Chapter 1

1.5K 28 5
                                    

"Tara na girl, hurry up! We're going to be late!"

"Ito naman kasi si Kieshia ang tagal gumising..."

"Kung makasisi 'to! Bakit ba kasi ang laki ng school niyo?"

"School mo na din 'to girl. Dalian mo na!"

Nagpahila na lang ako sa kanilang dalawa. Transferee lang ako sa school nila kaya hindi ko pa kabisado ang bawat sulok sa school na 'to. Si Lea and Nicole pala ang mga kaibigan ko.

Tumatakbo na kami ngayon sa quadrangle nang may mapansin ako sa pinaka gilid na may binubugbog kaya napahinto ako.

"Girl, why?" tanong ni Nicole.

"May binubugbog doon." tumingin naman sila sa tinuro ko, pero halos lumuwa ang mga mata nila sa nakita.

"OMG!" si Nicole

"Gosh! S-sina..." si Lea

"First time niyo makakita ng binubugbog?"

"Wait Kieshia! Where are you going?" tanong nila sakin.

"Dun oh." turo ko sa nagbubugbugan. "Tutulungan ko lang."

Nanlaki naman ang mga nila sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? "What? 'Wag na girl!" pero hindi ko sila pinansin.

"Kieshia! Come back here!" sigaw pa nila pero hindi ko na sila pinakinggan at dire-diretso akong naglakad.

"Hoy!" sigaw ko sa maangas na lalaking binububog ang kawawang estudyante. May mga kasama pa siyang matatangkad rin pero nakatayo lang ang mga ito.

Binigyan niya ako ng nagtatakang mga tingin nang lumingon siya.

"Anong ginagawa mo ha?! Ang kapal naman ng mukha mong bugbugin siya, porke't mas malaki ka sa kaniya at may mga kasama ka!"

"Excuse me?" napaawang pa ang lips niya.

"Ha! Excuse me too! At may mga alalay ka pa talaga ha?" nagsitawanan naman ang nasa paligid niya.

"Miss, just leave if you don't want to be involved---" sabi sakin ng lalaking medyo singkit pero pinigilan siya ng lalaking mukhang maangas.

"What's your name?" nakangiting tanong ng maangas na lalaki.

"Kieshia, Kieshia Em Lim. Ikaw sino ka ba?!" tanong ko naman.

"You'll know later." sabay smirk. Pagkatapos ay umalis na sila.

Aba! At may pa-smirk pa talaga.
Ang yayabang!

Nasa loob na ako ng classroom namin. Hindi ko classmate si Lea and Nicole kasi nga new student lang ako dito kaya sila ayun, nasa lower section. Medyo biniyayaan kasi ako ng matabang utak kaya lagi akong top.

After ko magpakilala sa unahan, naglesson na si Ma'am Pep's.

Mabilis na natapos ang lesson namin kaya nagsitayuan na ang lahat para pumunta sa next subject.

'Kaya ayoko talagang magtransfer eh, bago lahat!' paghihimutok ko habang hinahanap ang next subject ko na Math.

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now