Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

10-The New Neighbor Named Dy

54.2K 1.2K 37
                                    

Chapter Nine

MABUTI na lamang at nang magkasakit si Walter, bakasyon na siya sa eskuwela. Nagpaalam na rin siya sa pinapasukang fast food chain dahil magsisimula na siyang mag-OJT. Isa sa mga professor niya ang nagrekomenda ng pribadong kumpanya na papasukan niya. Pagbutihan niya lang daw at kung papalarin, puwede na rin daw siyang makapagtrabaho sa kumpanyang iyon pagkatapos ng kolehiyo.

Graduating na si Walter sa susunod na taon. Dalawang semestre na lang ang bubunuin niya sa kursong BSEE. At hindi pa man ay nasasabik na siyang planuhin ang bukas na kasama si Annika. Magsusumikap siya nang husto upang makahabol kahit na papaano sa yaman ng mga ito. Hindi man siya makapantay, iyon man lang maibigay niya ang isang maalwang buhay sa kasintahan ay masaya na siya.

"Baby ko, nandito na ako," excited na umuwi si Walter matapos na kumpletuhin ang mga requirements sa papasukang kumpanya. "Baby Nik-Nik, nasaan ka?"

Bukas ang bahay ngunit walang tao. Ibinaba niya sa sofa ang dalang bag at umikot sa likod-bahay kung saan may ginawa silang taniman ng gulay. Ilang araw ng iyon ang pinagkakalibangan ni Annika.

"Dagdagan mo pa kaya ng ilang sanga? Ayan, ganyan nga. Perfect."

Curious na sumilip si Walter kung sino ang kausap ng girlfriend niya. Isang lalaking nagmumura sa mga siksik na kalamnan ang nakita niya. Tinutulungan nitong ayusin ang balag ng tanim na ampalaya ni Annika.

Pero putsa, sino ba ang lalaking 'to? gustong umusok ng ilong niya sa inis.

Ang lagkit makatingin sa kanyang girlfriend!

"Annika!"

Gulat na napalingon sa kanya ang kasintahan. Pagkatapos ay matamis iyong napangiti.

"Hi, baby."

Gusto sanang sitahin ito ni Walter sa pakikipag-usap sa isang estranghero kaso biglang nalusaw ang inis niya sa tamis ng ngiting sumalubong sa kanya.

"By the way, baby, this is Dylan or Dy for short. He's our new neighbor. Dylan, meet my boyfriend, Walter."

"Bagong kapitbahay?"

"Nagbo-board ako kina Lolo Tiyago habang ginagawa 'yong lilipatan kong bahay," esplika ng lalaki.

"Nakita niya ako kaninang inaayos 'yong paggagapangan ng ampalaya kaya tinulungan niya na ako."

"Sabi ko naman sa'yo ako na ang gagawa no'n, di ba? Hinintay mo na lang sana akong makauwi," salubong ang kilay na sabi niya rito.

"I know. Pero naayos na ni Dy, hindi ka na mapapagod."

Napapalatak siya. Wala namang kaso sa kanya ang mapagod kung para sa ikasisiya nito. Pero sa halip na sabihin iyon ay ipinasya niyang yayain na sa bahay si Annika. Naiinis siyang hindi maintindihan sa lalaking kausap nila.

"Sige, Dylan. Salamat sa tulong mo. Halika na," ipinihit nang patalikod ni Walter ang kasintahan. "Iniwan mong bukas ang pinto ng bahay. Baka maubos ang mga gamit natin sa loob."

"Safe naman dito kasi halos looban na itong sa atin."

"Mas mabuti pa rin 'yong nag-iingat," napipikong sagot niya sa nobya. "Katulad ngayon. Hindi mo pa nga masyadong kilala 'yong kausap mo pero masyado ka nang palagay sa kanya."

"He seemed like a nice guy."

"Hindi komo may hitsura nice guy na."

Natigilan si Annika at napatitig nang matagal sa kanya.

"Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?"

"Nagseselos ka ba?"

"Nagseselos? Hah! Bakit naman ako magseselos sa lalaking kumakain ng steroids?"

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon