ko.

"Your too hot bro, chill lang" Biglang pumasok sa kwarto ko si Kyan kasama sila Cyden, Adam, Holly at Laire.

"Nakakainis kase yung babaeng may kagagawan nito" sabi ko sabay turo dito sa ulo kong may benda. "Tapos yung mga nurse ayaw pa akong pauwiin nakakabagot kaya dito" nakanguso kong sabi.

"Hahahahaha. Your so cute bro" sabi ni Kyan. Sabay piga ng pisngi niya.

"Stop that bro! Your so gay, tigilan mo ako at baka sayo ko mabaling ang galit ko." pagbabanta ko dito. 

"Kamusta na bro? Masakit ba yung bato sayo ni Common girl?" Biro ni Cyden.

"Gusto mo sayo ko gawin ng malaman mo?" inis kong sabi dito. Napanguso naman ang gago bambuhin ko ito eh.

"Ano ba naman kaseng ginagawa mo sa library? Nagbabagong buhay kana ba kuya?" Natatawang sabi ni Holly.

Inirapan ko lang silang lahat. Nakakainis!

" I was searching books about techniques in car racing, dont thinkbeyond. I'm already smart" nakangisi kong sabi, hindi naman sa nagyayabang pero ako ang nangunguna sa Rank.

"Tss, akala ko ba magaling kana bakit may pa libro pa?" tanong ni Holly.

"Hindi naman porket magaling na eh okay na, kaming mga racers eh kailangang may iba't ibang techniques para panalo parin. " paliwanag ni Cyden.

"Ganun? Ang dami namang alam" sabi ni Holly.

"Isa talaga yan sa mga bagay na hindi maiintindihan ng isang babae, puro kase pagpapaganda ang alam ninyo" biglang nagsalita sa isang sulok si Adam na ngayon ay naka halukipkip.

Royal Blood: Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon