Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

11-Tomorrow

49.1K 1.1K 20
                                    

Chapter Ten

"WHAT'S wrong?" tanong ni Annika sa nobyo.

Pagkatapos nilang kumain ay magkatulong silang nagligpit ng mga kinainan. Napansin ni Annika ang pananahimik ni Walter.

"Nagseselos ka pa rin kay Dylan?" nag-aalalang tanong ni Annika. Iniyakap niya ang isang braso sa braso nito at bahagya itong dinunggol-dunggol sa balikat. "Baby? Promise ko na nga, di ba?"

"May iniisip lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo naman," pakudlit siya nitong hinagkan sa noo. "Sige na. Maghilamos ka na at magpalit ng damit, baka kumapit na sa katawan mo 'yong maliliit na tinik ng mga halaman doon sa vegetable garden mo."

"Okay. Magbihis ka na rin. Ikukuha kita ng bihisan."

Tumango lang ito at nagpokus na sa pagpupunas ng mga hinugasan nilang pinggan. Parang masyadong malalim ang iniisip nito. Pero dahil mukhang nakaligtaan na ng nobyo ang selos kay Dylan, hindi na lang niya ito masyadong kinulit. Siguro nga ay may iniisip lang itong ibang bagay.

Nang makakuha ng sariling bihisan ay ikinuha na rin niya ito ng damit-pambahay. Pagkatapos ay pumasok na siya ng banyo at nag-half bath. When she came out of the bathroom thirty minutes later ay nakaupo na sa harapan ng telebisyon si Walter. Pero tingin niya ay wala naman sa pinapanood ang atensyon nito. Lagusan lang itong nakatingin sa TV.

Kinuha niya ang mga hinubad nito at inilagay sa lagayan nila ng mga labahin kasama ng kanyang mga hinubad na damit. Bukas habang nasa OJT si Walter ay haharapin naman niya ang mga labahin. Marunong na rin siyang maglaba kahit na papaano. At malaking bagay ang washing machine na dala ng hipag niya para mas mapadali ang paglalaba niya. Pang-heavy duty iyon. Isasalang niya lang at paglabas ay tuyo na. Naka-timer din kaya hindi siya mag-aalalang gula-gulanit na ang mga damit nila paglabas ng washing.

"Baby," malambing niyang tinabihan ang kasintahan. Dala niya ang kanyang moisturising cream at kung anu-ano pang pampahid sa balat upang mapanatiling maganda ang kanyang kutis.

"Maganda ka na. Bakit kung anu-ano pa ang inilalagay mo sa balat mo?" inusisa nito ang beauty kit niya. Inisa-isang tingnan ang mga nasa maliliit na sisidlan na para bang mga kakatwang bagay iyon.

"Because I'm a girl. And girls are supposed to take good care of their physical appearance to look nice."

"You already look nice. Sa katunayan ay perfect na nga ang ganda mo," ikinulong nito sa dalawang palad ang kanyang mukha at pinagmasdan siyang mabuti. "Magandang mata, matangos na ilong, perpektong hubog ng mukha at kissable lips na hindi nakakasawang halikan."

Sa mabilis nitong pagyuko ay kaagad itong nakanakaw ng halik.

"Thank you. Lay down, lalagyan kita ng facial mask."

"Ayoko. Hindi naman ako babae. Ikaw na rin ang nagsabi, normal lang sa inyong mga babae ang magpaganda. At hindi ako babae. Isa pa, pogi na ako."

"Ang dami pang sinabi. Kailangan mo rin ito. Higa na."

Kaagad naman itong sumunod.

"Sigurado kang lalagyan mo lang ako ng facial mask, ha?" nanunuksong sabi nito.

"Oo naman, ano?" pinandilatan niya ito at tinampal sa dibdib.

Inihanda niya ang facial cleanser at nilinis muna ang mukha at leeg ni Walter.

"Hinakot mo ba ang pollution ng buong Metro Manila?" nakangiwing tanong niya rito habang nililinis ang buong mukha ng nobyo. Ang itim ng bulak na ginamit niya. "Mauubos mo yata ang isang balot ng bulak ko."

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon