Chapter 4

572 16 0
                                    

BRIX KIAN CASTILLOS's POV

Ang daldal ng babaeng yun. Dalwang beses ko pa lang siyang nakasama pero parang hindi man lang siya naiilang sakin. Ibang klase siya.

"Yow Brix!" Bungad sakin ni Grexthel. Tinanguan ko lang siya. "Where have you been?" Tanong niya pa.

"Diyan lang." But the truth is, sinamahan ko ang babaeng yun papunta sa canteen. Alam ko kasing hindi siya magiging safe kapag mag isa lang siya. Maraming nakamasid sa kaniya mula nung kumalat ang balita na may isang new student raw (which is her) na basta nalang sumugod at sinigaw sigawan ang T-X.

"Oh, nasan na ba si Calyx? I thought magkasama kayo?" Grexthel said.

I was about to speak nang biglang dumating si Calyx.

"Zup Dude!"

"Yow." Bati ni Grexthel kay Calyx. Tumango naman ako at saka sinuot ang headphone ko. May music pero mahina lang ang volume enough para marinig ko pa ang nangyayari sa paligid.

"Let's go to the canteen." Sabay kaming napailing ni Grexthel sa sinabi ni Calyx.

"Bakit Pare?" Nagtatakang tanong ni Grexthel. Kahit ako ay nagtaka.

"Why not? Nagugutom ako." Nagtinginan kami ni Grexthel dahil sa sinabi niya. May sariling canteen kami sa school na ito na tanging mga high class lang ang pwedeng kumain, at iba ang canteen na para sa lahat kung saan nandun ang babaeng yun. May mali. Iba ang kutob ko sa binabalak ni Calyx.

"Hey Brix! Dalian mo na diyan. Hahaha!" Sigaw ni Grexthel sakin. Naglakad na pala sila at naiwan akong mag isa. So pupunta talaga kami sa canteen ng mga middle class, great. Ano nga kayang pinaplano ni Calyx. Alam niya kaya na nandun si...

"OMG! NANDITO TALAGA SILA!"

"WAAAH! ANG GWAPO NI CALYX RIO!"

Natigil ako sa pag iisip ng maghiyawan at magtilian ang mga babaeng nadaraanan namin. Papasok pa lang kami pero grabe na kung kiligin sila. I can't blame them, ngayon lang kasi kaming tatlo sabay na pumunta dito.

"BRIX KIAN!!! I LOVE YOU!!!"

"GREXTHEL KIRK SAKIN KANA LANG!"

Pangiti ngiti lang ako habang hinahanap ng mga mata ko si...



*****



KIESHIA EM LIM's POV

"Kieshia! Gising na!"

"Hmm.." Ungol ko. Ang sarap pa matulog eh.

"Tara na, girl!"

"5 minutes. Ang aga pa naman eh..." Sabi ko habang nakapikit pa rin. Ang kukulit nila, ang sarap ng tulog ko eh.

"Kieshia Em Lim ano ba? Baka malate na tayo sa next subject natin!" Napabangon ako ng marinig ko ang boses ni Lea.

Owemji! Nasa school pa pala ako. Akala ko nasa bahay na ako. Huhu

"Bakit ngayon niyo lang ako ginising? Tsk!" Pagrereklamo ko habang sabay na kaming naglakad.

"Kanina ka pa namin ginigising, gusto kana nga sana naming iwan kaso kawawa ka naman kapag T-X pa ang nakakita sa'yo."

Bigla kong naalala yung kanina. Kung bakit napadpad kami sa garden na yun.

"Alam mo na ba kung saan ang room mo para sa next subject mo?" Si Nicole.

"Hindi pa nga eh." Pagkakamot ko sa ulo.

"Hays! Sige na nga, samahan ka namin maghanap."

Say It And You're Mine (SIAYM)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora