Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

6-Fire

56.2K 1.6K 58
                                    

Chapter Five

MATAPOS nilang maghapunan ay nag-volunteer na si Walter na magligpit ng kanilang kinainan. Sina Annika at Samantha ay sabay nang naghilamos at nagpalit ng pantulog. Dinig ni Walter ang tawanan at masayang pag-uusap ng dalawa. Annika is really good with kids. Nakikita niya kung gaano ito kaalaga sa kanilang pamangkin. At maging sa ibang bata sa squatter ay magiliw din ito. Minsan pa nga ay naabutan niya itong namimigay ng pagkain. Nang makita siya nito ay para itong batang nahuling nang-uumit.

Kaagad itong humingi ng dispensa nang sa akala nito ay pagagalitan niya. Pero sabi niya ay ayos lang, huwag lang nitong dadalasan at baka sila naman ang mawalan ng pagkain.

Inilagay ni Annika ang USB sa flat screen TV. Habang sinusuklayan nito ng buhok si Samantha ay nare-review ang bata sa reviewer na naka-save sa USB. Si Walter naman ay pumasok na ng banyo at naghilamos at sepilyo. Hindi na siya nagulat nang makitang pinakabitan ng ate niya ng hand shower ang kanilang gripo.

Napailing na lang siya. Natitiyak niyang maraming trabahador ang dinala nito sa bahay nila para maisagawa at maikabit ang lahat ng gamit na dala nito. Ang dati nilang papag sa kuwarto ay napalitan na rin ng malaking kama na kakasya para sa tatlo katao. Mayroon ding malaking ceiling fan sa tapat ng kama para kahit papaano ay hindi masyadong mainit. Natitiyak niyang hindi lamang para sa comfort ni Samantha kaya iyon ginawa ng kanyang ate. Sigurado siyang mas para iyon kay Annika na alam naman nilang pareho na lumaki sa maalwang pamumuhay.

Nang lumabas si Walter ng banyo ay pareho nang nakahiga ang magtiya sa sala set na nakaharap sa telebisyon. Sinusundan ng mga ito ang araling pinapanood sa TV. Siya naman ay pumasok na ng kuwarto para magbihis ng pambahay. Pagbukas niya ng kabinet ay napangiti siya nang makitang maayos na nakapatas ang kanyang mga damit. Iyon marahil ang mga damit niyang nilabhan ni Annika kaya nagsugat ang mga kamay nito.

Nagpalit siya ng maluwang na kamiseta at shorts. Pagkatapos ay inilabas niya ang kanyang mga aralin. Kailangan din niyang mag-review dahil finals na nila.

Napokus na nang husto ang pansin niya sa pag-aaral na hindi na niya namalayan ang oras. Nang mag-angat siya ng tingin ay nangangawit na ang kanyang likod at batok. Saglit siyang nag-inat. Nang tingnan niya sina Annika at Samantha sa sala ay nakatulog na ang mga ito.

Pinatay niya ang telebisyon. Saglit niyang pinagmasdan ang dalawang natutulog. Napatingin siya sa mga kamay ni Annika na nakayapos kay Samantha. May paso nga iyon at namumula ang ilang daliri sa maliliit na sugat. Dahan-dahan niyang binaklas iyon at maingat na binuhat ang bata para ipasok sa kuwarto. Pagkatapos maiayos si Samantha ay kinuha niya ang first-aid kit na nakita sa ibabaw ng ref.

Naupo siya sa tabi ni Annika at inabot ang kamay nitong may paso. Banayad niya iyong pinahiran ng burn ointment. Manaka-naka ay ini-ihipan niya para ma-absorb kaagad ng balat nito ang gamot. Kapag pumutok iyon ay nasisiguro niyang napakahapdi niyon. Nilagyan niya ito ng medyo malapad na band-aid strip para maiwasang masundot at mapisa. Matapos iyon ay ang sugat naman nito sa mga daliri ang nilagyan niya ng gamot.

Danas niya ang maglaba. Lalo na nang makapanganak ang kanyang Ate Willa. Kaya naman alam niyang ang mga sugat ni Annika sa daliri ay dahil sa matapang na sabon at klorox. Parang naluto ang hugis-kandila nitong mga daliri.

Sa loob ng dalawang linggo na nakasama niya ito, ang buong akala niya ay makakaya nitong mamuhay sa isang payak na tahanan. Mukhang nagkamali siya.

Yumuko siya at maingat itong binuhat upang ilipat sa tabi ni Samantha.

"Walter," naalimpungatan ito.

Pero parang walang narinig na hindi niya ito pinansin at itinuloy na itong papasok ng silid.

Nang ilapag niya ito sa tabi ng nahihimbing na si Samantha ay kumawit ang isang braso nito sa kanyang leeg. Kamuntik na siyang masubsob dito kung hindi niya kaagad naitukod ang isang kamay sa kama.

"Annika."

Ang iba pa niyang sasabihin sana rito ay bumara sa kanyang lalamunan nang lumapat ang bibig nito sa kanyang mga labi. Gumalaw iyon at parang nag-aalangan pa nang banayad na siilin ang kanyang lower lip. Kusang gumalaw ang kanyang bibig at siniil niya naman ang upper lip nito. Palitan nilang ginawa iyon hanggang sa umawang ang mga labi ni Annika.

Parang marinong sinisid niya ang kalaliman ng bibig nito at hinuli ang matamis nitong dila. Sinipsip niya iyon. Gustong-gusto niya ang lasa ng bibig nito. Matamis at mabango. At ang katawan nito, ilang beses na itong naging laman ng mga panaginip. Na minsa'y nagigising siya sa hatinggabi na nag-iinit.

"Annika," paungol na lumabas sa bibig niya ang pangalan nito. Kapwa sila suminghap ng hangin sa matagal na paglalapat ng kanilang mga labi.

Naramdaman niya ang kamay nito sa ilalim ng kanyang kamiseta. Hinahagod nito ang kanyang katawan. Partikular ang parte ng kanyang tiyan.

Shit, mariing naglapat ang kanyang mga bagang.

Mukhang hindi ito naiiba sa ibang babae na gustong-gusto ang mga lalaking may abs. At hindi sa pagmamalaki, maganda ang porma ng kanyang mga abs. Firm.

Pero, takte! Ano ba ang ginagawa niya sa akin?

Pinagmasdan niya si Annika. Wiling-wili yata ito sa paghipo sa abs niya. Pero hindi kaya nananaginip lang ito?

"Annika..." hindi ba nito alam kung ano ang epekto ng ginagawa nito sa kanya? "Hindi ako estatwa."

"I know. But how come you're so stiff and hard like a marble statue," pabulong na sagot nito.

"Stiff and hard?" bigla niyang naiurong ang ibabang bahagi ng katawan.

Niyuko niya ang sarili at tiningnan kung may nakatayo nang tolda sa kanyang harapan. Pero wala naman. Ngunit hindi niya maitatangging may naiipong init sa puno ng kanyang pagkalalaki. At kung hindi titigil si Annika sa ginagawa nito, siguradong hindi na niya mapipigilan pa ang sarili.

Nahigit niya ang paghinga at kahit gusto niya ang ginagawa ng kamay nito sa kanyang katawan ay inalis niya iyon.

"Don't you want me?" parang masama ang loob na tanong nito.

"Want you?" kinuha niya ang kamay nito at dinala sa kanyang harapan.

Namilog ang mga mata ni Annika.

"Hayan, ano ang tawag mo riyan?"

Hindi ito nakapagsalita.

"I want you so bad I feel like my body is on fire every time you're close to me like this." Putek. Nakapag-Ingles siya nang dire-diretso dahil lang sa pagnanasang nararamdaman niya para rito.

"Then let me do something about it," bumangon ito mula sa pagkakahiga.

"Annika," muntik na siyang mahulog sa pagkakaupo sa gilid ng kama nang dakmain nito ang harapan niya!

Hinagod nito ng kamay ang harapan niya na nagsimula nang magising ang hindi dapat magising! At nang pumasok ang kamay nito sa loob ng shorts niya ay parang gusto na niyang takasan ng sariling katinuan!

Putsa!

Mainit at malambot ang kamay na humahaplos sa kanyang simbolo. At parang bagang unti-unting kumalat sa buo niyang katawan ang init na nagmumula roon. Hanggang sa ang baga ay maging apoy. His penis is very much erect. And Annika's thumb is drawing circles around its head. She leaned down. Her lips was a breath away from his shaft when he spoke.

"Ginagawa mo rin ba ito kay Trevor?"

She froze. Ang apoy na tila bumabalot sa kanila ng mga sandaling iyon ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig na bumitaw sa kanyan ni Annika.

Nang tangkain niya itong hawakan ay para itong napapasong napaigtad palayo sa kanya. Napamura si Walter at parang gustong dagukan ang sarili nang mga sandaling iyon. Tahimik na umayos ng higa si Annika sa tabi ni Samantha. Nang ipikit nito ang mga mata ay nakita ni Walter ang mga butil ng luhang malayang naglandas sa magkabila nitong pisngi.

Gusto niyang palisin ang mga iyon. Ang humingi ng tawad sa katangahang nagawa niya. Ngunit alam niyang kahit ano ang gawin niya sa mga oras na iyon ay hindi mare-repair ang damage ng ginawa niya.

Tahimik na lumabas ng kuwarto si Walter.

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon