Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

12-Miss Right

46.6K 1.1K 16
                                    

Chapter Eleven

HINAGKANG isa-isa ni Walter ang mga daliri ni Annika. Natutulog ito nang dumating siya. Lampas ng alas-nueve ng gabi nang siya'y makauwi. Sa sofa ay nakita niya ang mga tiniklop nitong damit. Mukhang napagod ito sa paglalabada at nakatulog na habang naghihintay sa kanya.

Tahimik siyang kumilos at kusang iniligpit ang mga nilabhang damit sa kanilang mga lalagyan. Pagkatapos ay nagpalit na siya ng pambahay at tiningnan kung may pagkain na sa kusina. Mainit-init pa ang kalderong nakasalang sa stove. Nang buksan niya iyon ay nakita niya ang bagong sinaing na kanin. Wala pang bawas. Sa mesa ay may natatakpang ulam. Ginisang monggo at pritong isda. Saka lamang niya naalalang araw ng Biyernes noon.

Bumalik siya ng sala at maingat na tinabihan si Annika. Tukso namang nagbalik sa kanyang alaala ang huling bahagi ng pag-uusap nila ni Vincent bago sila nito naghiwalay.

"...Time changes people. But the need for money is constant."

Naalala niya ang madalas na pangaral noon ng kanilang ina sa kanyang Ate Willa. Na kung mag-aasawa ito ay huwag magpapadalos-dalos sa bugso ng damdamin. Dahil ang pag-ibig daw ay tumatakbong palabas ng pinto sa sandaling kumakalam na ang sikmura.

Marahan niyang kinabig sa dibdib ang nahihimbing na kasintahan. He's twenty-one years old. Bagaman natitiyak na niya sa kanyang sarili na si Annika na ang babaeng napili niyang makasama sa habambuhay ay alam din naman niyang marami pa ang puwedeng mangyari. Annika is nineteen. Ano ang malay niya, baka dahil sa guilt kung kaya't hindi nito magawang iwan siya?

Napahinga nang malalim si Walter sa naisip.

"Baby?" naalimpungatang nagtaas ng tingin si Annika mula sa pagkakayupyop sa dibdib ni Walter.

"Nagising ba kita?"

"Hmn, not really. Bakit ginabi ka yata?" mahigpit nitong iniyapos ang mga braso sa baywang niya.

"May kinausap lang ako."

"Babae?"

Napangiti siya sa nahiwatigang selos sa tono nito.

"Oo."

"Co-worker mo?"

"Hm, oo."

"Bata pa?"

"Siguro nasa late twenties."

"Bakit ka kinausap?"

"Niyaya niya akong makipag-date."

Mabilis itong napabangon sa pagkakahiga. "Nakipag-date ka kaya ka ginabi?"

Unti-unting napangiti si Walter. Ngiting nauwi sa halakhak nang makita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Annika. Para itong torong galit na galit!

"Binibiro lang kita. Hindi 'yon totoo."

"Ewan ko sa'yo!" padabog itong tumayo para mag-walk out.

Pero bago pa ito nakalayo ay mabilis itong nahabol ni Walter at niyakap.

"Huwag ka nang magalit. Binibiro lang kita, hindi 'yon totoo. 'Yang ganda mong 'yan, ipagpapalit ko sa iba? Bah, para akong tumanggi sa isang diyosa."

"Talaga!"

"Huwag ka nang magtampo. Ikaw na ang Miss Right ko kaya hindi na ako maghahanap o titingin pa sa iba."

"Totoo?"

"Totoo. Cross my heart and hope to die," itinaas pa ni Walter ang kanang kamay tanda ng panunumpa.

"I don't want you to die. Just don't lie to me. Kung ayaw mo na sa akin ay sabihin mo lang. You don't have to lie. I can take a hint so you don't have to worry, I will leave as quietly as I came."

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon