KABANATA 3

772 178 41
                                    

Royal Blood: Vampire Academy

Kabanata 3

Pagkatapos sabihin ni Tito Frances ang pagkakick out at paglipat ko sa vampire world ay hindi nako pumasok pa, agaran din akong umuwi para makapag impake dahil napag-alaman ko kase na ngayong gabi na ang alis namin. Nagtanong pa nga ako kung bakit ang bilis naman ata, pero hindi naman ako sinagot ni Tito.

Mag-gagabi na ng makayari ako sa pag-iimpake, sa tingin ko naman ay dala ko na lahat ang mga kailangan ko. Bumaba na ko upang makakain, cereal lang at banana ang kinain ko kase nga hindi ako marunong magluto.

 Natigilan ako sa pagkain ng biglang may kumatok sa pinto, agaran naman akong tumayo para silipin kung sino ang bisita ko ngayong dis oras ng gabi, pero agad kong naalala na pinapunta ko pala dito si Dannah.

"Dannah-" Hindi ko na nayari ang sasabihin ko ng makita ko si Ellary na takot na takot.

"Mia!" agad ako nitong niyakap, hindi na nga ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap nito pero hindi ko naman magawang umangal dahil sa nangangatog ang buo niyang katawan at umiiyak pa siya.

"Please close the door, Mia pleaseee" pagmamakaawa ni Ellary sakin.

Basa ito ng ulan kaya dali dali akong kumuha ng twalya upang mapunasan siya, kailangan kong malaman kung bakit ganito nalang siya katakot.

Ellary is my cousin kapatid ni Mama ang papa niya and ofcourse bampira din sila kaya lang ang pinagkaiba namin ni Ellary ay ako half blood at siya naman ay pure blood and they also choose to stay dito sa mundo ng mga tao. Kaya ngayon nagtataka ako kung bakit siya nandito at hindi niya kasama si Tito at Tita.

"Anong nangyari Ellary nasaan sila Tito at Tita?" Tanong ko sa kanya, pilit ko siyang pinakalma pero sadyang takot na takot talaga siya.

Hindi siya kumibo bagkus ay umiyak lang siya ng umiyak, agad ko naman rin itong kinuha ng tubig para kumalma at maging okay na siya. Inabot ko yung inumin sa kanya at ininom naman niya ito.

"Kumalma ka Ellary, sabihin mo sakin Anong nangyari?" Tanong ko.

"M-mia, k-kinuha nila si mama" mangiyak ngiyak nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Kinuha? sino? Tumawag dapat tayo ng pulis!" agaran kong sabi, tatawagan ko na sana ang 911 ng bigla akong pinigilan ni Dannah.

"W-walang magagawa ang mga pulis" pag amin nito.

"Anong ibig mong sabihin Ellary?" Naguguluhan kong tanong, kung magsalita kase siya para sinasabi niya na hindi basta basta ang mga taong kumuha sa mama niya.

"Mga bampira, Mia. Sinubukan ko silang labanan pero masyado silang marami, nakuha nila si mama pero nagawa kong makatakas sa kanila" pagkukwento nito. Niyakap ko lang siya pagkayari nun.

Medyo kalmado na si Ellary ngayon kesa kanina dahil pinainom ko sya ng pampa-kalma. Ilang minuto lang ay nakatulog narin ito.

Agad ko rin namang tinawagan si Tito, at pinaalam ang kwento ni Ellary. Sobrang nag-alala si Tito Frances kaya pumunta narin sya agad dito.

"Is she okay?" pagsisimula ni Tito Frances.

"Yes Tito pinainom ko na siya ng pampakalma, masyado siyang natrauma sa nangyari kanina" paliwanag ko dito habang hinahaplos ang ulo ni Ellary.

"Sunod sunod na talaga ang mga nangyayaring ito, kailangan ko na talaga kayong madala sa vampire world" sabi nito ng nagaalala.

"Anong ibig niyo pong sabihin Tito?" tanong ko.

Royal Blood: Vampire AcademyWhere stories live. Discover now