KABANATA 15

588 46 22
                                    

Royal Blood: Vampire Academy.

Kabanata 15

"Bestiee, may damit kapa?" tanong ni Ellary sakin habang pinupunasan nito ang sarili, Nandito kami sa banyo at naglilinis. Pagkatapos ng nangyari sa Gym ay agad din kaming umalis. 

"Sa locker" sabi ko nalang habang abala sa sarili ko. 

"Mauna na akong magshower ah?" sabi nito. Tumango naman ako.

Tinatanggal ko yung mga balat ng itlog sa buhok ko, bwiset ang hirap tanggalin nung iba. Kami nalang ni Ellary ang tao dito sa banyo ngayon, Halos ang lahat kase ay may klase na at tanging kami lang ang may vacant ngayon.(in short nag-cutting kami hahaha)

"Bubble gum ata pinagbabato nung mga babaeng yun, ayaw matanggal bestie!" Malakas na sabi ni Ellary na nasa isang cubicle na at nagbabanlaw.

"Arghh, ang sakit sa ulo. Kainis!"

"Bestiee, sa palagay ko si Tim yung may pakana nung nangyari kanina. Narinig ko kase kanina yung mga fans niya na naguusap about sa sinabi nung lalaking yun" Sabi nito.

"Naisip ko narin yan e, Bwiset na lalaking iyon! Dapat siguro mag-ingat na tayo ngayon" ani ko, wala naman kaseng ibang magpapautos or mananakit samin kung hindi ito connected doon sa nangyari Kay Tim.

"Dapat nga, Mukha kase talagang nakakahalata na yung iba" ani ni Ellary.

"Hangga't maari kailangan nating mag-ingat, para narin sa kaligtasan natin" sabi ko.

"Hindi mo pa ba kilala kung sino yung nagbigay ng papel nayun?" tanong ni Ellary.

Napabuntong hininga ako, hanggang ngayon ay wala akong kaalam-alam kung sino ba talaga ang nagbigay nito. Basta ang alam ko ay pinag-kakatiwalaan ko na agad ito kahit hindi ko pa siya nakikita, sana lang talaga ay hindi ako nagkakamali ng pinag kakatiwalaan.

"Hindi pa, kaya wag muna nating pagusapan yan" sabi ko nalang.

Lumabas na si Dannah sa banyo, ako naman sana ang papasok ng bigla siyang magsalita.

"Bestie, magsorry ka nalang kaya kay Tim?" Suggestion nito.

"Bakit naman ako magsosorry?" naguluhan kong tanong dito.

"E diba nga gusto nating malayo na sa gulo, kaya ang way lang ay magsorry ka" paliwanag naman nito.

Napa-isip ako, tama siya siguro kailangan kong mag sorry dun sa bwiset na lalaki nayun, Baka yun lang ang paraan para matigil na agad itong mga balak niya pang gawin samin.

Napabuntong hininga ako, Kahit na labag sa loob ko ay naging buo na ang desisyon ko, bukas ay kakausapin ko siya at manghihingi na ako ng sorry.

"Okay then, bukas na bukas magsosorry nako" maliwanag kong sabi.

"Sure kana ba diyan? Wala ng bawian yan" seryoso nitong tanong.

"Oo sigurado nako, para lang malayo na tayo sa gulo gagawin ko ang lahat" sabi ko. Desperada na ata ako.

Hangga't Hindi pa dumadating ang vampire's ball ay hindi kami pwedeng masangkot sa gulo, mahirap man tanggapin para sakin pero kailangan muna naming magpakabait.

"Teka paano si Caleb? Magsusumbong Kay Miss Bella yun!" Agarang sabi ni Ellary.

Bigla kong naalala si Caleb, siya ang tumulong samin kanina mula doon sa mga nambato samin. Narinig kong pinapupunta niya ang lahat ng istudyanteng sangkot sa nangyari samin, Bakit ngayon ko lang 'to naalala? Bakit ba kase umalis agad kami kanina. Hayss. Kuya naman ehh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now