Chapter 21

420 15 12
                                    

"A-Ano?" Kunot noong tanong ko kay Brix. Hindi ko inaasahan na malalaman niya ang tungkol samin ni Ocampo!

Tiningnan niya lang ako tapos ay ngumiti.

"Nagkakamali ka---" Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko dapat kay Brix dahil may biglang sumingit.

"Love, did you finish your Science homework?" Napanganga ako sa narinig kong sabi ni Ocampo dahilan para tumingin ako sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sakin at halatang naghihintay ng sasabihin ko.

"L-Love??!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ghad! Anong pinagsasabi niya?

"Yes Love, did you finish your homework? I'm not sure with my answer in number 10, can you help me on it?" Malumanay na request niya.

Ano daw?!

Anong love love love ang sinasabi niya?! Ang kapal naman ng apog niya!

"Hoy! W-Wag mo nga akong---"

"Kieshia, don't shout." Suway sakin ni Brix. Magsasalita na sana ako kaso nilagay niya na sa ulo niya yung headphone niya.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ocampo na ngayon ay nakangisi na. Bwisit! Ano bang binabalak niya?!

"Building 1, rooftop. 12pm" Mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko. Hindi ko na nagawang makapagtanong pa dahil dumating na si Ma'am.

.....

Lutang ako habang nasa klase kaya pagkatapos ng lessons namin ay lumabas na agad ako ng room para makapag isip ng maayos. Hindi ko pa rin kasi alam kung anong sasabihin ko kay Brix.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humarang sakin.

"Kayo na naman?" Pinalibutan ako ng anim na estudyanteng mga gangster. Ito yata yung six beta rho. "Ano na naman bang problema ha?"

"Ikaw ang problema namin Lim. Masyado kang pabida! Binalaan na kita dati pa na 'wag kang didikit kay Calyx Rio Ocampo, pero matigas yata ang bungo mo kaya pasensyahan na lang tayo ngayon." Sagot nung lider nila sabay hatak sakin ng dalawang kasama niya sa magkabilang braso ko.

"Aray! Ano ba?! Saan niyo ba ako dadalhin?!" Pagpupumiglas ko.

"Malalaman mo rin." Sabi ng isa sa kanila sabay kaladkad sakin palabas ng gate.











*****












CALYX RIO OCAMPO's POV

"Get away from her."

"Pinapaiwas mo ako kay Kieshia?" Brix curiously asked.

"Oo."

"Why would I do that? Do you like her?"

"Just do it."

"I won't do that."

"She's my girlfriend."

"Your what?"

"You heard it right bro."

"Since...when?"

"Don't bother to ask."

"Uh. Ahm. Ang bilis naman yata...well. I was just surprised. Alright then...I'll do what you want, but promise me one thing. Don't you ever hurt her."

That was the conversation I had with Brix. Sino ba naman ang hindi magugulat? Well, atleast wala nang ibang pwedeng umaligid kay Kieshia.

...

Say It And You're Mine (SIAYM)Where stories live. Discover now