KABANATA 6

634 115 12
                                    

Royal Blood: Vampire Academy

Kabanata 6

Mia's Point of View.

"Wait! Hindi pa nada-digest ng utak ko ang mga sinabi ni Tita." Biglang sabi ni Ellary habang hinihilot pa yung sintido niya. Akala mo namang sobrang nakakashock nung nalaman niya. I mean namin.

Well, Miss Morisson or should I say Mrs. Morisson explain the situation at naintindihan ko naman ito. 

"Ano bang nakakabigla dun? Obvious naman na may asawa dati pa si Tito Frances" sabi ko rito.

"Kahit na! Pero ang galing ano? Hilig nilang mag manage ng school hahaha" natatawa nitong sabi.

"Ewan ko sayo, ano ba yang hawak mo?" tanong ko dito. May hawak kase itong index card.

"Eto yung schedule natin, ano ka ba mukhang hindi ka nakinig kanina" sabi nito, ah yun pala yung inabot ni Mrs. Morisson sa kanya kanina. Pasensya naman hindi ako nakikinig eh.

"Hindi nga" pag amin ko.

Napailing naman si Ellary.

"Hay nako Mia, teka nga saan ba itong building na nakasulat dito?" Naiinis na ang expression ni Ellary.

 Balak sana kaming samahan nung babae kanina na naghatid samin kay Mrs. Morisson pero alam mo sabi ni niya? Malaking na daw kami at kaya na namin sarili namin. Kaya wala ring nagawa yung babae kundi titigan lang kami hanggang sa makaalis kami sa office nito.

"Alam ko na! Magtatanong nalang ako dun sa mga girls" pagpriprisinta ni Ellary, at Masayang lumapit doon sa mga Babae.

"Hi! Ako nga pala si Ellary, pwede ko bang malaman kung saan tong building nato? Bago lang kase kami kaya hindi pa namin masyadong kabisado dito" nahihiyang sabi ni Dannah.

"Anong category kaba?" Tanong nung isang babae. Blonde yung buhok nito at mukha namang maayos. Teka? Bakit ko ba tinitignan tong babaeng to?

"Commoners kami!" Masayang sabi ni Ellary.

"What?! Go away shoo!" Biglang pinagtabuyan nung babae si Ellary.

Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nung babae kay Ellary ay natumba sya, lumapit naman ako dito at tinulungang tumayo. Ganito ba ang mga bampira dito? Tsk Ayokong maging maldita ngayon ah.

"Anong bang problema mo? Parang nagtatanong lang eh! Siraulo to!" Inis na sabi ni Ellary.

"What did you just say? oh god!" Parang gulat na gulat na sabi nung babae. Tss. Pabebe masyado jusq sarap sapakin.

"Siraulo to may pa English English pa! Pabebe mo!" akmang susugurin na sana ni Ellary yung grupo nayun pero pinigilan ko sya.

Tumawa naman yung babae siya siguro yung leader ng mga babaeng to "Nakalimutan ko commoners nga lang pala kayo hindi marunong mag English" pangaasar nito samin.

Aba siraulo pala to ah?!

"Anong sabi mo?! Hindi marunong mag Eng-" pinutol ko yung sinabi ni Ellary na akmang hihilahin na yung babaeng nagsabi sa kaniya nun..

"How pathetic losers, Mga talunan" sabi nito at umalis na.

"Argghh!! Nakakainis! Dapat kase pinabayaan mo na kong sapakin yun eh!" Inis na sabi ni Ellary sinipa sipa niya pa yung hangin sa sobrang inis.

"Ellary, Bago palang tayo dito hindi tayo pwedeng masali sa kahit anong gulo" sabi ko naman.

"Kase naman eh! kasama ng mga ugali nun!" Atungal nya.

Royal Blood: Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon