KABANATA 14

505 51 17
                                    

Royal Blood: Vampire Academy.

Kabanata 14

Agad ko naman itong nilapitan at tinulungang tumayo. Ang shunga talaga nako.

"Whaaaaa! Bestiee sayang yung food" atungal nito sakin. Pinagpagan ko ang damit niya na ngayon ay mukha ng pamunas sa restaurant.

"Tumigil ka nga!" Saway ko dito, kaya agad namang tumikom ang bibig nito.

"Bestie, ang mahal kase ng mga 'to, nakakapanghinayang" nanlulumo nitong sabi.

"Bibili nalang tayo ng bago, sa susunod kase tignan mo yung paligid" sabi ko.

"Kase naman e, kanino bang paa yun at sadyang napakahaba para mapatid ako"

"Hindi naman aabot ng ganun kahaba yun kung di sinadya" sabi ko.

Saka tinignan ko yung babaeng Nakaupo doon sa gilid namin saka ko nilapitan at pinandilatan ng mata.

"Bakit mo pinatid?" Seryoso Kong tanong. Tumingin naman ito sa mag kabilang gilid niya pati sa likod nito, at tinuro ang sarili na para bang hindi makapaniwala na siya ang kinakausap ko.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Maamo nitong tanong sa akin.

Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya? Parang lumalambot ang puso ko. Parang masyado siyang mabait para pagbintangan ko. Tinignan ko itong mabuti at may napansin ako.

"Stop with your act of being innocent, Hindi bagay sayo" kaswal Kong sabi.

Nanlaki naman ang mga mata nito at tila Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi ka tinatablan?" Tanong nito.

Yeah, I don't know what to call to her power pero kaya ka niyang mapasunod at ma-uto ang mga istudyante dito gamit ang charm niya, But sa napapansin ko ginagamit niya ang charisma niya in a bad way.

Tinignan ko ito ng seryoso, sa palagay niya ba kung gumagana sakin ang kapangyarihan niya ay sasabihin ko ang mga sinabi ko kanina? Tss, shunga rin ata 'to e.

"What do you think?"Balik kong tanong dito.

"B-but how? Your just a commoner, as far as i know only royals can resist my power" hindi nito makapaniwalang sabi.

Royals? So kaming mga royals lang talaga ang hindi tinatablan ng kapangyarihan ng shungang babae na'to?

"Hindi sa lahat ng oras royals lang ang pwedeng makagawa ng mga bagay-bagay"sabi ko.

"So are you saying na hindi magagaling ang mga royals? How dare you! isusumbong kita!"

Gusto kong matawa sa inaasta ng babaeng ito, akala mo naman isa siyang royal kung maka-react sa mga sinabi ko. At tungkol doon sa sinabi niyang hindi daw magagaling ang royals, well sa pagkakaintindi niya yun. Shunga siya kaya di niya naintindihan.

Ang ibig ko lang sabihin ay hindi sa lahat ng oras ay tanging mga royals lang ang pwedeng makagawa ng mga bagay na hindi nila kaya o ngayon lang nakita, pantay-pantay lang naman ang lahat kaya kung pag-aaralan mo at pagtutuunan ang isang bagay tiyak na matatapatan mo din sila.

"Isumbong mo man ako Miss okay lang, nagsasabi ako ng totoo. Hindi sa lahat ng oras ay sila ang nasa itaas" sabi ko.

"Wag mo ng uulitin yun, nagsasayang ka ng pagkain" dagdag ko pa dito saka hinaltak paalis doon si Ellary, naiwan namang tulala si ate girl.

Pumunta kami ng counter at omorder ng bagong food, Ako na ang nagbuhat dahil baka matapon nanaman itong pagkain. Nag-taka pa nga yung cashier kung bakit daw kami may card, yung binigay sakin ni mommy. Tanging mga royals lang daw kase ang merong ganun. Oh diba pinahamak pako ni Mommy. Ginawa ko nalang palusot na may nagpapabili saking isang royal at no choice ako kundi si Holly ang sabihin ko kesa naman kay Cyden at dun sa impaktong Tim.

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now